Ngumiti ako at tumango bago muling sinimsim ang alak na hawak ko. Itinaas ni Dexon ang hawak na baso at nagulat ako ng budburan niya ng asin ang balikat ko. "Para saan iyan?" namumungay at umiikot ang paningin na tanong ko. "Para sa gagawin nating body shot," sagot nito na sinabing ihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at hinawi ang buhok ko saga agad na tinungga ang hawak na kopita at biglang yumuko at dinilaan ang asin sa balat ko. Ramdam ko ang mainit na paghagod ng dila niya sa balat ko habang mahigpit na hawak ko ang baso ng alak sa kaliwang kamay ko. Masyadong senswal at humagod pa ito hanggang sa leeg ko. "D-dexon," nautal na tawag ko sa kanya ng bumaon sa leeg ko ang mukha niya. "You want try with me, sweetie?" senswal na tanong nito sa akin habang hindi inaalis ang mukh

