NAKASUOT ngayon siya ng isang simpleng casual dress. Hindi niya alam kung saan siya balak dalhin ni Reese. Kaya ito na lang ang pinili niya'ng suotin.
Nag paalam na rin siya sa ina na hindi siya makakasabay sa kanila mag dinner dahil kakain sila sa labas ni Reese.
Inasar pa siya ng ina at gusto ito makita. Habang ang kuya Phoenix naman niya ay hindi natuwa sa nalaman.
Protective at mas strikto ang kapatid niya. Isa sa dahilan kung bakit walang lumalapit sa kaniyang lalaki.
Lalapitan pa lang siya ay naka-amba na agad si Phoenix. Wala siyang takas dito.
"Sigurado ka ba diyan? Hindi ka ba niyan ipapahamak?"
"Kuya, chill ka lang. Mabait si Reese at kaibigan nga siya sabi nina kuya Ty at Sky."
"Mas lalong hindi ako mapapalagay kung kaibigan 'yan ni Tyler."
Umikot ang mata niya sa inaakto ng kapatid. Kanina pa rin ito nasa tabi niya nakaupo sa sofa. Nakahalukipkip ang braso nito.
Daig pa nito ang tatay nila.
Pinayagan siya ng ama habang ang kapatid ay nakasalubong ang dalawang kilay.
"Subukan mo lang may sabihin kay Reese mamaya. Lagot ka sa'kin."
"Makakatikim talaga siya at late siya sa usapan niyo."
"Ano ba 'yan! Maaga lang ako, hindi siya late."
"Does Chase know?"
"Why everyone keeps asking me if Chase knows? Palagi na lang kapag may gagawin ako, dapat alam niya," pag hihimutok niya. Gulat napatingin sa kaniya ang kapatid.
"Gene."
"s**t," mura niya nang mapagtanto ang sinabi. f**k.
"Ikaw kasi, ang kulit-kulit mo." Tumayo siya sa pagkakaupo at dumiretso sa kusina.
Sa refrigerator agad siya pumunta para kumuha ng malamig na tubig. Tinungga niya ang maliit na bote na sunod-sunod.
Kailangan niya palamigin ang ulo.
Na-gi-guilty tuloy siya sa sinabi.
Gusto niya mag sorry kay Chase kaso kapag ginawa niya iyon ay panigurado mag tatanong si Chase kung bakit. Hindi naman niya pwedeng sabihin 'yong nasabi niya sa kapatid.
Baka mag tampo si Chase. She couldn't afford na mag tampo ang binata. Mahalaga ito sa kaniya.
"Genesis, May bisita ka, anak."
Binalingan niya ang ina nasa b****a nang kusina. Nakangiti ito sa kaniya. Ngumiti siya rito nang pilit at nilapitan ang ina.
Yumakap siya rito.
"May problema ba, anak?"
Umiling siya. "Wala po, ma."
Hinawakan niya ang kamay ng ina at sabay na silang pumunta sa sala kung nasaan ang kuya niya at si Reese.
May masamang tingin ang kaniyang kapatid sa binata na nakatayo sa gilid. Umikot ang mata niya nang hindi man lang niyaya ng kapatid niya na umupo ang bisita.
"Reese."
"Hi, Gene!"
Natigilan siya. For some reason, biglang tumigil si Reese sa pag tawag sa pangalawa niyang pangalan.
Hindi niya ito pinansin pero nagpapasalamat siya.
"Are you ready?"
"Of course!" She grinned at him.
They kept staring to each other nang sumingit si Phoenix sa harapan niya. Bigla siya bumusangot.
"Behave, Genesis."
"I am behaved, kuya."
"Anyway, hello Resse. My name is Aurora. Genesis' mother."
Inusog niya ang balikat ng kapatid at bumaling sa ina at sa binata.
"Good evening, it's nice to meet you po. I'm Reese Carson."
"Oh, I've heard," may giliw na saad ng ina niya rito.
"Ma," mahinang suway niya rito. Hinawakan naman siya sa braso ng ina at mas inilapit siya kay Reese. Bigla siya nahiya sa inaakto ng ina.
"Hindi gusto ni Genesis na may sabihin ako— Paki-ingatan na lang siya at iuwi mo ng twelve."
"Eleven pm. Iuwi mo ng eleven," singit ni Phoenix.
Natawa ang ina niya. "Iuwi mo ng eleven, Reese."
"Yes po, thank you, Mrs. Thompson and I also want to invite Genesis for my parents' anniversary tomorrow."
"Ayos lang naman sa'kin but si Genesis pa rin ang mag de-decide. Ano ba ang sabi ng anak ko?"
"She'll think about it po." Tumingin pa si Reese sa kaniya.
Kung mag usap ang dalawa ay parang wala siya sa tabi nila.
"What do you think, anak? Do you want to accept it?"
"Mum, don't pressure, Genesis. Let her think about it," saad ni Phoenix.
Nginitian niya ang kapatid. Gusto niya yakapin ito. Palagi ito nasa tabi niya para suportahan siya. Hinawakan ni Phoenix ang kamay niya at pinisil ito.
