Samantha's POV Nasa isang silid kami kasama ko sina Kuya Brandon at Ate Melissa. Ang Mommy at Daddy naman ni Seth ay nasa deck, tinatanaw ang magandang karagatan. "I'm so happy for you, Kuya Brandon and Ate Melissa." Masaya kong turan sa mga ito. "Finally, magkakaroon na rin kami ng baby." Masayang sabi ni Ate Melissa. I am so happy for them. "Ilang months na?" Tanong ko. "2 months pero hindi halata ano?" Saad ni Ate Melissa sabay haplos sa tiyan, pati si Kuya Brandon ay hinaplos din ang tiyan ni Ate Melissa. "Excited na ako sa gender ng baby n'yo. Excited ko na rin siyang makilala. Magkakaroon na rin ako ng pamangkin." Nasisiyahan kong saad. "Lalo na kami, excited na," ani ni Kuya Brandon. "Masaya rin kami para sa'yo Sam, natagpuan muna ang tunay mong pamilya." Masuyong sabi ni A

