Chapter 7: Solution

2025 Words
Miara's POV Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla ko na lamang naimulat ang aking mga mata ngunit mabilis ko ring naipikit dahil sa sobrang maliwanag ang kapaligiran. 'Oh my! Nasaan ako? Don't tell me nasa langit na ako?' mangiyak-ngiyak na tanong ng aking isipan sa sarili. Pipikit-pikit ang mga mata ko habang dahan-dahan na napaupo. "Ate!" malakas na sigaw ng aking kapatid, muli kong binuksan ang aking mga mata at nakitang patakbong lumalapit sa akin ang aking kapatid. Nang makita ko siya ay unti-unti pumasok sa aking alaala ang lahat. Mabilis akong napaayos ng pagkakaupo sa aking kinahihigaan. "Jeff!"nagagalak kong sambit. Mabilis naman siyang umupo malapit sa akin kung kaya't hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya ng mahigpit. "Jeff..."umiiyak kong sambit. "Shhh, ate. It's fine. Kian is fine, you saved his life,"paliwanag niya sa akin. "Kamusta ang lagay niya?"nag-aalala kong tanong. "Maayos naman ate, iyon nga lang na hindi pa siya nagkakaroon ng malay." sambit niya kasabay ng paghinga niya ng malalim. "Mabuti naman,"sambit ko. Nakahinga ako ng malalim sa aking narinig. "Pero ate..." naagaw muli niya ang aking atensiyon. "Hmmm? Bakit?" curious kong tanong sa kaniya. "Yung bill dito sa hospital... Wala tayong pambayad." malungkot na sambit ni Jeff. Natigilan ako saglit kasabay ng paghinga ko ng malalim. Right, the bills. How am I supposed to pay our bills here? Napayuko at saka mariing napapikit, saan naman ako kukuha ng pera? "Ate, umutang ka muna kay kuya Laurence," suhestiyon na sambit ng aking kapatid. Dahil sa sinambit niya ay napaangat ako ng aking ulo saka nakakunot ang noo na napatitig sa kaniya. "Marami na tayong utang, Jeff. Ayoko ng dagdagan pa iyon at isa pa, wala sa Pilipinas si Jeff." malungkot kong paliwanag. Only if I have a way to have a money. Malalim akong napabuntong hininga. 'there's one!' sigaw ng aking isipan. 'Ano naman kaya iyon?' 'yung pageant!' Natigilan ako sa napagtanto ko habang kinakausap ko ang aking sarili. 'yung pageant!' 'yung pageant!' 'yung pageant!' Napaayos ako ng upo at saka nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kawalan ng mapagtanto ko ang lahat. "Right! The pageant!"malakas kong sigaw. Napagtanto ko na naisigaw ko iyon ng malakas. "Anong pageant ate?" singit na tanong ni Jeff. Hindi ko siya sinagot bagkus ay mabilis akong tumayo at saka malakas na hinila ang dextrose na nakasaksak sa aking kamay. "Ate,"sambit ni Jeff ngunit hindi ko siya pinansin bagkus ay kinuha ko ang aking cellphone. "Ate," sambit muli ni Jeff. Hindi ko muli siyang pinansin at saka mabilis na idinial ang numero ni Laurence, I need to know kung anong oras aalis ang barko. 'The number you have dialed is out of coverage area, please try again later.' Ships naman! Muli kong idinial ang numero niya. 'The number you have dialed is out of coverage area, please try again later.' Inis kong binaba ang aking cellphone at saka mariing napapikit habang nakahawak ang kamay ko sa aking sentido. "Ate, ano bang problema?" bakas ang pag-aalalang tanong ni Jeff. Mabilis akong dumilat saka napatitig sa aking kapatid, mabilis akong napahawak sa kaniyang balikat. "Jeff, makinig kang mabuti sa bawat sasambitin ko," panimula kong sambit, sunod-sunod naman na tumango ang aking kapatid. "Kailangan kong sumali sa pageant, 'iyon nga lang na isang linggo iyon and besides, sa barko iyon."paliwanag ko. "Pero ate--" hindi niya naituloy ang sasambitin niya ng putulin ko ang sasabihin niya. "Wala na akong ibang paraan, hindi ko ma-contact si Laurence. Hindi rin naman ako puwedeng umutang sa amo ko, hindi pa ako bayad sa inutang kong pang bayad ng graduation fee niyo ni Kian,"paliwanag ko. "Ate..." "Jeff, ayoko sanang lumayo pero kung pare-pareho tayong mai-stuck rito sino magbabayad ng bills natin?" malungkot kong paliwanag kay Jeff. Napayuko naman siya. "Isang linggo, stay by kian's side habang wala ako, I'll excuse you with your teacher. Maiintindihan nun tayo, kaso kaya mo bang mag skip ng mga lesson? Pasensiya kana Jeff... Actually, hindi ko rin alam kung tama ba ang ginagawa ko, hindi ko na maintindihan e..." umiiyak kong sambit. Dahan-dahan akong niyakap ng aking kapatid. "Ayos lang ate, huwag kang mag-alala. Kaya ko naman iyon, kumpara sa sakripisyo mo sa'ming dalawa ni Kian, walang-wala 'yung isang linggong pagliban ko sa klase at huwag kang mag-alala, akong bahala kay Kian. Basta ate ha? Babalikan mo kami ni Kian."sambit niya habang nakayakap sa akin. Hindi ko napigilan ang mapaluha at mariing mapapikit kasabay ng pagyakap ko sa kaniya ng mahigpit. I'm so lucky to have him as my brother, napaka maintindihan niyang kapatid. "Oo naman, bakit ko naman kayo iiwan? Kayo na lang ang meron ako."panigurado kong sambit sa kaniya. Humiwalay siya sa pagyakap sa akin saka dahan-dahan niya akong hinalikan sa noo. I froze. Parang dati-rati lang ay ako ang gumagawa no'n sa kanila ni Kian, pero ngayon na mas matangkad na siya sa akin ay siya na ang gumagawa. "Mag-iingat ka, ate. Maghihintay kami. Ako na muna ang bahala dito, basta balitaan mo ako." nakangiti niyang sambit. "Sige." sunod-sunod kong pagtango sa kaniya. Wala na akong sinayang na sandali at mabilis akong tumakbo palabas. "Manong! Sa Morgan's Academy po!" mabilis kong sambit. Mabilis akong sumakay sa tricycle na una kong nakita, good thing na rin na malapit lang sa hospital na ito ang aming paaralan. Maya-maya pa ay nakarating ako sa school, there's no people here pero may isang van na puti sa gilid, hindi ko iyon pinansin at saka mabilis na inabot ang bayad sa tricycle. "Maraming salamat po! Manong!" pasalamat kong saad. Kasabay ng paglapit ko sa Van, sakto naman na bumukas iyon kung kaya't nagtanong ako. "Puwede pong--Chelsea?!" hindi ko naituloy ang sasabihin ng bumungad sa akin si Kim, ang aking mataray na kaklase. "What are you waiting for? Kanina kapa namin hinihintay, oh god! Mali-late na tayo if you don't come inside!" maarteng sambit niya. "Huh?" lito kong tanong. Ngunit hindi niya ako sinagot bagkus ay hinila niya ako paupo papasok sa Van. "Sandali--"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Chelsea. "Go now, manong! We need to hurry." maarte niyang sambit sa driver. May iba pang babae ang nasa likod ngunit hindi ko sila kilala, tanging si Chelsea lamang na aking classmate. "Chelsea, kailangan kong makapunta sa barko hindi ko kase alam--" "Are you dumb? Can't you see that we're going there?" mataray niyang asik. "Huh? What do you mean?" naguguluhang kong anas. "Jesus! Miara. Kailangan ko pa ba ipaliwanag sa iyo ang lahat? Why? Hindi ba napaliwanag sa iyo ni Laurence? Pfft. I thought you're best of friends pa naman." maarte niyang paliwanag. Napayuko ako, nasabi niya pero hindi siya nakapag paliwanag dahil sa nangyari sa kapatid ko. "Na-accident kase ang kapatid ko, kaya hindi ko na napakinggan ang paliwanag niya at hindi ko ma-contact si Laurence ngayon kaya nagbakasakali ako rito sa school." mahina kong paliwanag. "Chelsea, you're so mean to her. Why don't you just explain to her?" sambit ng isang babae sa likuran na hindi ko kilala. Napatingin siya sa akin saka mahinang umismid. "Tsk, fine!" inis niyang sambit. "Dito talaga sa school ang meet up natin, ang Usapan 8PM sharp! You're late for more than thirty minutes! The ship will off 9PM sharp! We only have 30 mins to go there." paliwanag niya. "Pasensya na talaga, galing pa akong hospital at nag-donate ng dugo sa kapatid ko e. Wala naman akong balak sumali sa pageant sana, kaso kailangan ko ng pera pambayad sa hospital bills namin." mahinahon kong paliwanag. Hindi na kumibo si Chelsea, kung kaya't umayos ako ng pagkakaupo saka isinandal ang aking likuran sa sandalan. Mabuti na lamang at sa school ako dumiretso. Napadilat ako ng may maglapag ng pagkain sa lap ko, mabilis ko siyang nilingon. "Here, eat this. Kung nag donate ka ng dugo, you need to eat something for you to regain your energy." nakangiti niyang sambit kung kaya't napangiti ako sa kaniya. "Thank you!" nakangiti kong sambit. "Walang anuman." nakangiti niya ring sambit. She's kind and soft. Hindi ko siya kilala pero binigyan niya ako ng pagkain. Walang pagdadalawang-isip ko iyong kinain. Nang maubos ko iyon ay nakaramdam ako ng uhaw, ships! Wala akong tubig. Just right when I turn my gaze with the girl, she handed me a bottle of water. Napangiti ako at muling nagpasalamat. She's right I feel that my energy came back, not 100 percent but yeah, it's fine. Saktong makatapos ako ng pagkain ko ay nakarating kami sa sakayan ng mga barko. Kami na lang siguro ang hinihintay. Naglakad kami palapit sa ilang guro na naroon. "What took you so long?" Inis na tanong ng isang guro. Masamang napatitig sa akin si Chelsea kasabay ng pag-irap niya sa akin. "Pasensya na po at medyo traffic." malumanay na paliwanag nung babaeng mabait na nagbigay ng pagkain sa akin kanina. Napaismid na lamang si Chelsea at nauna ng umakyat. Bago umakyat sa barko ay lumapit ako sa babae. "Maraming salamat kanina." pauna kong sambit. "Wala iyon, nagpasalamat kana kanina ha."natatawa niyang sambit. "Ako nga pala si Miara Kaye Ford, twenty four years old. Taking Dentistry as my course." masaya kong pakilala. "Wow! So you're going to be a doctor too?" excited niyang tanong. "Huh?" gulat kong anas. "I'm Michelle Romero, taking Doctorate degree hehe. I wanted to become a surgeon someday. I'm twenty six years old. Four years na lang at matatapos ko na ang pag-aaral ko hehe." masaya niyang sambit. Napangiti na lamang ako. "So, kasama ka rin sa pageant?" tanong ko sa kaniya. "Pageant? We're a model! Pfft. Sino nagsabi na pageant pupuntahan mo?" natatawa niyang sambit. Napakagat labi ako. 'lintik ka talaga, Laurence! I swear, I'll rip your throat! Grrr!' inis kong sambit sa aking sarili. Pigil ko ang aking sarili na magsabi ng kung ano, baka sabihin ni Michelle na wirdo ako kahit totoo naman. "Ah hehe," iyon na lamang ang sinambit ko. "Listen, we're going to model our academy. So make sure to be confident, we'll give you a card keys to your room for one week. That's all, you can rest now or do whatever you want in this cruise ship." paliwanag ng isang guro. Halos lahat ng kababaihan na narito ay napahiyaw sa saya habang ako ay nakatitig lamang sa kanila, kung hindi ko lang Kailangan ng pera, hindi ako pupunta rito. Mas gugustuhin ko pang nasa tabi ako ng mga kapatid ko. Gaya ng sabi nila, I got my card. Wala akong sinayang na oras at mabilis ka hinanap ang number ng nasa card na ito. Number 76, room 76. sandali akong nagpalinga-linga at nakitang nasa 60 na ako, kung kaya't naglakad pa ako padulo, hanggang sa matanaw ko ang aking room. Mabilis akong pumasok sa loob, wow! Napakaganda naman rito! Hindi ko namalayan ang sarili ko na malawak na nakangiti habang pinagmamasdan ko ang loob ng aking silid. Bigla ay pumasok sa aking isipan na balang araw, madadala ko rin sa ganitong kagandang silid at lugar ang aking kapatid. Nakangiti akong naglakad papunta sa balkonahe ng aking silid, infairness may paganto pala sa silid ko. Wala sa sariling napatingin ako aking gilid sa kaliwa, bakit walang balcony ang ibang silid na katabi ko? Nagkibit balikat na lamang ako at wala sa sariling napatingin ako sa bandang kanan ko. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng bigla ay mapako ang aking paningin sa isang lalaki na naghuhubad. Nahigit ko ang aking paghinga ng bigla ay tumambad sa aking harapan ang halos perpektong hitsura ng kaniyang katawan. Napalunok ako ng sunod-sunod. Napakagat ako ng sariling labi, akmang ilalayo ko na ang aking paningin ng bigla ay mapatingin siya sa akin. Tinitigan niya ako na para bang pinag-aaralan niya ang aking paningin. Somehow, his face is familiar to me. Parang nakita ko na siya before. Nang mapagtanto ko ang aking ginagawa ay napanganga ako at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. Mabilis akong naglakad papasok habang pinupukpok ang aking ulo. "Omg ka Miara! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Wah! Nakakahiya ka!" malakas kong sambit sa aking sarili. Tumakbo ako sa aking kama saka mabilis na nagtakip ng mukha. Nakakahiya, what if makasalubong ko siya? Oh ships! To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD