TATLONG araw na akong nanghihina. Hindi ko maitatangging ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganito na naman ako. Sa isiping bumalik na ito ng United States at tuluyan na itong magpapakasal sa Adele na iyon, talagang labis akong nasasaktan at napapaiyak. Ngunit wala akong magawa. Hindi ko na kasi alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan? Hindi naman ako maaaring basta na lang sumama rito at magtiwala sa kanya? Natatakot akong itrato na naman nito na parang isang laruan? Natatakot din akong baka hindi rin ako nito kayang ipaglaban sa harapan ng Grandma nito. Ayoko nang umuwing bigo at luhaan gaya ng nangyari noon. Mabigat akong nagpakawala ng buntong hininga. Ilang araw na akong nawawalan ng ganang kumain sa kakaisip sa lalaking iyon. Kung bakit pinagtagpo pa silang

