CHAPTER 01

1118 Words
SAMANTHA POV PINAGMASDAN ko ang buong paligid.. Madilim na ang langit ngunit maliwanag parin ang buong paligid dahil sa mga ilaw na nag mumula sa nagtataasang gusali, may mga sasakyan, at mga taong naglalakad. Nasa tapat ako ng isang marangyang hotel ng mga oras na iyon... 'kailangan mo nang taposin ngayon ang target mo dahil marami pang misyon ang naghihitay sayo.' Naalala kong utos sakin.. kaya napatingin ako sa kabilang kalsada kung saan nakatayo ang target ko at nakikipagusap sa isang napakagandang dalaga. Binuksan ko ang sling bag na suot ko at kinuha mula roon ang baril na dala ko. Siniguro ko munang nakakabit ng maayos ang silencer sa baril bago pasimpleng itinutok iyon sa kabilang kalsada at kinalabit ang gatilyo... Sapol sa likod ng ulo ang target ko. Tumalikod ako kasabay ang pagbagsak nito sa lupa... Mabilis kong nilibot ang mga mata ko sa paligid... May nakita akong isang pamilyar na lalaki na palabas ng hotel.. Agad ko itong nilapitan at hinawakan sa braso. " Hi, Baby boy... How are you? I miss you..." Malanding sambit ko sa binata at kiniskis ko ang dibdib ko sa braso nya bago pasimpleng tumingin ako sa mga nagkakagulong tao. " Hey, Who are you," Narinig kong tanong ng lalaki kaya ngumiti ako ng matamis bago tumingin sa gwapong mukha nya. " I'm the woman you kissed last night at the bar.. Hmp, Did you forget me already?? I'm hurt baby boy.." Nagtatampo kunyaring sabi ko. Tumitig muna sya sa mukha ko bago nagsalita. " Sorry miss, but I don't remember you," Medyo napahiya ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata... Nginitian ko lang sya bago hinalikan ng mabilis sa labi nya. " It's okay,baby boy... I have to go na pala. I hope you remember me na next time na magkita tayo ulit... See you! Byee! " Sabi ko bago kumindat at naglakad palayo. ...... KAKAPASOK ko lang sa loob ng elevator paakyat sa condo unit ko ng makatanggap ako ng isang text message.... : LAHAT ng information na kailngan mo para sa next targets mo ay pinadala ko na sa condo unit mo... ' Manuel Quino Lorena Sanchez Miguel Alpuerto Yon ang mga pangalan nabasa ko sa isang papel na nakalagay sa isang brown envelope kasama ng ilan pang papel na about sa information nila at ilang pirasong mga larawan... Napahinto ako sa pagbabasa ng ilang impormasyon ng maagaw ang atensyon ko sa isang pamilyar na lalaki... " Oh, My baby boy is here," Nakangising sabi ko habang pinagmamasdan ko ang larawan na hawak ko. CHANCE ALPUERTO.... " Nice name... He's a cousin of my target. Interesting..." Pumikit ako at binagsak ko ang likod ko sa backrest ng sofa habang hawak ko pa rin ang larawan ng binata. One week na din ang lumipas nong first meet namin sa Vivid Mania.... " Hey, Beauty.. wanna drink with me?" Alok sa'kin ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harap ko habang nagsasayaw ako sa dance floor. What a gorgeous man, with a flirtateous look in his eyes... Big catch Samantha! " Sure, baby boy.. Let's have a great time," Nakangising sabi ko sa kanya bago ko ipinulupot ang mga braso ko sa braso nya. " Hey, Ash.. Lyks.. Doon muna kami sa table naten ah," Paalam ko sa mga kaibigan ko. Tumawa ang mga ito habang napapailing.. " Let's go baby boy.." Nang makarating kami sa lounge... Agad kaming umupo at nagsimula ng maghalikan... Well, I know i'm a bitch...pero hanggang kiss and touchy- touchy lang ako.. kahit ganto ako kalandi isang lalaki lang ang nakapagpala sa sexy kong katawan. " You like this baby boy.." Sabi ko sa kanya bago kumandong paharap sa kanya. Narinig kong napaungol sya kaya pasimpleng ngumisi ako.. " Oh god, Let's find another place... I can't take it anymore," he said while kissing me. Naramdaman kong binuhat nya ako at humakbang na palabas ng nightclub at dinala sa parking area... " Wait.. wait.. Let me down," Sambit ko ng makita kong ipapasok na nya ako sa loob ng kotse nya. " Why..?" " Just let me down first," Sumunod naman sya. Dahan-dahan nya akong ibinaba. " Baby boy, I can't.." " What do you mean?!" " Not right now... Next time na lang baby boy... Sorry, I have to go." " What the---" Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil mabilis ko syang hinalikan sa labi at naglakad na paalis. " Sorry, Baby boy.." Nakangising sabi ko habang naglalakad na palayo. Napahalakhak ako ng malakas matapos kong maalala ang nangyari ng gabing yon...idinilat ko ang mga mata ko at muling tiningnan ang larawan na hawak ko... " Mukhang mag e-enjoy ako ngayon sa target ko.... Chance Alpuerto...You will be my key," Nakangising tumayo ako at kinuha ang mga impormasyon na nakalagay sa center table bago humakbang para puntahan ang room ko. Nang makarating ako sa kwarto ko... agad akong pumasok sa loob at tinungo ang malaking cabinet na naroon sa loob. Binuksan ko iyon at hinawi ang mga damit kong nakasabit bago ko nilapat ang buong palad ko sa likod ng cabinet.... " FINGER PRINT IS CONFIRMED " Agad nag bukas ang likod ng cabinet matapos kong marinig ang Speech Synthesis O Computerized voice.... Kung titingnan mo ang cabinet para lang itong simpleng lagayan ng damit... But no.. Isang hightect secret room ang nasalikod ng cabinet na iyon. Nag simulang umilaw isa isa ang mga ilaw sa loob ng secret room kaya makikita mo na ang ilang Flat screen TV sa gilid, In the other side naman ay iba't ibang uri na ng mga patalim at baril ang nasa loob... G36c, AK47, Barrett .50cal, R700, RPG-7 at marami pang iba... May ilang bomba din na nakalagay sa sulok ng kwarto at lahat iyon ginagamit ko sa pag patay.... Being an assassin has become my life in this world.... I have to kill many people.... Because that is what I'm ordered to do. Actually not just because i'm ordered to do it... but because that's what I'm used to do... Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang buhay na ang tinapos ng mga kamay ko. Lumapit ako kung nasaan ang mga firearms ko at kinuha ang Sig SauerP232 na baril bago lumabas ng kwartong iyon. Automatic namang nagsara at naglock iyon...At nag mukhang simpleng lagayan na lang ng mga damit. Humiga ako sa kama at nilagay ko sa gilid ko ang baril na kinuha ko... Hindi kasi ako nakakatulog na walang baril sa tabi ko... Feeling ko kasi hindi ako ligtas o mamamatay ako pag hindi ko katabi ang baril ko. Oo, Mamamatay tao ako pero takot akong mamatay.. Dahil kailangan ko pang mabuhay.... Kailangan ko pang pagsilbihan si Ama....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD