"Ipapadala ko na lang ang mga gamit mo sa bahay niyo kapag nakauwi na kami, okay? I-chat mo ako kung ano ang kailangan mo pa para mahanap ko." Wala sa sariling tumango ako sa sinabi ni Mama. Nakatingin lang ako sa mamahaling singsing na sinuot kanina ni East sa daliri ko. The ring is very beautiful. Pero hindi ko magawang matuwa kahit ibigay niya pa sa akin ang pinakamahal na singsing sa buong mundo. Mas pipiliin ko pa ring hindi maikasal sa kanya. "I'm already married," bulong ko. "I’m already married to that man. Hindi na niya ipapakulong si Papa, ‘di ba?" Ngumiti ng malungkot si Mama at tumango. "Hindi na, anak. At dahil 'yon sa ‘yo. Nagpapasalamat ako kasi kahit ayaw mo, nagpakasal ka pa rin para sa Papa mo. I’m very very sorry. Mama can’t do anything, anak ko." Ngumiti rin ako s

