CHAPTER 1

925 Words
“SIGURADO ka bang nandito siya?” hindi na nakatiis na tanong ni Stephanie kay Yu, ang leader ng banda nilang Wildflowers. Kilala sila hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Two years ago, they officially signed a contract with a huge music label in the US. Sa maiksing panahong iyon ay nakapagbenta na sila ng milyon-milyong kopya ng album nila at nakapag-perform na sa iba’t ibang bahagi ng mundo. magkakaibigan sila. Nabuo ang banda nila noong graduating sila ng kolehiyo. Si Yu ang drummer nila, si Ginny ang bassist, si Anje ang keyboardist, si Cham ang vocalist, at siya ang guitarist. Kung saan-saan sila tumutugtog noon. Hanggang sa na-discover sila ng Warner Music USA nang manalo sila sa isang competition. Kinuha sila mula sa Diamond Records kung saan sila nakakontrata noon. Noong isang gabi lamang ay ginanap ang kanilang homecoming concert. Sa gabing iyon din inianunsiyo ni Cham na iiwan na ang banda nila. Kahit nakakahinayang ay maluwag nilang tinanggap ang desisyon ni Cham na umalis sa grupo nila at manatili sa Pilipinas. Naroon kasi ang lalaking pinakamamahal nito. “Ang alam ko, nandito siya. Paborito niya kaya ang mga ganitong tagong-tagong music bars. Ang sabi ng manager dito, regular na raw siya rito kapag ganitong araw,” sagot ni Yu sa tanong ni Stephanie. “Kailangang makita agad natin siya at makumbinsi dahil wala na tayong oras. Nangako tayo sa mga boss natin no’ng tinulungan natin si Cham na kumbinsihin silang aalis na siya sa grupo na hahanap tayo ng papalit sa kanya na magugustuhan nila,” komento ni Ginny. “Don’t worry, Ginny, magugustuhan siya nila. Hindi ba at palagi tayong naa-amaze sa boses niya kapag naririnig natin siya dati?” sabi ni Anje. “Pumuwesto na nga lang muna tayo sa kung saan maayos nating makikita ang stage,” malumanay na suhestiyon ni Stephanie sa kanyang mga kabanda. Sumang-ayon ang mga ito. Saglit pa ay nakatayo na silang apat sa likurang bahagi ng bar kung saan madilim at hindi sila masyadong makikita. Naka-disguise silang lahat kaya alam niyang hindi rin sila makikilala ng mga tao roon. Madilim pa ang bahagi ng stage ngunit napansin niyang may pigura na ng isang babaeng may bitbit na gitara ang pumuwesto sa nag-iisang silya sa gitna ng stage. Nahigit ni Stephanie ang hininga nang sumindi ang ilaw sa stage at tumutok ang soft spotlight sa babaeng nasa gitna. “There she is,” bulong ni Yu. Ngumiti ang babaeng nasa stage. “Good evening, everyone. I am Carli. I can see familiar faces again tonight. Thank you for always coming here. My first song is for all of you.” Kinalabit na nito ang gitara at nagsimula nang kumanta. “Don’t leave me in all this pain. Don’t leave me out in the rain. Come back and bring back my smile. Come and take these tears away. I need your arms to hold me now. The nights are so unkind. Bring back those nights when I held you beside me… Unbreak my heart…” Nanindig ang mga balahibo ni Stephanie sa braso habang pinakikinggan ang pagkanta ni Carli. “Nakakakilabot talaga kumanta ang babaeng ito.” “Sinabi mo pa. I think she will be a great vocalist for us. Kahit si Cham, gustong si Carli ang maging vocalist natin. Mas mapapanatag daw siya kapag gano’n,” bulong din ni Yu. Tumango siya. “We have to convince her to join us.”   “ABA, ANO’NG ginagawa n’yo rito?” masayang bati ni Carli sa kanila nang puntahan nila ito sa dressing room. Magkakakilala sila dahil noon ay madalas silang magkaka-schedule ng gig sa mga bars. Ngayon tuloy ay napaisip si Stephanie. Kung tutuusin ay mas may karisma at galing si Carli kaysa sa kanila. “Carli, be our new vocalist,” derektang pakiusap ni Yu. Halatang nagulat si Carli at napamaang sa kanilang apat. “Ano?” hindi pa rin makapaniwalang usal nito. Mabilis na lumapit sila kay Carli at umupo sa mga stool na naroon. Pagkatapos ay ipinaliwanag nila ang sitwasyon. “Nang sabihin sa amin na kailangan naming humanap ng magaling na vocalist, ikaw agad ang naisip namin,” pagtatapos ni Yu. “Pero hindi ba, lagi ninyong sinasabi noon na si Cham lang ang vocalist ninyo? Na magdi-disband kayo kung hindi siya ang kakanta para sa inyo?” nagtatakang tanong ni Carli. Bumuntong-hininga sila. “Hindi papayag si Cham na mag-disband kami. It will make her guilty for choosing Rick over us. Siya mismo ang nagsabi na ikaw ang kunin namin at sumang-ayon kaming lahat sa kanya,” sabi ni Ginny. “Pero—” “Carli, you are a great singer. It’s too bad if the world wouldn’t be able to hear your voice and see you. Please join us,” sabi ni Stephanie. Ilang sandaling hindi nakaimik si Carli at tumingin sa kawalan. May bumakas na kalungkutan sa mga mata nito ngunit mabilis din iyong nawala. Tumingin ito sa kanila saka bumuntong-hininga. “Well, sino ako para tumanggi sa malaking oportunidad na `yan? If you will have me, then I will be happy to sing alongside the four of you,” nakangiti nang wika ni Carli. Napangiti silang lahat at niyakap ito. “Let’s take the world by storm through your voice, Carli. Hindi ka magsisisi na pumayag ka!” masayang sabi ni Yu. Tumawa s Carli. “We’ll see…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD