NAGMAMADALI si Bradley patungo sa kuwarto ng kaniyang mahal na Grandma.
"Grandma!"
Mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ito. Hinawakan ang kulubot na nitong mga kamay.
"Grandson.." nanghihinang bigkas nito.
Napalunok naman si Bradley. Pinakatitigan ang mahal na Grandma.
"M-mukhang hindi na ako magtatagal.."
Napailing-iling si Bradley. Hinalikan ang kamay ng mahal na Grandma.
"Don't say that, Grandma. You'll get better."
Marahang ngumiti ang matanda. Hinawakan nito ang kamay ni Bradley.
"May isa lang akong kahilingan, apo..."
Kaagad tumango si Bradley.
"Anything, Grandma. Just tell me."
Bumitaw muna ito ng mahabang buntong hininga bago tumitig sa apo nitong si Bradley.
"Bago man ako magpahinga, gusto kong makitang nasa maayos ka nang kalagayan."
Bahagyang kumunot ang noo ni Bradley. 'Di niya maintindihan ang ibig sabihin nito.
"You are 30 years old now, Grandson. And I want you to have your own family before I leave this world."
Gulat na napatitig si Bradley sa kaniyang mahal na Grandma. Ramdam niyang nanigas siya sa kaniyang kinauupuan.
"But, Grandma--"
"Please, apo. Nakikiusap ako sa iyo. Gusto kong maging masaya bago man ako mawala sa mundong ito. Gusto kong makitang nasa mabuti ka nang kalagayan."
Lihim na gumalaw ang panga ni Bradley. Napalunok din siya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin sa mahal na Grandma.
Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kaniyang kamay. Napilitan siyang muli itong titigan.
Nagulat siya ng mangilid ang luha ng matanda. Bigla siyang napaupo ng tuwid.
"Grandma.." nababahalang sambit niya.
"Hindi mo ako bibiguin, hindi ba, apo?"
Lihim na bumigat ang paghinga ni Bradley. Gustuhin man niyang magprotesta ngunit 'di niya magawa!
Hindi niya nanaising mawala ito sa mundo nang dahil sa sama ng loob sa kaniya kung tatanggihan niya ang kahilingan nito.
Buong buhay niya, ito na ang kasa-kasama niya. Minahal niya ito higit pa sa sariling mga magulang!
Dahan-dahan siyang tumango. Gumuhit sa kulubot nitong mukha ang isang ngiti.
"Pakasalan mo, si Adele Winter, apo. She is the one I want you to marry."
Nahirapan siyang lumunok. Bahagya rin siyang napayuko. Lalo niyang naramdaman ang pagbigat ng pakiramdam niya.
Hanggang sa biglang sumagi sa isipan niya ang dalagang nakabungguan niya sa Museum.
Malungkot siyang napangiti.
"Apo.."
Bigla siyang napaangat ng tingin.
"Mangako ka, na siya ang babaing pakakasalan mo. Ang babaing aasawahin mo."
Napalunok siya sa harapan ng Grandma.
"Kung sakaling hindi ko na iyon maabutan pa, ipangako mong siya pa rin ang babaing ihaharap mo sa altar, apo."
Napakurap-kurap si Bradley. Ramdam niya ang pang-iinit ng kaniyang mga mata.
"P-pangako, Grandma."
Masasabi niyang iyon ang pinakamabigat na desisyong nagawa niya sa buong buhay!
Ngunit alang-alang sa mahal niyang Grandma gagawin niya iyon. Tutal, wala pa naman siyang nagugustuhan.
Wala nga ba?
Muling sumagi sa isipan niya ang babaing nasa Museum.
Nakakapanghinayang..
"Salamat, apo ko. Hindi ako nagkamali ng pagpapalaki sa iyo.." umaliwalas ang kulubot nitong mukha.
Marahan niya itong nginitian. Hinaplos ang mukha nito.
"Rest now, Grandma. You need to take your medicine later."
Marahan itong tumango. Nang masigurong nakatulog na ito, saka naman nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Bradley.
Mariin din siyang napapikit.
Sa edad niyang 30 years old, hindi pa niya naranasang magkaroon ng kasintahan. Iyon ay dahil sa galit na lumulukob sa kaniyang dibdib.
Hanggang ngayon, hinding-hindi niya nakakalimutan ang pang-iiwan sa kaniya ng kaniyang ina para lang sa ibang lalake.
Dahil sa ginawa nito, unti-unting nanghina at nagkasakit ang kaniyang ama. Napabayaan na rin nito ang mga negosyo.
Ngunit hindi niya lubos akalaing magagawa nitong magpakamatay dahil lang sa aking ina!
Doon halos gumuho ang kaniyang mundo. Labing dalawang taong gulang pa lang siya noon ng iwanan siya ng kaniyang ama.
At lalong naghimagsik ang galit niya sa kaniyang ina at ni minsan hindi ito sumipot sa libing ng kaniyang ama!
Ang mahal niyang Grandma ang umalalay sa kaniya. Ito ang pansamantalang umupo bilang CEO ng kompanya. Ito ang tumayo bilang ama't ina.
Sa edad niyang dalawampung taong gulang, natutunan niyang magpatakbo ng kompanya.
At simula ng iwanan ng kaniyang ina ang kaniyang ama, ipinangako niyang hindi siya magmamahal ng kahit na sinong babae!
