ILANG araw ng nanghihina si Nhikira. Labis ang kalungkutan niya sa biglaang pagbabago ni Bradley. Hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na niya ito naaabutan pa sa loob ng kuwarto nito sa tuwing naglilinis siya. Hindi na nga rin ito nagpapadala pa nang kape sa kanya. Labis ang pagtataka niya at para itong naging yelo sa lamig? May pagkakataon mang nakakasalubong niya ito, ngunit hindi na siya nito tinitingnan sa mga mata. Para nga siyang hangin sa paningin nito at hindi man lang siya nito pinapansin kahit na binabati niya ito. Sa bawat araw na ganoon ang trato nito sa kanya, lalong lumalalim ang sugat sa kanyang puso. Hindi siya sanay sa biglaang pagbabago nito. Nagtataka siya kung ano bang nangyari noong pumunta ang mag-inang Winter? Wala naman kasi akong naririnig nang kung ano-ano

