"b***h, where are you going?" Tanong ni Skipper sa personal maid niyang deretso lang ang lakad papasok sa NAIA Airport.
Lumingon si Jona sa kanya kahit gusto ng sumabong ni Jona dahil lagi siya nitong tinatawag na b***h. "Princess Skipper, hindi tayo sasakay jan," tinuro ni Jona ang sasakyang nakaparada sa ilang metro lang ang layo sa pribadong eroplano ng sinakyan nila kanina.
Tuturuan kita ng leksyon dahil sa tawag mo sa akin. Walong buwang parang baliw ang Ina ko sa kakaisip kung anong ipapangalan sa akin tapos yan ang itatawag mo sa akin!? Pwes, ihanda mo ang ugali mong maldita.
"Can't you read nor see?" Sakrismo nitong tanong kay Jona. Umirap ito at sinuot ang sun glasses. "Do whatever you want," bulaslas ni Skipper at pumasok sa back seat ng sasakyan. "Idiot." Patuloy niya at nagsimulang umusad ang sasakyan paalis ng paliparan.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang makipot na daan na puno ng mga batang naglalaro kahit gabi na at usok na galing sa harap ng barbequehan na may ibang estudyanteng tumigil at nag-order ng ihawin.
"Why do you stop?" Tanong ni Skipper sa driver niya na tahimik lang sa driver seat. Tinignan niya ulit ang barbequehan.
It looks so yummy, by observing the people eating that.
Tinitignan ang sasakyan ni Skipper ng mga tambay sa isang tindahan na nasa kabilang side ng daan kasama na si Knot na nagpapaload at hinintay kung sino ang lalabas ng kotse na minsan lang dadaan dito sa lugar nila.
"Kenot," lumingon si Knot sa harap niya, si Ryan. "Kung chix ang lalabas jan, lilibrehan mo kami ng barbeque ah?" Ngising sabi ni Ryan at lumingon sa ibang kasama ni Ryan.
"Chix ka na naman, Ryan Bayoplo." Lumingon si Knot sa itim na sasakyan. "Sige. Sige. Sasakyan ko yang trip mong puro chix. Masasapak kita kapag matanda ang lalabas jan." Banta ni Knot at naghintay kasama sina Ryan sa lalabas ng sasakyan.
Lumabas si Skipper dala ang wallet niya na tinignan niya kung may pera siya kaya natagalan siya sa loob ng back seat. Natataka na siya sa pagkain na nakatusok ng parang stick at niluluto ng baga, kaya agad siyang lumabas at dahan-dahan siyang pumunta palapit sa barbequehan.
Agad na dumulas ang siko na nakasuporta sa bigat ni Knot ng lumabas si Skipper na tinitignan ng mga customer ni Aling Lenda na parang ngayon lang nakakita ng magandang babae dahil sa suot nito.
"Oh, Kenot! Bakit natulala ka jan?" Ngising tanong ni Ryan kay Knot na ilang beses na kumurap bago lumingon kay Ryan. "Bilhan mo na kami. Panalo kami. Salihan mo na rin ng kainin ha?" Sabi ni Ryan at sumabay sa tawa ng kasama nito.
"Oo na." Walang magawang sabi ni Knot at pumunta sa barbequehan ni Aling Lenda. Tumabi siya kay Skipper na tinitignan ang nakahain sa harapan nito, parang nalilito ito pero sa kinaloob-looban ni Skipper, baliktad.
The hell? It's raw. Ew. They eat raw meat?
"Aling Lenda, dose nga pong isaw at bitamax." Lumingon si Skipper sa katabi niya na si Knot na pasimpleng tinignan siya gamit ang gilid ng mga mata niya.
Kalma, Knot. Hindi ka mahihimatay sa titig niyan.
Kumurap-kurap si Skipper at inalala ang sinabi ni Jona kanina at sa narinig niya sa binata. "Excuse me?" Lumingon si Knot sa kamya na parang namutla ng makita siya.
Chix nga— Takte. Yung barbeque, Knot!
Dali-daling umiwas ng tingin si Knot at pumunta sa tabi ni Aleng Lenda at nagboluntaryong siya nalang ang magpumaypay ng mga barbeque.
Weirdo.
"Excuse me, Ali— Enda?" Ginaya niya ang tawag ng binata sa tindera ng barbequehan. Lumingon si Aling Lenda sa kanya at pinuntahan.
"Ano yun, Ma'am?" Tanong ni Aling Lenda sa kanya. Napalingon siya sa binatang mabilis pa sa alas kwatrong bumalik sa pagpaypay ng mga ihawin.
What the f**k is she talking?
"Ahm— what the— ahm." s**t. Just spill it, Skipper! "What is this?" Tanong niya sabay turo niya sa nasa harapan nila. "Can you explain what is this? Is this raw? Raw chicken meat? Raw chicken head?" Tanong niya habang tinuturo ang sinasabi.
Natahimik naman si Aling Lenda at hindi alam ang isasagot sa dalaga na nagtataka kung ano ang paninda niya. Lumingon siya kay Knot na nagpapaypay habang tumatanggap ng order ng mga customer niya.
Lumapit siya sa binata at bumulong. "Kenot, ikaw tumanggap ng order ng dalagang nakatabi mo kanina. Ako na bahala riyan at sa order mo. Ini-english ako." Tumawa ng bahagya si Knot.
Lumingon siya sa dalaga na parang naiinip na sa kakahintay at masama na ang timpla. Nagdalawang isip na tumango si Knot kay Aling Lenda at pumunta kay Skipper.
"And why the hell are you here? After walking out, when I suppose to ask you a question?" Mewang natanong ni Skipper na Knot na parang nagulat na yun ang pananalita ng dalaga sa kanya kesa kay Aling Lenda kanina.
"Miss, kung oorder kayo, order na. Maraming customer na nag-aantay sayo." Sagot ni Knot kay Skipper na sumalubong ang dalawang kilay nito sa mukha.
Takte. Ang gand— yung order, Knot!
"I can't understand you. Where are you from? From that b***h planet?" Inis na tanong ni Skipper. Punong puno na siya sa pananalita ni Jona at sa binatang nasa harapan niya.
"I'm from planet Earth and as far as I know, there's no b***h planet perhaps, that 'b***h' are you talking about is a human? Miss?" Sagot ni Knot na parang matatae dahil sa english niya.
Takteng putrigis. Wrong grammar ba?
"Duh. Of course." Irap na sagot ni Skipper. "That b***h is a human, sad to say. Anyways, I'm not gonna eat this anymore. Thanks to my f*****g imagination, I imagine myself eating with a raw meat and a chicken head." Sabi ni Skipper at tumalikod na.
Geez. I'm f*****g hungry! What the hell are you saying, Skipper!?
"T-tika—Wait!" Sigaw ni Knot at kinuha ang barbeque niya na kanina pa binalot ni Aling Lenda. "Aling Lenda, isa pa nga nitong inorder ko. Ako ang magbabayad, ibigay niyo po sa table nila Ryan. Salamat po!" Sigaw niya at patakbong pumunta kay Skipper na sasakay na sana sa back seat ng hawakan niya ang siko nito.
"Mi-miss— ah. Here," sabay abot niya ng barbeque kay Skipper na naiirita sa kanya. "By the way, I'm Knot Louise De Leon. Nice to meet you." Pakilala niya sa dalaga pero inirapan lang siya.
Takte. Ang ganda niya tala— may utang ka, Knot!