SA tabi nang silid tulugan niya ay may isang maliit na art studio kung saan niya ginugugol ang oras upang mag guhit at mag pinta.
Simula bata pa lang siya ay nakahiligan na niya ang mag guhit. Isang beses na pumunta sila sa zoo ay sinubukan niya iguhit ang mga hayop na nakita niya.
Nakakatakot man ang liyon ay isa ito sa paborito niyang hayop na nakita sa zoo. Madalas niya ito i-guhit.
Minsan kulay lila ito, asul o kaya ay rosas.
Sa pag guhit ay malaya siyang nakakapag bigay nang panibagong itsura o kulay nang ano man gustuhin niya.
Tuwang-tuwa siya kapag nabibigyan niya ito nang panibagong buhay.
Hinila niya ang isang kulay puting cart na may laman na mga brushes sa tabi niya.
Kinuha niya rin sa gilid nang lamesa ang kulay itim na apron at sinuot ito.
Sa harapan niya naman ay may isang wooden easel stand at isang naka vertical na canvas sa kaniyang harapan.
Kinuha niya ang litrato na binigay ni Reese sa kaniya at idikit ito sa gilid ng canvas.
Nag simula siya mag outline ng based. Nang matapos siya ay kinuha niya ang isang cart kung nasaan nakalagay ang ilang acrylic paints.
Napansin niya na may ilan na paubos na. Balak niya mag pasama kay Chase na bumili nang panibago.
Madalas niya ito kasama kapag bumibili siya. Minsan ang binata ang bumibili nang ilang brushes at paints na ginagamit niya sa pag pipinta.
Makalipas ang tatlong oras ay napinta na niya ang kalahating ulo nang ina ni Reese habang nakulayan niya lang ang buhok ng ama nito.
Pinahid niya ang kamay sa suot na apron pagkatapos ay kinuha ang cellphone sa ibabaw ng lamesa.
Di-nial niya ang numero ni Reese.
"Hey."
'Hey you.'
Kahit wala ito sa harapan niya ay alam niyang may naka paskil itong ngisi sa kaniya habang lumalabas sa magkabilaan pisngi nito ang dalawang malalim nitong biloy.
"I already started making your parent's portrait."
'Wow! May I see?'
"Shempre naman. Teka lang." Pinatay niya ang tawag dito at pinindot ang video call. Ilang segundo lang din ay sinagot nito ang tawag niya.
Bumungad sa kaniya si Reese na nakangiti.
'Hey.'
"Hey you," pang-gagaya niya rito sa sinabi kanina. "Anyway."
Nilipat niya ang camera sa likuran at pinakita kay Reese ang canvas na may pinta niya ng magulang nito.
"I'm not done yet but if you have any suggestions?"
'Wow! Harper— just, just do what you normally do.'
"Ah, sige. I'll update you na lang."
'Please do.'
Binalik niya ang camera sa harap ng mukha niya. "I'm done for today, itutuloy 'ko na lang 'to bukas."
'Sure, good night, Genesis,' he said while smiling at her.
"Good night, Reese. I'll see you tomorrow."
'See you.'
PINAIKOT niya swivel chair at nag unat ng braso at kamay. Dumapo ang paningin niya kay Reese nakaupo sa gilid.
Napansin niya nakapikit ito. Tiningnan niya ang wall clock at nakitang seven thirty na. Doon niya lang din narinig ang sariling tiyan nang kumulo ito.
Nang matapos ang klase niya ay dumiretso siya sa art studio ng University para mag resume sa pag pinta ng magulang ni Reese.
Akala niya no'ng una ay hindi pupunta ang binata dahil may practice pa raw ito ng basketball ngunit nang mag six thirty ay narinig na lang niya ito na kumakatok sa pinto ng art studio.
Binalik niya ang tingin kay Reese. Panigurado na pagod ito at gutom na. Isang oras din ang inantay nito sa kaniya. Nakaramdam naman siya ng hiya bigla.
She decided na gisingin na lang ito kapag natapos na siya iligpit ang pinag gamitan na art materials.
Nasa kalagitnaan siya nang pag babalot ng canvas nang marinig niya ito mag salita.
"Is it done?"
Binalingan niya ito. "Not yet, but I'll resume tomorrow."
Tumango ito sa kaniya. Nag unat din ito at inayos ang sarili. Napansin niya na magulo ang buhok nito. Tumaas ang sulok ng labi niya dahil ang cute nito tingnan.
"May sundo ka ba? Or did you bring your car?"
Umiling siya. "Wala akong sasakyan and wala rin akong sundo."
"Then, I'll take you home."
"Sure, but before that, kain muna tayo. Gutom na ako, panigurado ikaw din."
Tumawa naman ito. "Yeah, I am."
PINARKED ni Reese ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada kung saan makikita ang mailaw na tanawin sa ibaba.
Nag drive-thru lang sila at nag desisyun na kumain na lang sa sasakyan nito.
