Gumapang pa ang palad niya sa mula sa bewang ko papunta sa tiyan ko at marahang hinaplos. "Excited na akong lumaki ito at magkaanak tayo." Bigla akong pinagpawisan ng malapot at nanlamig ang mga kamay ay paa dahil sa rebelasyon ni Dexon. "Nauuhaw ako," tanging nasabi ko dahil sa totoo lang ay wala akong maapuhap na sasabihin sa kanya sa mga oras na ito. Kailangan kong uminom ng tubig at baka sakaling mag-function ang matinong bahagi ng isip ko. Yeah, tama iyon nga, para makapag-isip ako dahil pakiramdam ko ay tuluyan nang na frozen ang utak ko. Mabilis naman na iginiya ako ni Dexon na maupo sa gilid ng kama at pagkatapos ay lumapit sa mini fridge na narito sa silid at kumuha ng tubig saka inabot sa akin matapos buksan. Iyon lang pala ang hinintay niya dahil pagkatapos kong makainom a

