Chapter 4

2046 Words
MABILIS niyang inilagay ang mga gamit sa loob ng kaniyang school bag nang matapos ang lecture nila sa araw na iyon. Hindi na siya nag abala pa na ayusin ang mga libro at notebook sa loob at basta na lang salpak sa loob ang mga ito. Kinuha niya ang canvas at art materials nasa loob ng locker sa loob ng classroom. Kada silid ay may nakalaan na locker ang mga estudyante pero ang pinaka main locker nila ay nasa hallway. Bitbit ang isang shoulder bag sa kaniyang balikat habang ang kaliwa niyang kamay ay may bitbit ng canvas at sa kanan naman ang bag para sa art material niya. Lumiko siya sa hallway pa-kanan para pumunta sa locker niya dahil iiwan niya ang mga libro niya sa loob. May extra schedule pa kasi siya, thrice a week para sa art club na sinalihan niya. Wala sana siyang balak sumali kung hindi lang siya pinilit ni Chase. Ibahagi niya raw ang talent na meron siya sa mundo na kinatawa niya. "Genesis!" Lumingon siya sa kaliwang hallway kung saan niya narinig tinawag ang pangalan niya. Nakita niya ang kambal niyang pinsan na sina Tyler at Skyler. Dumako ang paningin niya pa sa tabi ng mga ito, kasama ng dalawa si Callie. Nag gesture si Tyler na lumapit siya sa mga ito. Binalik niya ang tingin sa daan papunta sa locker niya at sa daan kung nasaan ang mga pinsan niya. She sighed nang mag desisyon siyang lapitan ang tatlo. "Bakit? Ilalagay ko pa kasi 'yong libro ko sa locker. I have extra schedule pa kasi." "Mamaya na 'yan. Mabilis lang 'to, bunso," ani Tyler. Nakakuha naman nang batok si Tyler kay Skyler dahil sa sinabi nito sa kaniya. Tanging tawa naman ang sagot ni Tyler. "Ate," bati niya rito. Humalik pa siya sa pisngi nito. Kinuha naman ni Callie ang bitbit niyang art materials para tulungan siya. "Hi, baby bunso," nakangiting balik na bati nito sa kaniya. She pouted sa tinawag nito sa kaniya. Natawa naman si Callie sa kaniya at pinisil ang pisngi niya. Naka nguso pa rin na hinimas niya ang pinisil nitong pisngi. "Callie, hindi na 'yan baby. Kita mo naman kung paano humi—" sabat ni Tyler ngunit hindi na nito nabuo ang sasabihin dahil sinupalpal na ang bibig nito ni Skyler. "Bunganga mo talaga!" nanggigil na suway ni Skyler sa kambal pagkatapos ay bumaling sa kaniya na may ngiti. Parang hindi nito pinagalitan ang kakambal. "Gene— this is Reese Carson," pakilala ni Skyler sa lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya at pinagmamasdan silang mag pinsan. Nahihiya naman na bumaling siya rito. "Hi, my name is Genesis Harper Thompson," pakilala niya at inabot niya ang kamay dito. Inabot naman ni Reese ang kamay niya. "Pleasant to meet you. I heard a lot of good things about you," anito sa kaniya. Bumaling naman siya sa kaniyang pinsan nasa gilid nakatingin sa kanilang tagpo. "Gene, we recommended you to him. Nag hahanap kasi siya ng pwedeng mag drawing sa magulang niya for their anniversary," paliwanag ni Skyler sa kaniya. "Kuya, hindi ako magaling, hobby ko lang 'yon," bulong niya sa mga ito. Nahihiya tuloy siya sa binata. Baka exaggerated ang pag ku-kwento ng kambal sa kaniya. "I saw your drawings and paintings. I think they were beautiful. They have heart and soul," singit na saad ni Reese sa kaniya. Napa-ngiti naman siya sa sinabi nito sa kaniya. "Thank you for appreciating my works, Reese." "It's nothing. You deserve that." "You got this, Gene," suporta pa ni Callie sa kaniya. Binalik niya ang tingin sa kambal at parehas naka ngiti ito sa kaniya. Nag karoon naman siya ng lakas ng loob dahil sa mga ito. Ang relasyon niya sa kambal ay iba, kapag wala ang kuya Phoenix niya, sina Tyler at Skyler ang tuma-tayong kuya niya. "Okay, I accepted the challenge." Kinakabahan man ay binigyan niya ng isang totoong ngiti ito. "Good, I'm glad, Harper," Nawala ang ngiti niya sa narinig. Bigla siyang kinabahan nang marinig na tawagin ang pangalan niyang harper galing sa ibang tao. "Is there something wrong?" nag aalala na tanong ni Reese sa kaniya. "Big time, Reese!" pinalo naman ni Skyler si Tyler. Umiling siya rito. "No, wala naman. 'Wag mo silang pansinin." "Ah! Okay." Tumingin siya sa suot niyang relo. "Mauna na pala ako sa inyo, may extra schedule pa ako." "Wait, Harper!" For the second time ay natigilan na naman siya. Nakita naman niya ang kambal na may pang asar naka paskil sa mukha ng mga ito. "Yes, Reese?" "Can I get your number? I need to contact you about the details." Inilabas niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon. "Sure!" Inabot niya ito sa binata. Kinuha ito ni Reese at inilagay dito ang numero pagkatapos ay ibinalik sa kaniya. Nanlaki ang mata niya nang nakita ni Reese ang wallpaper niya. Mabilis niyang kinuha ito at di-nial ang numero ng binata. "T-there," aniya. Sinagot ito ni Reese habang nakatitig sa kaniya. Naiilang naman siya na pinatay ang tawag. Grabe ang bilis nang t***k ng puso niya. Nakita nito ang wallpaper niya kung saan ang litrato ni Chase ang naka display. Kinunan niya ito no'ng natutulog ang binata sa tabi niya. Nakaharap ito sa kaniya at nakadapa. Kita rito ang hubad nitong likuran. "See you," aniya. Kinuha niya ang tool kit kay Callie pagkatapos ay nagpaalam siya sa mga ito. Kumaway pa siya sa tatlo. "Thank you, Harper. See you." NATATAWA siya nang tumalon nang tumalon si Zoro habang inaabot ang laruan na binili ni Chase last time. She tried pa na paikutin ang laruan. Ginaya naman iyon ni Zoro. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi nang makagat ito ni Zoro at naka palambitin ito sa ere dahil kagat-kagat nito ang laruan. Napalingon siya sa kapatid na kakarating lang galing sa trabaho. Mukha itong pagod. Naka bukas ang tatlong butones nito sa polo at sobrang gulo nang buhok. "Ayos ka lang, kuya?" Wala naman itong sinabi at bagkus ay dumiretso pumasok sa loob ng kusina. Tinigil niya ang paglalaro kay Zoro. Kinuha niya ito at binuhat. Sinundan nilang dalawa ang kapatid sa loob ng kusina. Naabutan niya ito na umiinom nang malamig na tubig. Bumaling ito sa kaniya at binaba ang empty glass. "Bakit hindi ka pa natutulog?" "Katapos lang namin kumain ni mama, nag pa-pa-digest lang ako nang kinain." "Umakyat na si mum?" Tumango naman siya rito habang ni-ra-rub ang belly ni Zoro. "Kapag hindi ka pa raw kumain, initin mo na lang 'yong ulam nasa ref." Binuksan ni Phoenix ang ref at inilabas ang ulam na niluto ng ina nila kanina. Inilagay ito ng binata sa loob ng microwave pagkatapos ay kumuha ng plato at kubyertos. Nag sandok na rin ito ng kanin nasa rice cooker. "Samahan pa ba kita? May hinihintay din kasi akong tawag o text?" Sumalubong ang kaniyang kilay dahil hindi niya alam kung ta-tawag ba o mag te-text sa kaniya si Reese. "No, I'm fine." "Okay, good night." Nilapitan niya ito at binigyan ng halik sa pisngi. "Good night, bunso." PAGPASOK niya sa silid ay inilagay niya agad si Zoro sa higaan nito pagkatapos ay sumalampak siya sa ibabaw ng higaan. Pinatitigan niya ang screen nh kaniyang cellphone. Ang payapang mukha ni Chase ang bumungad sa kaniya. Ang haba talaga ng pilik mata nito para sa isang lalaki. Minsan ay hinihila niya ito kapag naka pikit ito sa kaniyang tabi. Naibagsak niya ang cellphone sa kaniyang mukha nang makitang ang pangalan ni Reese sa caller. Kinamot niya ang noo at ilong dahil ang sakit nang pagkabagsak nito sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag nito. "Hello?" 'Hi, Harper! Naistorbo ba kita?' "Hindi naman, actually inaantay ko talaga tawag mo." 'Oh! Sorry, kung masyado nang late. May tinapos lang ako.' "No, it's fine. You can just brief the details tonight then we'll talk tomorrow." 'Got it. Bale 'yong kailangan mong gawin ay i-paint 'yong picture nilang dalawa. Bibigay ko sayo 'yong copy ng picture nila tomorrow.' "Okay, the most important question is, when is their anniversary?" 'Well, it's five days from now. I know that's a little time. Consider na medyo malaki 'yong papagawa ko sa'yo. Don't worry, mag babayad ako.' "Oh! I.. I'll try my best then, and wala naman akong problema sa bayad. 'Yong araw lang dahil I still have school works to do." 'I know, I'm sorry for this inconvenience, Harper.' "Shussh, ayos lang, Reese." Tumawa pa siya para iparating sa binata na ayos lang talaga. 'Thank you. Also, I'd like to invite you sa anniversary party nila if ayos lang sa'yo?' "Ah, nahihiya ako but I'll try." 'Don't be. I'm there with you. Invited rin naman 'yong kambal at si Callie. Pwede ka rin mag karoon ng plus one, if you like. At isa pa, you're the artist. You need a little recognition for your work.' Napa-ngiti naman siya sa sinabi nito. "Okay, thanks ulit! I'll see you tomorrow." 'Yeah, See you.' KATULAD nang napagusapan nilang dalawa ni Reese kagabi ay nagkita sila kinabukasan para mas linawin ang detalye. "Ito 'yong picture ng parents ko." Inabot sa kaniya ni Reese ang isang litrato nasa brown envelope. Nasa cafeteria sila. Nag sabay na sila mag lunch dahil walang magkaparehas na vacant ang schedule nilang dalawa para mag-usap. "Okay, babalitaan kita every now and then. Saka trice a week may art club ako, pwede tayo magkita sa mga oras na 'yon." "I'll text you kung makakapunta ako. I have basketball practice rin kasi." Tumango naman siya rito pagkatapos ay sumipsip sa binili niyang inumin na juice. "So, araw-araw na kayong mag me-meet dalawa?" tanong ni Tyler sa kanila. Sumabay din kasi ang kambal at si Callie sa kanila lalo na kaklase ng tatlo si Reese. "Kapag may oras lang, kuya." "Pupuntahan ko siya kapag may oras ako. Gusto ko rin makita 'yong process." "Does Chase know?" tanong sa kaniya ni Skyler. Napabalik naman ang tingin niya kay Reese na nakikinig sa kanilang usapan. Pinaglaruan niya ang tinidor sa pasta na inorder niya pagkatapos ay bumaling siya kay Callie. "Yes, I told him." Actually, mamaya niya pa lang sasabihin kay Chase dahil late na tumawag si Reese sa kaniya kagabi. Hindi na niya nasabihan ang binata. Lalo na alam niyang maaga ito natulog dahil may practice ito ng two days sa kabilang University. Kasama sa team si Chase at Gray sa soccer team nila. Nabalitaan niya kasi na kaklase rin ni Gray si Reese lalo na mag kakaedad ang kambal, Callie at Gray. Third year na ang mga ito at twenty-one na rin. "Anyway, Harper, gusto mo pumunta sa bahay?" Nasamid siya sa sinabi nito habang natigilan naman ang tatlo sa sinabi ng binata. "Ayos ka lang?" nag aalalang tanong pa ni Reese sa kaniya. "Ay, bakit? Anong meron?" balik niyang tanong dito nang mahimasmasan siya. "I wonder if you want to see more photos of them or mismo 'yong subject na i-do-drawing mo?" "Hala! I can manage at isa pa, nakakahiya naman. Saka diba, secret 'yang gift mo? Baka malaman ng mom mo." "Oo nga naman, Reese," datong pa ni Skyler sa sinabi niya. "But if you really want to invite her, you need to invite us too," saad naman ni Tyler. Pinanlakihan niya ng mata ang pinsan. "Tyler," sita ni Callie rito. Tinaas naman ni Tyler ang dalawang kamay bilang pag surrender sa sinabi nito. "Ops, sorry, I crossed the line ata." "Hindi, ayos lang. Sa anniversary party na lang ng magulang mo ako pupunta." "Sige, but if you want to see more photos, tell me. Mag dadala na lang ako." "Sure, Reese." Bigla siya kinabahan sa pagyaya nito sa kaniya. Wala pang ibang lalaki ang nagyaya sa kaniya na pumunta sa bahay ng parents nito. Wala naman kasi nag babalak kumausap sa kaniya no'ng high school siya dahil madalas niyang kasama si Chase. Narinig niya minsan sa kaklase niya na takot ang ilang kalalakihan sa kaniyang mga pinsan, kaya hindi magawa ng mga ito makipagkaibigan sa kaniya. "Gene, mauna na kami sa'yo. May klase pa kami." "Sige, kuya, may thirty minutes pa akong vacant. Punta na lang din muna ako sa library." Kumaway siya sa mga ito nang mauna na ang apat sa kaniya. "See you around, Harper!" habol pa ni Reese sa kaniya. "See ya~!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD