Chapter 21: Visit

1736 Words

Miara's POV "Ate!" malakas na sigaw ni Jeff. Kasalukuyan kaming nakaupo rito sa waiting area sa upuan sa labas lamang ng silid ni Kian, dito sa hospital. Mabilis akong napatayo kasabay ng pagngiti ko, habang ibinuka ang aking mga kamay. "Jeff!" sabik kong sambit. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at mabilis akong niyakap ng mahigpit, napangiti na lamang ako, how I miss them. "Ate! Miss kana po namin, palagi kang hinahanap sa akin ni Kian, ang sabi ko nga nagtrabaho ka lang sa malayo at babalik agad, buti nga hindi na siya nagtatanong pa e." kuwento niya sa akin. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya, "Mabuti naman at inaalagaan mo ng maayos ang kapatid mo," sambit ko. Sandali siyang bumitaw saka tumitig sa akin, doon ay napansin kong naka school uniform pala siya. "Oh."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD