Malinaw na narinig ko sa biruan nila na may babaeng nagustuhan na si Dexon at tanging si Kuya Alexander na lang ang wala pero may inuwi na naman raw sa bahay niya at hanggang ngayon ay naroon pa sabi ni Kuya Declan na mukhang tahimik pero tsismuso naman. Mga babaero talaga, pero loyal daw si Kuya Declan at maging si Kuya Jared kay Ate Camilla. Since may babae, na pala si Dexon, nasaan kaya siya? Alam kaya ng babaeng iyon na laging nakalingkis sa akin ang lalaki niya? Umasim tuloy ang mukha ko at pa simple na binaklas ang braso ni Dexon sa bewang ko saka hinatak ko ang kamay ko. Mahirap na, baka may bigla na lang sumugod sa akin at sabunutan ako dahil sa masyadong pa sweet sa akin ang lalaking nagtatanong ang mga mata kung bakit ako lumayo sa kanya pero inirapan ko talaga siya dahil naiin