"Mauna na po kami, ma." Hinalikan niya sa pisngi ang ina at kapatid.
DINALA siya ni Reese sa isang five stars restaurant. Mabuti na lang talaga at naisipan niya mag suot ng dress.
Habang hinihiwa niya ang karne ng steak ay maririnig na tumutugtog ang violin at piano sa background ng restaurant.
May pagkalakihan ang restaurant. Marami rin ang kumakain at lahat nang iyon ay mga naka semi-formal attire.
"Anong oras party bukas ng parents mo?"
Natigilan si Reese at tumingin sa kaniya. "You're going?"
"Ayaw mo ba?" she chuckled.
"Of course, I want to— and to answer your question, alas syete ng gabi."
Kumuha siya ng mashed potato at sinubo ito. "Hmm, pwede ako mag dala ng plus one, diba?"
"Yes, Harper, I mean Gene." Umiwas ito nang tingin sa kaniya pagkatapos ay humiwa rin sa steak nito.
"Thank you, Reese." For tonight and for being considerate. Gusto niya sana idugtong.
Alam niyang nahalata ni Reese ang tuno ni Chase last time nang marinig nito na tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan.
"It's nothing. So, I'm still gonna see you tomorrow evening, hm?" Tumaas-taas ang kilay nito.
"I guess, hindi ka ba nagsasawa?" Natawa siya sa kaniyang sinabi. Simula pala nang i-recommended siya ng kambal ay madalas na sila mag-usap at mag-kita ni Reese.
"Hindi naman, I like your company."
Pinamulahan naman siya ng pisngi. Akala niya ay sasang-ayon ito sa kaniya. Hindi niya expected ang sinabi nito.
"You're blushing, Genesis," natatawa nitong asar sa kaniya.
Mabilis niyang kinuha ang baso ng tubig at ininom ito. Mas lalo naman tumawa si Reese sa naging reaksyon niya.
"Bolero ka."
"No? I'm just stating the fact here."
"Ewan ko sa'yo, Reese!" Inikutan niya ng mata ito.
"Don't you like my company?"
Bigla siya nailang dito. Ano-ano ang lumalabas sa bibig nito.
"No— kuya?" Nanlalaki ang mata niya nang makita ang binata nasa kabilang table.
Lumingon din si Reese sa kaniyang tinitingan.
Sa isang table ay nakatayo si River kasama ng isang magandang babae. Mahaba ang buhok nito, mukhang makinis at matangkad. Para itong isang modelo.
Pinaghila ni River ito ng upuan. Ngumiti ang babae kay River nang makaupo ito.
Iiwas na sana siya nang tingin kung hindi lang napalingon sa gawi niya si River.
Nabigla ito nang makita siya pero agad rin napalitan ng pagiging seryoso ito.
Kinabahan siya bigla.
Pinagpawisan siya ng malamig.
Nakakadala ang tingin nito sa kaniya. Sumalubong pa ang dalawa nitong kilay.
"Gene, are you okay?"
Nabalik ang paningin niya kay Reese. Makikita rito ang pag-aalala sa kaniya.
"I... I'm fine." Kinuha niya ulit ang baso ng tubig at ininom ito. She's fine.
"Genesis." No, she's not.
Nilingon niya si River nasa gilid ng table nila ni Reese.
"Kuya River? What are you doing here?" Gusto niya pasalamatan ang sarili nang hindi siya nautal.
Tumingin siya kay Reese na naguguluhan sa nangyayari. Halata sa mukha nito na gusto nito mag tanong kung sino ang lalaki nasa harapan nila ngayon.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."
Jusko, gusto niya maihi sa kaba.
"Kuya, this is—" Turo niya sa kasamang binata. "Reese Carson," si Reese na mismo ang nagpakilala sa sarili.
Nag-angat pa ito ng kamay ngunit hindi ito tinanggap ni River bagkus ay bumaling ulit ito sa kaniya.
"Alam ni kuya Phoenix nandito ako at kasama ko siya."
"Excuse me? May I know who you are?"
"Reese, he's my cousin, River Thompson. Older brother nina kuya Ty and Sky."
"Tyler and Skyler? I didn't know they have older brother."
"Now, you know," mapang-asar niyang sagot dito. Parehas silang natawa sa kaniyang sinabi. Natigil lang ang titigan nilang dalawa nang sumingit si River.
"After this dinner, umuwi kayo ng maaga," bilin nito sa kanilang dalawa ni Reese.
Gulat siyang tumingin dito. Parehas ng kuya Phoenix niya na masyadong strikto si River.
"I'll get her home by eleven."
Masamang tumingin si River kay Reese pagkatapos ay bumaling sa kaniya. "Uuwi ka ng ten. Whether you like it or not."
"What kuya? I told you nagpaalam ako," mariin pero mahina niyang saad rito. Tumingin-tingin pa siya sa paligid.
"Kapag hindi kita nakita na tumayo dito before nine, ako hihila sa'yo."
"Kuya!"
"I'll get her home by ten, River."
Mabilis na lumingon siya kay Reese. "What? No, uuwi tayo ng eleven."
"Gene, it's okay. Masyado na rin late ang eleven at isa pa, we'll see each other naman tomorrow evening."
"What do you mean?"
"Kuya, wala ka na do'n and please, bumalik ka na do'n sa kasama mo. Nakakahiya. She's waiting."
Mag sasalita pa sana si River ngunit tinikom na nito ang bibig pagkatapos ay tinalikuran silang dalawa ni Reese.
Pinanood niya na bumalik at umupo sa harapan ng kasama nitong babae si River. Gusto niya umikot ang mata.
NATAPOS ang kanilang dinner ng maayos. Sa kalagitnaan nang pag lalakad nila sa gitna ng parking lot ay huminto siya sa pag lalakad na kinalingon ni Reese.
"Bakit?"
Binalingan niya ito at binigyan ng isang ngiti. "Thanks for tonight and sorry about my cousin earlier."
"No worries, that's understandable."
"Yeah," bumaba ang paningin niya sa lupa. Understandable. If alam lang ni Reese kung anong klaseng pamilya ang meron sila. Hindi nito sasabihin na understandable iyon.
"If you like, I want to treat you again next time."
Mabilis na inangat niya ang paningin dito.
"I would love that," she answered and smiled at him widely. She gave him a cheeky smile that everyone loved.
Napatingin siya sa pisngi nito. Lumapit siya rito at binigyan ito ng halik sa pisngi.
Nahalata niya natigilan si Reese nang halikan niya ito sa pisngi. Nang humiwalay siya, hawak-hawak niya ito sa balikat at parehas silang titig na titig sa isa't isa.
Nang tuluyan na siya hihiwalay ay maagap na hinawakan ni Reese ang baywang niya para mas mapalapit siya sa binata. Gulat napanganga siya sa naging aksyon nito.
Agad na nilapit ni Reese ang mukha sa mukha niya, kaunti na lang ay mag lalapat na ang mga labi nilang dalawa.
Mabilis ang t***k ng kaniyang puso at sobra siyang kinakabahan.
Parehas silang napatitig sa labi ng isa't isa. Biglang bumagal din ang paghinga nila.
Palipat-lipat na tinitigan niya ang labi nito at ang mata nito nakatingin sa kaniyang labi.
Hahalikan na sana siya ni Reese nang maalala niya kung anong klaseng pamilya mayroon sila. Bigla siya humiwalay dito at hindi makatingin na inayos niya ang sarili.
Nanlalaki ang kaniyang mata nang makita kung anong oras na.
"Shit."
Mag a-alas dies na.
Kinabahan siya. Bigla niya narinig ang sinabi ni River kanina. Tangina.
"I'll take you home."
Hinawakan siya nito sa kamay na kinabigla niya. Namumula ang kaniyang pisngi lalo na muntik na sila mag kiss na dalawa.
Napansin naman niya na kalmado lang si Reese. Wala rin itong sinabi na pinapasalamatan niya.
Hindi niya kaya ang awkwardness sa kanilang dalawa, kung sakali.
Malapit na sila sa sasakyan nito nang makarinig sila ng busina. Huminto ang isang itim na sasakyan sa kanilang gilid.
Bumukas ang bintana nito at nakita nila rito si River na seryosong nakatingin sa kaniya. Hindi man lang tinapunan ng tingin nito si Reese.
"Sakay," masungit na saad ni River sa kaniya. Parehas nakasalubong ang kilay nito habang titig na titig sa kaniya ng mariin.
Mag rereklamo pa sana siya ngunit hindi na niya tinuloy nang maalala niya ang muntikan na halikan nilang dalawa ni Reese.
Mas mabuti na sumabay na lang siya sa pinsan niya kaysa kay Reese. Bigla siya nahiya sa binata at hindi niya alam ang sasabihin dito kapag mapag isa na naman sila.
"Reese, kay kuya na lang ako sasabay para hindi ka na mahirapan bumiyahe."
"But I told your mom I'll take you home."
"Don't worry, she'll understand." Hinawakan niya pa ito sa kamay at pinisil ito ng marahan. "Thank you for tonight. Nag enjoy ako and sorry."
"Genesis."
Binalik niya ang tingin kay River. Naiinip na ito sa kaka-intay sa kaniya.
"Sige, bye Reese."
"Bye, Gene. Ingat kayo."
Tumango siya rito bago pumasok sa loob ng passenger seat. Pinanood niya si Reese nakatayo sa pinag-iwanan nila.
She sighed. Binalik niya ang paningin sa harapan.
Doon lang din niya na-realized na parang mali ang naging desisyon niya sa pagsama sa pinsan dahil bigla na naman siya kinabahan sa lamig ng atmosphere nilang dalawa.
She bit her lower lip.
"Next time, don't wear clothes like that."
"Ha?"
"Everyone can see your cleavage and if you bend a little baka makita ko na rin ang suot mong undies."
"W-what?" Hindi siya makapaniwala sa kaniyang naririnig. Ayaw nito mag process sa kaniyang isipan.
"I don't like people looking what's mine, Genesis."