Wala naman kaming nakita ni Sean na nagcu-cutting. Aba, ewan ko na lang kung may magcu-cutting, e napakastrikto nitong lalaki na ito at idagdag mo pa iyung mga punishment kuno niya. Ito lang naman ang mga punishment niya. 1st warning: You'll clean the whole university. 2nd warning: You'll clean the whole university and you can't go to cafeteria for 3 weeks. Plus you'll have a project in all subject. 3rd warning: kick out. Well, hindi naman siya masyadong mahirap, right? Sobrang hirap lang. First warning lang, lilinisin mo na itong buong university? E kung nagjanitor ka na lang, tsk. 'Tsaka, mabuti nga at hindi pa nawawalan ng estudyante itong university na ito e. Sa sobrang strict niya, feeling ko tuloy siya ang may-ari nito. President lang naman ng student council. Sino bang pri

