Chapter Twelve

1102 Words
Pagkatapos ng huling klase ni Skipper, nagtataka siya ng walang sumulpot sa kanyang likuran o sa kanyang tabi hanggang sa lumabas siya ng paaralan. Magdidilim na ng nakalabas siya. Lumilingon siya kung may bakanteng sasakyan na pwedi niyang sakyan papunta kina Jona pero nakalimutan niyang hindi niya alam ang address nina Jona. I forgot Jona's House!— bonehead! Kinakabahan na tumitingin si Skipper ng dumilim na at nasa gilid pa rin siya ng paaralan na ngayon lang nilock ng guard ng Saint College at napatingin sa gawi niya. "Excuse me, Miss?" Gulat siyang napatingin sa guard na nasa kaliwa niya. "Magandang gabi sa inyo. Bakit ka pa nandito? Saan ang sundo mo? Papunta na ba?" Tanong ng guard habang tumitingin sa magkabilang direksyon at sakaling makakita ng sasakyan na paparating. "Kailangan mo ng umuwi baka kanina ka pa hinahanap ng mga magulang mo." Dagdag ng guard. Fuck. I thought he'll talk in English! f**k! You bonehead Skipper! You'll hopeless! "I-i can't understand you, but can you help me find my way back home?" May pagbabasakali ang boses ng dalaga habang tinatanong ang guard na agad na kumamot sa likod ng ulo. "Patay. Hindi ako marunong mag english!" Sabi ng guard at kinuha ang cellphone at walang alinlangang tinawagan ang hotline ng police department na malapit lang sa paaralan na agad ring dumating. Lumapit ang guard sa nagmamaneho ng police car na kakagaling lang lumabas at pumunta sa direksyon ng guard at ni Skipper na hindi alam ang gagawin. "Anong pong nangyari rito, guard?" Magalang na tanong ng bagong pasok sa departamento ng malapit na police sa guard ng paaralan. "Pasyensa at tinawagan kita, Sir. Kakasara ko lang ng gate ng paaralan," sabay turo ng guard sa gate ng Saint High. " ng napansin kong kanina pa ang isa sa estudyante ng paaralan na nakatayo sa gilid ng gate. Hindi ko alam kung naghahantay ba siya sa sundo niya o bago lang siya rito dahil hindi niya ako naiintindihan kanina at baka hindi niya alam ang pasikot-sikto dito." Kwento ng guard at tumango ang pulis sa guard. "Salamat. Kakausapin ko lang siya." Paalam ng pulis sa guard na tumango sa pulis na papunta sa direksyon niya. "Good evening, Miss. I'm Police Reymar Abala. Why are you still here? Did your driver got a problem with the car to pick you up?" Tanong ng police kay Skipper. Oh, god. Thank you! Be good, Skipper. Be good lady. Umiling si Skipper sa police. "No. I don't have a driver and a car. I'm a transferee from Denmark. I don't know where Jona— my personal maid lives. Can you help me, Sir?" Sagot niya kay Reymar na tumango sa kanya. "I will, Miss. So, can you tell me what's the full name of your personal maid? I can't send you to your personal maid's house, if I don't know." Tanong ng police sa kanya na ikinatanong niya sa isip. What's Jona-itch surname? s**t. I don't know! "I don't know, Sir." Yukong sabi niya dahil nawawalan siya ng pag-asang makakuwi sa bahsy nila Jona na sigurado siyang hinahanap na siya. Agad sumagi ang isip niya si Knot. Knot? What's with Knot— Aha! "But can you send me to idi— my friend's house? His name is Knot De Leon." Agad niyang agap sa pulis. Ikinasalamat niya na alam niya ang apelyido ng binata. "Knot? You mean 'Kenot'?" Tanong ng pulis na ikinabilis niya ng tango kahit hindi siya sigurado kung ang binatang tinutukoy niya at ang tinutukoy ng pulis ay magka-isa. Gulat na napatingin ang pulis sa kanya. "Your new friend is Knot?— May naamoy akong kakaiba, Kenot." Kumunot ang noo ni Skipper sa pulis dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng pulis. "I'm sorry. I'm just talking the air. Let's go. I'll send you to your 'friends' house." Sabi ni Reymar at sumakay sa kotse. Nagtataka namang sumunod siya at magpapasalamat sana siya sa guard na tinawagan ang police na siyang maghahantid sa kanya pero hindi niya mahanap ang guard kaya pumasok siya sa passengers seat ng police car. Why Sir Reymart sounds like he's suspecting me? "Seat belt, please." Sabi ni Reymar at ginawa naman ni Skipper. Agad umusad ang police car papunta sa bahay nila Knot. Nakatingin si Skipper sa dinadaanan nila habang binugbog ni Skipper sa isip niya ang binata. You idiot retard! When I knew that you have unreasonable reason for leaving me behind. I'll kick you a*s! "We're here." Anunsyo ni Reymar at bumaba ng sasakyan. Kumuha ng mga alertong mata pagkababa ni Skipper sa sasakyan dahil sa sirene na umiilaw ng julay pula at asul. "Aling Bilba, nandiyan ba si Kenot sa loob?" Tanong ni Reymar sa katabing tindahan ng bahay nila Knot na tinitignan ni Skipper ng maigi at hinihintay si Reymar. "Hindi ko alam, hijo. Bakit? May ginawa ba si Kenot ng masama?" Tanong ni Aling Bilba kay Reymar na ikinangiti ng binata dahilan para mawala ang mga mata niya. "Hindi po, Aling Bilba. Hinatid ko lang po ang kaibigan ni Kenot na hindi alam ang bahay nila dahil galing sa ibang bansa." Sagot ni Reymar kay Aling Bilba na tumango sa kanya. "Una na po ako, Aling Bilba. Salamat po." "Sige, hijo." Sagot ni Aling Bilba at agad lumapit si Reymar sa pintuan ng bahay nila Kenot at kumatok. "Tao po. May tao ba diyan?" Magalang na tanong ni Rrymar at sinabayan ng katok. Habang busy sa pagkatok si Reymar. Bigla naman napatingin si Skipper sa kanan niya ng marinig ang pamilyar na tawa at boses ng binatang kanina niya pa binubugbog. There you are. Mabilis na lumapit si Skipper kay Knot na kasama ang kaibigan nitong napatigil at napatingin sa gawi ni Skipper at ganon rin si Knot na nanlaki ang mga mata. "M-melissa—" Agad siyang hinila ni Skipper palayo sa mga kaibigan ni Knot na nagtataka at ilang na kumaway sa mga kaibigan niyang nag-aabang. "Where are we going, Melissa Klare?" Tanong ni Knot na tumigil sa paghila niya sa likod ng poste na hindi masyandong makikita ng liwanang. Magsasalita sana siya ng biglang sinubsob ni Skipper ang mukha niya sa dibdib ni Knot na nagulat sa ginawa ng dalaga. "I'm f*****g scared, you idiot. f*****g scared— You l-left me behind." Sabi ni Skipper habang humagulgol dahil sa takot na naramdaman niya kanina sa paaralan at kaba na baka hindi na siya makakauwi at kidnappin siya. Buti at maayos ang school guard ng Saint College at tinawagan ang malapit na police station na agad ring pumunta sa harap ng paaralan at hinatid siya sa kilala niyang tao. Si Knot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD