"P*nyeta!" Malakas na mura ng lalaki nang kalmutin ko ito sa kabilang pisngi. Maski ako ay nagulat din dahil dumugo ang pisngi nito, napatingin ako sa kamay ko at kuku, hindi naman matalas ang kuku ko kaya imposibleng magkasugat ang pisngi nito. Malakas na tawanan na naman ang narinig ko galing sa mga kasamahan nito. "Pagbabayaran mo 'to! Lintik lang ang walang ganti!" Ani nito sa nanggagalaiting boses, isang malakas na sampal ang dumapo sa kabila kong pisngi. Pakiramdam ko ay parang mawawalan ako ng ulirat sa sobrang sakit, nalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Muli nitong tinaas ang isang kamay para muli akong sampalin pero natigil ito ng magsalita ang isang lalaking katabi ng driver. "Oh, tama na 'yan. Huwag mo ng dungisan ang magandang mukha, sayang naman, iba na lang ang dun

