"Dahan-dahan, baka madapa ka!" awat ko sa isang batang babae dahil basta na lang tumakbo sa direksyon namin ni Dexon. "Nasaan ang mama mo?" tanong ko sa batang sa tingin ko ay tatlong taon mahigit pa lamang at sa kapatid nitong hindi yata naglalayo ang edad. Itinuro naman nang kapatid kung nasaan ang ina na nagtitinda pala ng mangga at bagoong sa dulo habang kasama ang mga anak na mukhang sanay na dito sa Luneta. "Gusto n'yo, laro tayo?" nakangiting tanong ko sa dalawa na agad namang tumango. Hinatak ko si Dexon na sumunod sa amin. Gusto ko kasing lumapit sa nanay nila para ipagpaalam lalo na at hindi naman kami magkakilala tapos biglang nakikipaglaro ako sa mga anak niya. "Naku, ma'am, sir, pasensya na po kayo. Inabala pa kayo nitong mga anak ko," nahihiya na sabi ng nanay nang mga

