KANINA pa balisa sa kinauupuan si Nhikira. Ramdam niya ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya tuloy, isa siyang artista na pinagkakaguluhan. Pagkarating pa lang kasi nila rito sa party ang dami ng gustong makipag-usap sa kanya. Sobra tuloy siyang nahihiya at 'di nakaligtas sa kanya ang ilang kababaihan na masamang nakatingin sa kanya. Ang iba naman, buong paghangang nakatingin lang sa kanya. "Hey!" Sabay-sabay kaming napalingong apat. "Hi!" masayang wika ni Laura at 'agad itong sinalubong. Napalunok ako nang mapansing sa akin ang tingin ng lalake? "Mabuti naman at dumating kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay," nakangiting wika nito na pasulyap-sulyap sa gawi ko. Tumayo rin sina Lesie at Lovie at nakipagbeso rin sa dalawang lalake na sa akin din naka

