Isa POV
Naalimpungatan ako sa malakas na katok sa aking pinto palaging ganito gigising ako na hindi matandaan ang panaginip ko.
Isa? anak? Okay ka lang ba?". tawag ng nanay habang kumakatok sa pinto.
Opo inay maliligo po muna ako.." sagot ko habang nagpupunas ng pawis.
Oh sige at magaagahan na tayo."
Bumangon na ako at paisa-isang tinanggal ang pantulog nasuot nagawi ang aking tingin sa salamin. Sa bandang ilalim ng aking dibdib ay may peklat na hindi ko matandaan kung saan ng galing. Naitanong ko na ito kina inay pero walang sagot akong nakukuha. Hindi ko na rin ulit naitanong sa pagkat nakikitaan ko ng sakit ang mga mata nito kahit ako ayoko nang na uungkat ang nakaraan dahil sa nakaraan na iyon nawala ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Basta sa pagkakaalam ko and pelat na ito ay may kinalaman sa nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Ang pinagtataka ko ay ang pelat ko sa may puson sabi nang lola ko nakuha ko rin ito galing sa aksidente sanhi ng pag kaka coma ko.
Kakatapos ko lang maligo at papalapit na ako sa hapagkainan ng marinig ko ang usapan nila inay at lola.
"Hanggang kailan mo itatago ang katotohanan Larisa?" tanong ng lola kay inay
"Hindi ko alam ma. Hindi ko kakayaning mawala ng tuluyan sa akin si Isa". ani ni inay na nay mumunting luha sa mga mata.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Larisa lola ako apo ko si Isa. Ngayon pang dadating galing ibang bansa ang mga apo ng Don at Donya Del Carmen." ani ng lola kay inay.
"Inay... hindi maaring bumali sa usapan and Don at Donya". makikitaan ng pangamba ang mga mata ni inay.
" Larisa. Hindi ko na alam ang gagawin. Mahal ko ang apo ko pero hindi natin mapipigilan ang Don at Donya malaki rin ang utang na loob natin sa dalawa kung hindi dahil sa kanila wala na ngayon sa piling natin si Isa at Ra-."
"Ma... napailing si inay kay lola at napatingin sakin.
"Nay? Lola? ano pong pinag uusapan niyo?"tanong ko sa kanilang dalawa na may kunot sa nuo.
"Oh! Isa, P-pinag uusapan namin nang nanay mo ang paparating na pagdiriwang sa mansyon ng mga Del Carmen."maagap na sagot ng lola habang nag pupunas ng kanyang mga mata.
"Po? mga Del Carmen po?"
"Oo, iha dadating kasi galing ibang bansa ang mga apo ng Don at Donya kaya may maliit na pagdiriwang sa Mansyon at Imbitado ang lahat". Ani nito.
"Talaga po Lola? pupunta ba tayo nay?" tanong ko kay inay na may ngiti sa mga labi.
"Hi-."naputol ang sasabihin ni inay nang may umiyak sa likuran ko.
"Raffa? anong nangyari baby? bat umiiyak ka? tanong ko sa umiiyak kung kapatid.
"Gusto ko po car toy ate. ayaw ako hiramin toy ninoy.waaahhhh" iyak pa nito nang malakas
"Baby wag na iyak okay bibili si ate nang maraming-maraming toy promise ni ate yan."naawa ako sa kapatid ko minsan sinisisi ko ang sarili ko kung bakit kami nag hirap ng ganito kung hindi sana ako na ospital hindi sana kmi na lugmok sa utang at hindi sana nawala si itay sa amin. Simula nang nagising ako galing sa coma ay ang kapatid ko na ang naging lakas ko. laking gulat ko nang pag gising ko ay may muting angel na nasatabi ko. Isang milagro na nagising ako sa isang taong pagkakacoma at malaking pasasalamat ko ito sa kapatid ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon.
"Siya nga pala La baka may bakanteng trabaho po sa mansyon pwede ba akong umekstra? please po lola pambili ng toy ni raffa at makatulong man lang kay inay kahit kunti summer break nman lola dba ? baby? mag tatrabaho si ate para may pang biling toy". sabay kurot ko sa mapula pula nitong pisngi.
Minsan napapaisip ako wala man lng may nakuha sa kay inay at itay sa cute2x na kapatid kng ito maliban nlng sa mga mata ko. yun lang ang may pagkakapareho kami. minsan napapaisip ako na ampon ako.. noong bata pa kasi ako inaasar akong ampon nang mga kalaro ko wala kasi akong namana kina inay at itay . ngayon na magkapareho kami ng mga mata ng kapatid ko ay napapatawa nlng ako sa mga iniisip ko.
"Merong bakante doon iha sa katunayan nag hahanap ng tutor ang Donya Georgia sa apo nito sa kanyang panganay na anak." Napatingin ang lola kay inay .
"Nay, please po payagan niyo na po ako promise hindi po ako gagawa nang kalukuhan behave po ako. please po ?"
"Sige na nanay payagan na ate please po? ani naman ng kapatid ko natawa naman ang lola sa kalokohan naming mag kapatid.
"Okay pumapayag ako sa isang kundisyon.
"Ano po yun nay? " excited kong sagot sa kanya
" Maliban sa bunsong apo na babae ng Donya Georgia ay wag na wag kang lalapit sa iba pang mga apo niya." ani ni inay na may takot sa mga mata.
Kahit gusto ko tanungin si inay kong bakit? ay hindi ko na tinuloy alam kong may nangyaring alitan sa pagitan ng mga Del Carmen at inay.
Isasawalang bahala ko nalang. Ang importante sa ngayon ay pinayagan ako na mag trabaho nito.
" Oh sya. mag sikain na kayo at nang makabalik na ako sa mansyon at nang masabihan ko ang Donya sa planong pagtutor ni isa! ani ni lola
"Salamat po sa pag kain lord. Amen" pagdasal ng kapatid ko napatawa naman kaming lahat sana lord palaging ganito gabayan mo sana ang pamilya ko.
Pagkatapos nang agahan ay agad agad na umalis ang lola marami daw kasing aayusin sa pagdating ng mga Del Carmen. Matagal tagal naring nagtatrabaho ang lola sa mga Del Carmen bilang mayordoma.
Papunta ako ngayon sa batis malapit sa rancho ng mga Del Carmen dito ako naglalaba ng mga damit namin mas gusto ko pag dito ako naglalaba mas madali kasi at malinis ang tubig. Madalas akong naglalaba at naliligo dito panatag naman akong ako lng ang tao dito madalang kasi ang mga pumupunta dito ewan ko ba kung bakit hind naman mahigpit ang mga Del Carmen sa mga taga rito sa katunayan nga ay mabait ang Don at Donya.
Kakatapos ko lng mag sampay ng mga damit sa damuhan mas ma bilis kasi ma tuyo ang damit pag binibilad sa damuhan. Habang nag hihintay na matuyo ang mga damit ay napag desisyonan kong maligo na muna.
Napatingin ako sa paligid sini siguradong walang tao.. Isa-isa kung inalis ang aking mga damit hanggang sa manipis na puting camison nalang ang natira. hinubad ko na rin aking panloob na pang itaas ayoko namang umuwi na basang- basa.
Napagawi ang tingin ko sa aking repleksyon. Sa edad kung 17 ay hindi pa pumasok sa isip ko ang pag nonobyo marami ang gusto mag balak manligaw pero wala pa talaga sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Ang nasa isip ko lang ay ang maka pagtapos ng pagaaral at makatulong kay inay sa pagpapalaki kay raffa.
Napag desisyonan kung umahon na mukhang napatagal ako dahil sa pagiisip ng kng ano-ano. Huhubarin ko na sana ang camison na suot ng may marinig akong may nahulog malapit sa kubo.
"Si-sino yan?"