"Wala naman tayong relasyon. Isa pa, anong iisipin ng mga taong nakakakilala sa atin kung magpapakasal tayo," panay ang pilipit sa mga daliri na sagot ko dahil ramdam ko ang kakaibang tension sa pagitan naming dalawa. "Sit down," utos ni Dexon dahil nakatayo lamang ako sa harap niya. "Aubrey, I'm ready to marry you. I really do, and as I told you the last time we talked about it, we're going to get married at walang nagbago doon kaya magpapakasal tayo," mahinahon na sabi ni Dexon ng maupo ako sa sofa katabi niya. "Pero-" Gusto ko sana mag-protesta ng bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni Dexon. Natulala ako lalo na nang halikan niya ako sa sintido habang kulang na lang ay mabali ang mga buto sa katawan ko sa higpit ng pagka-kayakap niya sa akin. "I miss you," masuyong bulong n

