CHAPTER 6
Magdidilim na, ngunit hindi pa rin muling nagpapakita si Jacob matapos siyang iwan kanina.
So, she got all the time she needed.
To cry.
Mula kahapon, pinipigilan na niya ang luha—sa takot na kapag sinimulan niya ito, ay hindi na niya kayang pigilan pa. At tama siya.
Nang marinig niya ang tunog ng kotse na minaneho ng lalaki palayo, tuluyan siyang bumigay. She sobbed like there was no tomorrow.
She cried for Leo—na nadadamay at naiipit sa gulo ng mga magulang.
She cried for herself—dahil walang kahit anong pagsisisi ang kayang burahin ang bigat ng kanyang kasalanan.
At higit sa lahat, she cried for Jacob. For the old Jacob she loved… and for the cold, broken man she turned him into.
Namumugto ang kanyang mga mata nang bumaba sila ni Leo. Sa kusina, nadatnan nila ang isang may edad na babaeng abalang nagluluto.
“Ako si Susan,” pakilala nito, may malumanay na ngiti. “Tagalinis at taga-palengke ni Jacob.”
Napag-alaman niyang ngayon lamang ito natawag para magluto.
“Di ko akalaing babalik agad si Jacob, eh,” sabi nito sa natural na Batangenang tono. “Sabi kasi tatlong araw pa siyang mawawala. Kaya di ako nakapamalengke.”
Pilit nitong iniiwas ang tingin sa kanyang mukha, lalo na sa namumugtong mga mata niya.
Mabuti na lamang at naglilikot si Leo, kaya sa bata na lamang nila ibinuhos ang atensyon.
“Gawa ka lang ng listahan ng gusto mong ipaluto,” dagdag ni Aling Susan bago tuluyang magpaalam. “Ako na bahala mamalengke bukas.”
Saktong nagpapaalam na si Aling Susan, narinig naman niya ang pagdating ng kotse sa labas.
Jacob.
Humugot siya ng malalim na hininga. Inihanda niya ang sarili sa muli nilang pagharap. Muling bumigat ang dibdib niya.
Is this how it was always going to be from now on?
Is it alwasy going to be this tense?
Pero ano ba ang inaasahan niya?
She couldn’t honestly expect things to be normal.
Pumasok si Jacob sa kusina. Napansin nito ang kanyang namumugtong mga mata—at agad inilihis ang tingin, dumiretso kay Leo.
“Have you eaten?”
Isang tanong lang… at bigla siyang binalik sa nakaraan.
Have you eaten?
Iyon palagi ang tanong nito tuwing uuwi nang late dahil sa overtime. At kahit alam nitong hindi pa siya kumakain, itatanong pa rin—dahil alam din nitong hinihintay niya siya, gaano man ito kagabi.
“No. I’ll get the table ready,” mahinang sagot niya.
Tahimik silang kumain. Walang kahit anong salita ang pumuno sa pagitan nila—maliban sa munting tunog ni Leo habang pinapakain ni Jacob.
At sa gitna ng katahimikang iyon, mas ramdam ni Libby ang layo nilang dalawa.
Mas malayo pa kaysa sa mga taon na naghiwalay sila.
Habang nagliligpit siya ng pinagkainan, sinabi ni Jacob na magpapahangin muna sila ni Leo sa labas.
The thought that Jacob was really serious about sharing a room with her was terrifying. Part of her longed to be close to him—to touch him—but she knew better than to hope too much.
Tulog na si Leo nang bumalik ang mag-ama. Nasa sala siyang naghihintay at agad silang sinundan paakyat.
“Jacob, we need to talk,” ani Libby nang makalabas sila ng kuwarto ni Leo.
Once again, he ignored her.
Diretso itong pumasok sa kabilang silid.
“We can’t go on like this, Jacob,” habol niya, pilit na pinapakalma ang nanginginig na tinig.
“Go on like what?” singhal nito, hinuhubad ang suot na damit.
“Like this.” Wala siyang magawa kundi ituro ang paligid. “Everything feels so tense. So gloomy. It’s not healthy for Leo.”
Bigla itong lumapit sa kanya.
She stiffened.
Shirt off. Exposed. That ugly scar—again.
This time, she didn’t flinch. Pinaghandaan na niya ito. Kailangan niyang maging matapang.
“Do you think I don’t know that?” usig nito, mababa ngunit puno ng galit. “Do you think I’m enjoying this? I’m supposed to focus on my son—but I can’t. I can’t do it with you here.”
“I’m sorry,” bulong niya, pinipigil ang muling pag-akyat ng luha.
She scolded herself. Didn’t you promise you’d be brave?
“You’re sorry?” Tinaasan siya nito ng kilay. “Then what are you going to do about it?”
“What?” litong tanong niya.
“Aren’t you going to prove how sorry you are?” patuloy nito, may halong panunuya. “How are you going to show me? Shouldn’t you be kissing me—just like in the movies?”
If only it were that easy.
“Don’t you dare cry,” babala nito nang mapansin ang pagbagsak ng kanyang mukha. “Didn’t I make myself clear earlier? There’s no escaping me this time.”
Kinuha nito ang kanyang kanang kamay at marahang, ngunit mariin, inilapat iyon sa pilat sa dibdib nito.
Napahibik siya—ngunit hindi hinila ang kamay. Sa halip, ipinikit na lamang niya ang mga mata.
“Damn it, open your eyes,” galit na sabi nito.
Agad siyang napamulat.
“Feel it,” he said through clenched teeth. “These scars don’t disappear, Libby. You don’t get to pretend they don’t exist. You might as well get used to them.”
Habang nag-uunahang bumaha ang luha mula sa kanyang mga mata, pinisil niya ang dibdib nito, mas dama ang init, ang t***k—ng puso lalaking minsan siyang minahal nang buong-buo.
Tuluyan na siyang napahikbi.
Bigla niya itong naramdaman na itinutulak siya palayo.
Sa lakas ng tulak, bumagsak siya sa kama.
Gulat siyang napatingin dito—at muling nakita ang sakit sa mga mata nito.
Kinuha ni Jacob ang kamisetang kanina lamang ay hinubad at isinuot muli. Tanging nang tumalikod ito saka niya napagtantong lalabas ang lalaki.
She couldn’t breathe.
Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng main door, kasunod ng isang malakas na kalabog.
Oh no.
Tumakbo siya palabas ng silid para habulin ito, ngunit huli na ang lahat. Ang galit na ugong ng sasakyang papalayo na lamang ang narinig niya pagdating sa labas.
Nanginig si Libby.
Biglang sumagi sa isip niya ang alaala ng aksidenteng kinasangkutan nito noon.
The thought of him driving away in that state of anger was devastating.
Jacob, samo ng isipan niya.
Please… come back.