Kinuha niya ang biniling pagkain at lumabas ng sasakyan. Makikita ang mangha sa kaniyang mata nang makita ang tanawin.
"The best talaga ang spot na 'to."
"Here," inabot ni Reese ang kamay sa kaniya. Binigay naman niya ang hawak na paper bag dito.
Pinatong ng binata ang pagkain sa ibabaw ng sasakyan pagkatapos ay inabot ulit nito ang kamay sa kaniya.
Kinuha naman niya ito at tinulungan siya nito umakyat sa ibabaw ng sasakyan.
Inabot nito sa kaniya ang biniling pagkain. Kakain na sana siya nang matigil siya dahil inabot nito sa kaniya ang varsity jacket nito.
"Ayos lang ako."
"Wear it, malamig." Mas binigay pa nito sa kaniya ang jacket. Alanganin naman niyang kinuha ito.
"Thanks, err, paano ka?"
"I'm fine, sanay ako sa malamig." Tumawa pa ito. Napaikot naman ang mata niya sa sinabi nito. He's definitely lying.
"Ikaw bahala," she said then started eating. They both did.
NAPABALIKWAS siya sa gulat nang may yumakap sa kaniya patalikod habang natutulog siya.
Sumuot sa nostril niya ang amoy ni Chase.
Hinarap niya ito at tumambad sa kaniya ang mahaba nitong pilik mata. She blew it and flicked it. Napamulat naman ang mata ni Chase.
"Harper, let's sleep."
"Ano ginagawa mo rito?" Mas yumakap naman siya rito. "Sleeping."
"Chase."
"Shh, matulog na tayo." Hinalikan pa siya nito sa noo. She pouted kahit hindi siya nito nakikita.
"Stop sulking, I just missed you, okay?"
"Miss din naman kita," may pagka muffled na saad niya rito.
"Good. We missed each other, now sleep."
Kinagat niya ang dibdib nito sa inis. Gigisingin siya tapos papatulugin ulit.
He hissed. "Aray, Harper!"
"I'm not sleepy—" sumingit naman ito sa kaniya. "Well, I am."
"Dali na, let's talk. Ginising mo ako, eh."
"You're not supposed to wake up, I'm supposed to hug you and then, we sleep together."
"Kaso 'di mo naisip na pwede ako magising. Now, your plan failed."
He sighed pagkatapos ay tumihaya nang higa. Ginaya niya ito at parehas silang tumingin sa madilim na ceiling.
Lumipas ang isang minuto na parang isang oras sa tagal na hindi sila nag sasalita at nakatitig lang sa ceiling ng silid.
"How's your painting?"
She sighed. "Malapit na ako matapos."
Kinuha ni Chase ang kamay niya at pinag intertwine ito sa kamay nito.
"Ano gusto mong pagusapan natin?"
"Hmm, sa tingin mo ano ang nauna? Manok o itlog?"
Tumawa naman ito. "Really, ayan ang tanong mo?"
Pinisil niya ang braso nito gamit ang libre niyang kamay. "Don't judge my question."
"Chansing ka, ha?"
"Ewan ko sa'yo." Aalisin na sana niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya nang mas higpitan nito ang hawak sa kaniya.
"Don't slip away, hindi ko pa nasasagot tanong mo."
"Ano sagot mo?" Tumagilid siya nang higa paharap dito.
"Generally, egg existed first based on the evolutionary evidence."
"Nge, ang killjoy naman. I want your own opinion, Chasey."
Narinig naman niya ang maliit nitong tawa. "Pag iisipin mo talaga ako sa ganitong oras, ha?" Kinulong siya sa bisig nito at ginulo ang buhok niya.
"Chase naman!"
"Matulog na tayo, Harper, may pasok ka pa mamaya." Umusog siya rito para ayusin ang ginulo nitong buhok. "Parang ako lang may pasok mamaya, ikaw din kaya?"
"Kaya nga! Let's sleep na, Harper please." Mas niyakap pa siya nito nang mahigpit. Tinandayan naman niya ito nang binti at niyakap din.
"Kiss mo na lang muna ako."
"No, matulog na."
"Edi, ako na lang." Hinila niya ang ulo nito at hinalikan ito sa labi. Nabigla naman si Chase sa biglaan niyang akto.
Kinagat niya pa ang ibabang labi nito at tumawa.
"Good night," bulong niya rito pagkatapos ay binigyan ito ulit nang mabilis na halik.
PINATITIGAN niya ang portrait ng magulang ni Reese. Konti na lang ay matatapos na siya. May hanggang bukas na lang siya para tapusin ang painting dahil sa linggo ay anniversary na ng magulang nito.
"Bibig." Inikutan niya ng mata si Reese bago kumagat sa hawak nitong sandwich.
Bumili ito ng sandwich sa cafeteria dahil nadala na raw ito na hindi mag dala nang pagkain last time.
Ngunit hindi niya alam kung bakit kailangan maghati sila sa iisang tinapay kung may binili naman itong dalawa.
