KINAUMAGAHAN Hindi ko inaasahan na makikita ko si Adele nang umagang iyon. Buong akala ko, nasa Paris ito kung saan ito nagtatrabaho bilang isang modelo. Hindi pa pala ito nakakabalik? At ngayon, nandito na naman siya sa mansion ng mga Rhys? Kung sabagay, mapapangasawa nga pala ito ng binata. Muntik ko nang makalimutan. Alam niya kaya ang nangyari sa matanda? Akmang tatalikod ako upang makaiwas dito ng bigla ako nitong tawagin. Gaya nang dati, seryoso ang mukha nito at wala man lang kangiti-ngiti. "Dalhan mo kami nang makakain sa lanai." "Opo --" Hindi pa nga ako nakakatapos magsalita, tinalikuran na siya nito. Nasundan ko na lang ito ng tingin. Masasabi kong tunay ang ganda ng hubog ng pangangatawan nito. Palibhasa isang modelo. Hindi nakakapagtakang magkaroon ito ng seksi

