Pagdating ko sa classroom, nagqu-quiz na sila. Pero hindi ko iyun pinansin kasi bad trip ako sa mga kaklase kong pangit dahil sa paninisod nila. Nagkasugat pa tuloy yata 'yung tuhod ko. "Miss Reyes, saan ka galing?" Tanong ni Prof Mariz. Tumayo ako. "May inutos lang po si President..." Napansin kong natulala siya pero nakabawi rin naman. Tumango siya. "Oh, I see... here's the quiz" may inabot sa akin na papel si Prof. Pati teacher ay takot kay Seanto-Seanto. President lang naman 'yung bulok na iyon. Nagsimula na akong magsagot. Hindi naman masyadong mahirap. Sobrang hirap lang. Ano ba 'to? Parang hindi naman namin ito pinag-aralan e. Nakikinig naman ako ha? Pero ba't parang wala akong natutuhan? Minsan kasi parang nagpapabasa 'yung mga teacher ko. Bahala na nga. Buti na lang may ch

