Binilisan kong maligo at ginamit ko na rin ang sabon at maging towel na nakita kong nasa loob ng cabinet kahit hindi nagpaalam sa kanya dahil wala naman akong ibang choice kung 'di ang gamitin ang gamit niya. Mabuti na lang at wala si Dexon ng lumabas ako sa banyo kaya binuksan ko ang paper bag na dala niya at nakita ako ang puting dress at paired na undies kaya nahiya talaga ako dahil sigurado akong siya ang bumili nito. Tapos na akong magbihis nang bumukas ang pintuan at pumasok si Dexon. Kahit nahihiya ay pinakiusapan ko itong tulungan ako isara ang zipper sa likod ng damit na suot ko dahil hindi maabot ng kamay ko. Pigil-hininga na hinintay ko siyang matapos dahil pakiramdam ko ay napapaso ang balat ko sa init at bawat dampi ng kamay niya sa likod ko. Mabuti na lang at wala siyang

