NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng maid's quarter. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Ngayon lang yata nangyaring may kumatok ng ganitong oras? Alas tres na ng madaling araw. Imposible namang si Manang Glenda ang nasa labas? Mabagal akong humakbang dala na rin ng kaantukan. Iyong mga kasama ko naman ay tulog mantika. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang si Bradley ang nasa labas! Ngunit mas nagulat ako ng maamoy kong amoy alak ito? Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Nakasandal din ang isang kamay nito sa pader. Akmang magsasalita ako nang unahan ako nito. "Gusto ko ng kape." Sabay sigok nito. Muntik na itong matumba kung hindi ko ito kaagad naagapan. Ang resulta, nakayakap ito sa katawan ko. Nakaramdam

