NANG makababa siya sa sasakyan ay agad niya pinagmasdan ang buong paligid. Wala siyang clue kung bakit siya dinala ni River sa parke.
Lalo na at nagalit ito sa kaniya pagkatapos ay nag angry pa siya sa post nito. She really doesn't know what he was thinking.
But like what he said, go ahead. Tumuloy siya sa playground at maraming mga bata ang nag lalaro. She couldn't help but to smile. Namiss niya maging bata.
Agad siyang dumiretso sa swing nakita at sumakay dito. Tinulak niya ang sarili para makapagswing. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Kahit ang kaniyang mga mata ay hindi mapigilan ngumiti. She missed this. 'Yong pakiramdam na puro saya lang at hindi iisipin kung ano mangyayari kinabukasan.
Huminto siya nang makalapit si River sa kaniyang tabi. Ngumiti siya rito at tinuro niya ang katabing swing. Umiling ito sa kaniya.
"Kuya, sige na! 'Wag kang kj!" She even made a face para asarin ito.
Natatawa na umupo ito sa katabi niyang swing. Tinulak niya ulit ang sarili at ibang beses nag swing habang si River ay nakaupo lang habang pinagmamasdan siya.
"Manong! Pwede bang kami naman? Hindi ka naman nag su-swing. Titig na titig ka lang kay ate ganda."
Natigilan siya at nilingon ang dalawang bata. Isang babae at lalaki. Mahina siyang natawa pagkatapos ay umalis siya sa pagkakaupo sa swing.
"What did you say? M-manong?"
"Kayo na dalawa rito. Tapos na kami ni manong," natatawa niyang saad habang hinihila si River paalis. Balak pa kasi nito sagutin 'yong bata.
"Kuya, hayaan mo na." Sumama ang tingin nito sa kaniya. "Dapat tinuturuan 'yan nang tamang asal kapag may kaharap na matanda."
"Ano bang problema? Totoo naman na matanda ka."
"W-what?!" Mas lalo siya natawa sa naging reaksyon nito. Mahahalata na sobrang inis na ito. "M-matanda ako, Gene?" tanong pa nito.
Tumango siya. "Hindi ba? Ilang taon tanda mo sa mga 'yon."
"I know but—" Tinakpan niya ang bibig nito at hinila sa nakita niyang ice cream vendor.
"Hayaan mo na at i-libre mo na lang ako ng ice cream. Dali!" Huminto siya sa harap ni manong ice cream. Sinilip niya 'yong mga cones.
"Dalawa pong nasa cone, kuya. Saka—" Sinilip niya kung anong flavor ng ice cream ang mayro'n ito. "Gusto ko po ng maraming cookies and cream."
"You can have my ice cream," ani River. Sinimangutan naman niya ito. Umiling-iling siya. "No, kakainin mo 'yong binili ko."
"Actually, it's my treat." She rolled her eyes. Narinig niyang tumawa si manong. Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Manong, anong nakakatawa po?"
"Kayo ba'y mag jowa, hija?" Mas lalo lumaki ang mata niya sa sinabi nito. Anong jowa? Saka manong, jowa talaga 'yong word na ginamit?
"Hin—" Umakbay si River sa kaniya. "Yes, po. Girlfriend ko siya." Ano raw?!
HINDI niya kinibo si River nang makuha nila ang ice cream na binili or more like binili nito. Nag i-insist kasi ito na sa kaniya 'yong pera. 'Edi siya na!
"Ano ba kinaiinis mo? Ako nga dapat ang galit sa 'yo."
Agad niyang nilingon ito nang sabihin iyon ni River. Mariin itong tumititig sa kaniya. 'Yong tapang niya bigla nawala.
Bigla siya nakaramdam ng hiya at guilty sa nangyari. "Sorry," she said.
Hinawakan nito ang balikat niya at pinaharap dito. Inangat pa nito ang ulo niya para matitigan niya ito pagkatapos ay marahan nito pinunasan ang gilid ng labi niya.
"Aayusin ko ang pamilya natin."
SHE doesn't know what to say when he said those words. Aayusin ang pamilya nila? Ano ang ibig ni River sabihin do'n? Paano? At bakit?
Mas lalo dumami iniisip niya dahil simula nang araw na 'yon ay parang may nag bago sa binata. At natatakot siya para sa sarili dahil nagugustuhan niya ang mga ginagawa nito sa kaniya.
Katulad na lang ngayon. Maagang pumunta si River sa bahay nila para dalhan siya ng almusal. Kahit naman may sarili silang almusal dahil nagluluto ang kaniyang ina.
But River still insisted it.
Nasa hapagkainan sila. Katabi niya ito. Kinakain niya ang dala nitong pagkain habang nakapangalumbaba ito nakatingin sa kaniya.
"Stop staring at me. Kumakain kaya ako," reklamo niya rito.
"But you're cute," anito. She rolled her eyes. "Mas cute si Zoro. Ayon ang titigan mo."
Turo niya pa sa pusa nasa paanan niya. Bumaba ang tingin ni River dito pagkatapos ay bumalik sa kaniya.
"Do you want me to?"
"Oo, di mo pa nga nahahawakan 'yan. Give him some love," aniya. Pinagpatuloy niya kumain.
"How about I give your other cat some love?"
Nakakunot na nilingon niya ito. Anong ibig sabihin nito? Isa lang naman ang pusa niya?
"Wala na akong ibang pusa," saad niya. Pinatitigan niya ito. May mapaglarong ngiti ito sa kaniya bago nito binaba ang tingin. "Are you sure?"
Nang ma-realize niya kung ano ang sinasabi nito ay agad niya ito nahampas. "Ang aga aga para sa mga ganyan!" inis niyang saad. Hinablot naman nito ang kamay niya at mas pinalapit siya rito.
Tumatawa ito habang siya ay hindi. Hindi naman kasi nakakatawa mga pinagsasabi nito pero sinasabi niya lang 'yon dahil alam niyang namumula na siya sa kahihiyan.
"I'm just kidding," anito.
ISA lang 'yon sa mga ginagawa ni River dahil sa tuwing nagkikita sila ay palagi ito may binibigay sa kaniya. Kung hindi hard food. Inumin naman. At lahat nang iyon ay may sticky-notes.
Magkakasama silang mag pi-pinsan nang lumapit si River sa kaniya at inabutan siya ng milk tea. Kung saan may naka dikit na sticky note.
Hey, cu-tea.
She giggled then looked at him. Nakangiti rin ito sa kaniya.
"Ang corny mo." Nagkibit balikat ito bago tumungo sa mga pinsan nilang lalaki.
Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan ang sticky note na galing kay River nang may kumuha nito sa kaniyang kamay.
Nakita niya si Chase na may busangot ang mukha. "Anong mayro'n? He keeps giving you something like this and every time, palagi may sticky note nakadikit," puna ni Chase.
Natahimik naman siya.
Hindi niya alam kung paano ito sasagutin. Hindi niya maintindihan kung ano ang gustong pahiwatig ni River sa lahat ng ginagawa nito para sa kaniya.
No'ng araw na 'yon sa parke. Ang daming nangyari. Mostly, sa kinikilos ni River. Napansin niya rin na tumatahimik ang matatandang boys kapag mag kakasama ang mga ito sa isang tabi.
Para bang may seryosong pinaguusapan ang mga ito. Binalik niya ang tingin kay Chase. Naghihintay pa rin ito nang kasagutan sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin dito. Nagkibit balikat siya. "I don't know."
"You, don't know?"
Tumango siya pero parang mali ata ang nasabi niya dahil masama ang tingin ni Chase sa kaniya. Babawiin niya sana ang sasabihin nang tumalikod ito sa kaniya at nag marcha papunta sa mga pinsan nilang lalaki.
She sighed. Wala na talaga siyang naiintihan. Naguguluhan siya sa kaniyang nararamdaman.
"Anong problema?" Nilingon niya ang pinsan na si Paris. Medyo nagulat pa siya dahil bigla ito nasa tabi niya. Minsan lang din naman siya nito kausapin.
"I think..." binalik niya ang tingin dito. Naghihintay pa rin ito sa kaniyang sasabihin. Nagpakawala ulit siya ng buntong hininga.
"Nagtatampo si Chase dahil palagi ako binibigyan ni kuya River ng kahit ano."
Paris hummed. Hindi ito nakatingin sa kaniya bagkus ay sa kanilang mga pinsan. Parang ang lalim din ng iniisip nito.
"Anong gagawin mo kapag nalaman mong lahat ng nasanayan at inakala mo ay hindi naman pala talagang totoo?"
"What do you mean?" nagtataka na tanong niya rito. Lumingon ito sa kaniya pagkatapos ay ngumiti ng malawak.
"Just wondering," anito bago siya iniwan na tulala at maraming katanungan.
Seriously?! Ano ba talaga ang nangyayari sa mga pinsan niya? Bakit biglang ang seseryoso ng mga ito these past days?!
THE next day. Hinanap niya si Chase. Dahil gusto niya ito makausap. Sobrang bothered siya sa kinikilos nito at nagtatampo rin ito sa kaniya.
Nang makita niya ito ay agad niya ito hinila palabas ng cafeteria at dinala sa likod ng campus.
Nagtataka nakatingin si Chase sa kaniya habang tuod siyang nakatayo sa harapan nito. Bigla naurong 'yong dila niya. Hindi niya alam ang sasabihin dito.
Bakit nga ba niya ulit ito hinila?
"May problema ba, Harper?" Mas lalong hindi siya nakasagot. May problema nga ba siya?
Ah, oo! Nag-aalala siya sa binata.
Sinalubong niya ang matutulis nitong tingin sa kaniyang mga mata.
Naguguluhan siya sa kaniyang nararamdaman. Naguguluhan siya. Bigla niya naalala si River. Alam niyang unti-unti nang nagiging importante sa kaniya ang binata at hindi niya alam kung paano ito tanggapin sa kaniyang sarili.
At sa sobrang kaba niya ay iba ang lumabas sa kaniyang bibig.
"I met Valerie and we talked. Gusto niya ipatanong sa 'yo kung bakit hindi mo siya ni-re-replyan man lang?"
Nagsalubong ang kilay nito habang titig na titig sa kaniya. "Hinila mo ako rito para itanong 'yan sa 'kin?" Mahahalata sa tono nito ang pagkainis.
"S-she wants to know."
"But I don't want to!" Nagulat siya sa biglang sigaw nito. Medyo napa-atras siya dahil sa gulat.
"B-bakit? Gusto lang naman niya malaman."
He scoffed. "Parang hindi mo naman ako kilala, Harper. I don't entertain people If I don't like them. Especially, when I only want is your attention."
"M-my attention? Bakit ako?"
"You really don't know?" nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya. "N-no."
"Ow." Mahinang natawa ito. "How about this?"
Hindi siya agad naka-react nang bigla siya nito hinalikan sa labi. Gulat na gulat siya nang lumapat ang labi nito sa kaniya.
Nang maalala nasa campus sila ay agad niya ito tinulak. "W-what the f**k, Chase?! Anong ginagawa mo? People might see us!" galit niyang sigaw dito.
Ginulo ni Chase ang buhok. A part of him kapag super frustrated na ito. Lalo na kapag may gusto itong sabihin pero hindi nito masabi.
"f**k, Genesis!" Mas ginulo nito ang buhok. Medyo lumayo rin ito sa kaniya.
Bigla siya nakaramdam ng takot. Gusto niya hawakan ang kamay nito. Gusto niya pakalmahin ito. Hindi siya natutuwa kapag ganito si Chase.
"Chase," she called. Lumingon ito sa kaniya. Bumigat ang pakiramdam niya nang makitang nahihirapan ito.
"Chase naman." Aabutin niya sana ang kamay nito nang dumiin ang tingin nito sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi.
Naluluha na rin siya. Hindi niya gusto maging ganito ang binata.
Pinagtapat nito ang noo sa kaniya. Ang lapit din ng labi nila sa isa't isa. Huminga ng malalim si Chase then licked his lower lip. Sumunod ang tingin niya roon.
"I lik—" Parehas silang lumingon ni Chase sa likuran nito nang makarinig sila nang pagkaapak sa isang can bottle. Tangina.