Samantha's POV "Sophia?" Hindi ako makapaniwalang sambit sa pangalan niya. She looks so different right now. Nakangisi siya na para bang demonyo. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka malakas akong sinampal sa pisngi. Napasinghap ako hindi dahil sa sakit kundi dahil sa gulat, hindi ko akalain na ang babaeng kasing bait ng anghel at halos hindi makabasag ng pinggan ay magagawa ang ganitong bagay. Naluluha akong bumaling sa kanya. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko matanggap na siya ang may kinalaman ng pag-kidnapped sa akin ngayon. "Why? Bakit mo 'to nagawa? Anong kasalanan ko sa'yo Sophia!" Naiiyak kong tanong sa kanya. Tumawa lang ito saka nanlilisik ang mga matang napatingin sa akin. "Ang kasalanan mo lang naman ay muli kang nagpakita kay Seth! Hindi sana ay kasal na kami ngayon!"