Naramdaman niya na may kumalat na sauce sa gilid ng labi niya. Pupunasan na sana niya gamit ang likod ng palad niya nang hawakan ni Reese ang kamay niya.
Tinitigan niya ito.
"I told you. Your hands are dirty and I can't afford na madumihan 'yong pinipinta mo. Malapit na anniversary nila."
"In the end pala 'yon pinipinta 'ko lang talaga ang inaalala mo?" she murmured but Reese heard it.
Reese laughed na kinalingon niya rito. Tinaasan niya ito nang kilay ngunit inutusan lang siya nito na ituloy ang ginagawa.
"Can you get my phone?" pasuyo niya kay Reese nang tumunog ang cellphone niya.
Lumapit ito sa bag niya at kinuha ang cellphone pagkatapos ay inabot sa kaniya.
Binaba niya ang hawak na brush at nag pahid sa apron na suot bago kinuha ang cellphone sa kamay ni Reese.
Bumungad sa screen niya ang pangalan ni Chase. Sinenyasan naman niya si Reese na huwag mag ingay.
"Chase?"
'Babe,' balik na tawag nito sa kaniya. Natigil naman siya at baka marinig ni Reese ito.
"I'm with Reese, Chase," mariin niyang saad sa bawat salita na binitawan niya rito. 'Oh.'
She chuckled nervously. 'Sabay tayo uwi?' he asked her. Ngumiti naman siya. "Shempre naman."
'Then, I'll go get you there at isa pa, I want to meet him.'
Nilingon niya si Reese na kanina pa tahimik sa tabi niya. She smiled at him pagkatapos ay tumingin siya sa wall clock.
Alas siete na ng gabi.
Gabi na naman sila natapos ni Reese. Hindi niya rin naman mapigilan dahil after school lang ang bakanteng oras niya.
"Sige, bye."
Binalik niya ang tingin kay Reese nang tapusin niya ang tawag ni Chase sa kaniya. "I guess, we need to clean this up."
"Susunduin ka?" Tumango siya rito. "Oo, eh."
"Hindi pala kita mahahatid," anito. Umiwas pa ito nang tingin sa kaniya.
"Tok, tok?"
Sabay silang lumingon ni Reese sa pinto. Dumungaw ang ulo ni Chase sa gilid ng pinto para silipin sila.
"Chase! Come in."
Binuksan nito ang pinto at pumasok sa loob pagkatapos ay lumingon si Chase kung saan nakapwesto si Reese.
Alanganin na tumayo siya. Parang bigla rin nag iba ang atmosphere ng silid. Pinatitigan niya ang dalawa na nakatingin sa isa't isa.
She cleared her throat. Sabay na lumingon sa kaniya sina Chase at Reese. She smiled at him kahit ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Chase, si Reese pala. 'Yong kinukwento 'ko sa'yo nag pagawa ng portrait?"
"Of course, I remember."
"Okay, then, Reese, this is Chase... ah... m-my cousin." Pilit pa siya tumawa at umiwas ng tingin kay Chase.
"You look familiar, nag kita na ba tayo?" tanong ni Reese kay Chase. Naiilang na hinubad niya ang suot na apron at pinagpagan ang sarili. Napansin niya pa na dumako ang paningin ng dalawa sa kaniya.
"No, we haven't. Matatandaan kita if nag kita na tayo."
Nagtataka siya kung bakit mayriin ang pagkakasabi ni Chase sa huling sinabi nito.
"I think dahil kapatid siya ni ate Callie," singhit niya sa mga ito.
"Really, Harper?" She frozed. Halata rin sa binata ang gulat nang malaman na kapatid ni Callie si Chase.
"Harper?" may pang uuyam na tanong ni Chase sa kaniya.
Napigilan naman niya ang pag hinga at mabilis na lumingon kay Reese.
"Reese, mauna na kami ni Chase. Late na, ayusin 'ko na lang 'to mamaya." Hinila niya pa si Chase para tulungan siya sa pag ligpit ng gamit niya.
Sumunod si Chase sa kaniya ngunit mahahalata sa mukha nito ang nakasalubong nitong kilay.
Kinuha niya ang lalagyan ng canvas sa gilid. Lumapit naman si Reese sa kaniya para tumulong.
Hindi nawala sa paningin niya pag higpit na pag hawak ni Chase sa mga brushes.
Gusto niya sana hawakan ang kamay nito ngunit hindi niya magawa dahil may ibang tao silang kasama.
Alam niyang hindi natuwa ito sa pagtawag ni Reese sa second name niya. Gusto niya kaltukan ang sarili kung bakit hindi niya pinigilan si Reese sa pag tawag nito sa kaniya ng Harper.
"Thank you." Kinuha niya kay Reese ang Canvas.
Pag lingon niya kay Chase ay palabas na ito ng silid habang bitbit nito ang art materials niya.
She was guilty.
"Mauna na kami, Reese."
"Sige, mag iingat kayo and— I'm sorry," anito sa kaniya na hindi niya maintindihan. Pilit na lang siya na ngumiti rito at tinapik ang braso nito.