"Beautiful. I know na babagay sa iyo ang wedding gown mo, sweetie," komento ni Dexon na hindi nakalagpas sa paningin ko kung paano niya sinuri ang kabuuan ko. Mailap ang mga mata na ngumiti ako sa kanya at tinapik ito sa likod dahil sa sulok ng mga mata ko, nakita kong nanunuksong nakatingin sa amin ang mga kaibigan niya. "May mga taong nakatingin sa atin," nahihiya at marahang sabi ko. Hindi kasi talaga ako komportable na pinagtitinginan kami lalo na nang mga kaibigan niya na ang alam ay stepsister niya ako tapos heto ngayon, pakakasalan na niya. "Don't mind them, sweetie; I'm proud to show all of them that you are now mine," malambing na sagot ni Dexon na umikot na sa bewang ko ang braso at hinapit ako palapit sa kanya. "Let's go, mag-start na ang ceremony," aya nito na hindi maw