Ngunit nagkaroon siya ng kababata. Si Adele Winter. Lagi niya itong kasa-kasama noon pa man.
Minahal niya ito bilang isang kapatid. Ngunit hindi niya inaasahang darating sa puntong nais ng kaniyang mahal na lola na pakasalan niya ito!
Hindi niya magawang magprotesta dahil sa karamdamang mayroon ito. May sakit itong cancer. At ayon sa doctor, anomang oras p'wede itong mawala.
Hindi na maagapan ang sakit nito dahil matagal na pala nitong iniinda ang sakit na iyon, ngunit inilihim lamang sa kaniya.
Ito ang tumayong ama't ina sa kaniya. At labis niya itong mahal! Hindi niya nanaising mamatay ito na may sama ng loob sa kaniya.
Ipinangako niya noon na gagawin niya ang lahat maging masaya lang ang kaniyang mahal na Grandma gaya ng ginawa nito sa kaniya. Inaliw siya nito sa mga panahong lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kaniyang mga magulang.
Isang British ang kaniyang ama. Kaya naman nakuha niya ang light blue nitong mga mata. Samantalang Filipino naman ang kaniyang ina na nagawang magluko sa kaniyang ama.
Noong bata pa lamang siya, sa Pilipinas sila nakatira. Kaya marunong siyang magsalita ng lengguwahe ng Filipino. Ngunit lumaki siya rito sa United States kasama ang kaniyang mahal na Grandma.
Ni minsan, hindi sumagi sa isipan niyang bumalik ng Pilipinas. Dahil umuusbong lang ang galit niya sa sarili ina. Dahil sa ginawa nito, pakiramdam niya lahat ng babae mga manluluko!
Ngunit iba ang trato niya kay Adele. Dahil bunsong kapatid ang turing niya dito. Hindi niya lang matanggap-tanggap na may plano pala ang mahal niyang Grandma na ipakasal dito!
At balak niyang kausapin ang itinuturing na kapatid. Umaasa siyang aatras ito sa kagustuhan ng aking mahal na Grandma.
Umaasa siyang pareho lang sila ng nararamdaman. Kapatid kong magturingan.
Habang nakatulala, bigla na naman niyang naisip ang babaing nasa Museum. Naiinis siyang napatayo.
Sa edad niyang ito, ngayon lang siya nagkaroon ng paghanga sa isang babae? At sa isang mataba pa talaga?
Pagak siyang napangisi. Gumalaw ang kaniyang panga. Umusbong na naman ang kaniyang galit!
Lahat sila manluluko! Hindi marunong makuntento sa isang lalake!
Biglang kumuyom ang kaniyang kamao. Tumunog din ang ngipin niya sa galit na kaniyang nararamdaman.
HABANG naliligo, bigla siyang napamulat ng mga mata nang pumasok sa kaniyang balintataw ang mamula-mulang labi ng babaing nasa Museum!
Ang pagkagat-labi nito. Ang pamumula ng magkabilaang pisngi nito habang nakatitig sa kaniya.
"Fvck!" inis na mura niya.
Buong buhay niya, ngayon lang siya ginulo ng isang babae? At isang stranghera pa talaga?
Napalunok siya ng maramdaman ang pang-iinit ng katawan. Sa inis niya, nagawa pa niyang suntukin ang pader!
Hindi ako maaaring makaramdam ng ganito sa kahit sinong babae!
Oo nga, nambababae siya. Ngunit isang laruan lang ang tingin niya sa mga ito. Ni minsan, hindi siya nagpakita ng kabaitan sa tuwing ikinakama niya ang mga ito.
Marahas niya itong ikinakama. May galit na kasama! Iyon ay dahil sa kagagawan ng kaniyang sariling ina!
Nang dahil sa panluluko nito sa kaniyang ama, maaga itong nawala. Nagawang magpakamatay nang dahil sa kaniya!
Lumabas siya ng banyo na tanging tuwalya lang ang saplot. Nagulat pa siya ng makitang nakaupo sa ibabaw ng kama niya si Adele!
"Kuya Hames!"
Kaagad niyang itinaas ang kaniyang kamay. Itinuro niya ang pinto.
"Step outside for a moment, Adele. I'll just get dressed."
Ngunit dahil laking pilya ang babae, dahan-dahan pa itong humakbang habang nakakagat-labi.
Nakatitig din ito sa makisig niyang pangangatawan. Ngunit hindi niya ito binibigyan ng malisya dahil kilala niya ito simula pa pagkabata.
Bigla siyang napahilot sa sintido. Nang mapansin niyang malapit na ito sa kaniya, mabilisan niyang kinuha ang maliit nitong braso at hinila palabas ng pinto.
"Ouch, I'm hurting, Kuya Hames!" reklamo nito.
Isang ngiti ang pinakawalan ko ng mailabas ko ito sabay sara ng pinto. Iiling-iling pa ako habang papalayo sa pinto.
Hindi ko pinansin ang sunod-sunod nitong pagkatok.
"Kuya Hames, let's talk!"
Sandali siyang natigilan.
Oo nga pala. Kailangan niya itong makausap tungkol sa gustong mangyari ng kaniyang mahal na Grandma.
Umaasa siyang magpoprotesta ang dalaga.
Siya na lang ang pag-asa ko upang hindi matuloy ang kasal na binabalak ng mahal kong Grandma!