Chapter 8

1311 Words
AUBREY Masungit at lukot na mukha ni Dexon ang sumalubong sa akin nang lumabas ito mula sa opisina ng kausap na principal. Alam kong galit siya at mainit ang ulo lalo na at maya't maya na lang kung magbangayan kami, pero wala akong magawa kasi ang hirap magpigil sa ugali niya. "Ang tigas talaga ng ulo mo," inis na sabi ni Dexon nang makalapit sa akin. Gaya kanina, hinawakan niya ako sa braso at kulang na lang ay kaladkarin para sumama sa kanya. Ang nakakainis pa ay may mga estudyante rin ang nakatingin sa amin at nakasunod ang mga mata sa kanya kaya wala akong choice kung 'di ang sumama para hindi mapahiya dito kahit pa kumukulo na sa inis ang dugo ko. Kanina pa kasi siya ganito, ang hirap pakibagayan ng ugali niya. Para siyang matandang sumpungin o kaya naman ay babaeng matagal na hindi dinatnan ng regla. "Kanina ka pa," piksi ko ng makalayo kami sa mata ng maraming tao. "Sakay!" matigas na utos nito na parang gaya kanina ay batang paslit na inutusan ako. Kung nagkataon na mahina ang loob ko ay siguradong umiiyak na ako ngayon pero dahil nasanay na ako sa maraming pagsubok sa buhay mula ng mawala si papa ay naging matatag na ako at hindi basta nagpapaapi kahit kanino at maging sa kanya pa. Padabog na sumakay ako ng sasakyan, gano'n rin si Dexon na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at kinausap saka mabilis na pinaandar at pinaharurot ang magarang sasakyan niya. Ang higpit ng hawak ko sa seatbelt ko dahil mukhang hindi pa siya nadala at gusto na naman yatang bumangga sa poste sa bilis ng pagmamaneho niya. Akala ko ay ihahatid niya ako sa bahay pero nagulat ako nang pumasok ang sasakyan ni Dexon sa loob ng malaking building at sinabing bumaba na ako at sumunod sa kanya. Nagtataka na sumunod ako pero ayaw ko siyang kibuin at kausapin hanggang sa sumakay kami ng elevator at gamit ang kulay gold card ay gumalaw na ito paakyat kahit wala siyang pinindot na button. Para akong batang nakasunod sa kanya mula ng lumabas kami sa elevator hanggang sa pumasok sa isang malaking opisina na agad siyang sinalubong ng secretary niya at binigay ang schedule na gagawin niya ngayong araw. "Bakit sinama mo ako dito, Dexon?" agad na tanong ko ng sumara ang pintuan pero hindi niya ako sinagot kaya malaki ang hakbang na sumunod ako sa kanya. "Bingi ka ba?!" malakas at inis na tanong ko. Huminto si Dexon at bumaling sa akin pero hindi ko akalain ang susunod na gagawin nito nang basta na lang hawakan ang batok ko at pumulupot sa bewang ko ang braso saka ako siniil ng halik sa labi. Para akong na frozen at tuod na yakap niya at pinanggigilan ang labi ko ng walang-hiyang lalaking ito habang nanlalaki ang mga mata na nakamulagat sa kanya tapos siya ay nakapikit pa. Sinubukan ko siyang itulak pero sadyang mahina siguro ako at malakas siya sa akin kaya wala akong nagawa kung 'di ang hintayin siyang magsawa at tigilan ang pang-hahalik sa labi ko habang nanghihina ako. "Ikaw!" humihingal na duro ko nang pakawalan niya ang pakiramdam ko ay nangangapal na labi ko. "Sumosobra ka na!" nagpupuyos sa galit na sigaw ko. "Done, sweetie?" nakakaloko na tanong lang ni Dexon na akala mo ay wala siyang ginawa sa akin. "Keep fighting with me, Aubrey, and I promise you I'll keep kissing you," seryosong sabi nito na tinitigan ako kaya napalunok ako sa harap niya. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ng matino. Para siyang hindi nag-iisip ng tama at walang pakialam sa kahit na anong ginagawa lalo na ang basta na lang halikan ako kapag gusto niya na akala mo ay normal lang sa kanya. "Wala kang karapatang halikan ako kapag gusto mo! Isusumbong kita kay mama at kay Mang Danish makikita mo!" gigil na banta ko pero tumaas lang ang kilay ni Dexon pati na rin ang gilid ng labi nito kaya lalo lamang nag-init ang ulo ko at halos maiyak sa sama ng loob sa harap nito. "Alright! Go and tell them," kibit-balikat na sagot ni Dexon. "I'll inform your mother that you were involved in an accident today and that you damaged my expensive car," banta rin nito sa akin. Nanggigigil ako nang basta na lang tinalikuran ni Dexon at naupo sa swivel chair niya tapos binuklat ang folder na nasa harap. Naiwan akong nakatayo at hindi malaman kung ano ang gagawin sa loob ng opisina niya habang tila bulkan na sasabog ang nag-iinit na ulo ko dahil sa inis sa kanya. Kapag magtagal akong kasama siya, maaga akong tatanda. Perwisyo siya sa buhay ko kaya nag-iisip ako kung anong mabuting gawin para makalayo sa kanya. "Uuwi na ako," sagot ko para kunin ang atensyon nito. "Stay here, walang tao sa bahay," sagot ni Dexon na hindi man lang nag-angat ng mukha na sumagot sa akin. "Di ako magbabantay sa bahay," pikon na sagot ko pero hindi na ako sinagot. "Dexon ano ba! Hindi ako nakikipaglaro sa iyo ha!" pikon na singhal ko sa lalaking kaharap ko. "I like how you called me by my name, sweetie," tila nakakaloko na sagot ni Dexon kaya nanlaki ang mga mata ko. Pumikit ako para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Mukhang kahit makipag-away kasi ako sa kanya ngayon ay walang mangyayari kaya ang resulta ay ako na naman ang talo. "Better stay here at may pupuntahan tayo later," sabi lang ni Dexon na hinarap na ulit ang trabaho nito. Siya na naman ang nasunod at kahit ayaw ko ay wala akong nagawa kahit na nagprotesta ako. Ang hirap nang ganito, nasanay akong kami lang ni mama ang may kontrol sa buhay namin pero sa tingin ko magbabago iyon lalo na at pakialamero ang isang ito. Mahaba ang nguso na nakapangalumbaba ako habang inaantok at nakataas ang paa sa mahabang sofa. Ang boring kasi talaga dahil wala naman akong magawa dito kung 'di ang magtiis hanggang sa matapos siya. "Sleepy?" maikling tanong ni Dexon kaya tumango ako. Nakakaantok kasi talaga na walang ginagawa. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi dahil maaga akong nagising kaya sumagot na ako sa pag-aakalang baka pumayag siyang umuwi na ako. Tumayo sa upuan niya si Dexon na parang haring nakaupo kanina at seryoso sa ginagawa. Hinawakan na naman ako sa braso at sinabing sumama ako sa kanya kaya kahit ayaw ko at tinatamad ay sumunod ako dahil pagkakataon ko na ito para makauwi sa bahay at makalayo sa kanya. "Ano to?" kunot ang noo na tanong ko nang pumasok kami sa isang silid na meron pala dito sa loob mismo ng opisina niya. "Room, you can rest and sleep here while waiting for me to finish my work," sagot ni Dexon kaya napa-ngiwi ako. "Ayaw ko, mamaya kung sino-sinong babae dinala mo dito, mangati pa ako," piksi ko na hinatak ang braso ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. "You're such a strong-headed woman, Aubrey. Are you going to lay down there on your own or am I going to carry you and tuck you in that bed until you fall asleep?" bantang tanong ni Dexon. Narinig ko, naintindihan ko kahit paano ang sinabi niya, pero baka mali lang interpretation ko kaya umiling ako. Ang hirap niyang unawain tapos sige pa ang English eh, kaunti lang naabot ng brain cells ko kaya hirap akong makipag-talo. "Rest, you didn't sleep well last night," utos na naman ni Dexon kaya nangunot ang noo ko. "How did you know that?" nagtataka at baling na tanong ko sa kanya, dahil sa pagkakaalala ko ay never kong nasabi sa kanya ang tungkol dito dahil natakot ako kagabi sa silid ko, matapos makakita nang anino. Hindi kaya may cctv siyang nilagay sa loob ng silid na gamit ko kaya alam niyang na puyat ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD