CHAPTER 1

1331 Words
CHAPTER 1 – CRUSH FAYE POV. "Hoy!" panggugulat ni Andrea sa akin. "Oh, ano? Disturbo naman 'to eh." Simangot ko sa kaniya. "Kanina ka pa titig na titig d'yan sa crush mo! Baka matunaw 'yan." Pagbibiro nito. Inirapan ko nalang ang gaga at pinagpatuloy ang pagtitig sa long time crush ko. "Gusto ko talaga mapalapit sa kanya Andrea, isa 'yun sa mga gusto kong ma achieve bago ang graduation natin sa high school." Nakangusong wika ko. "Hay nako, Faye. Edi magpakilala ka sa kanya! Mahirap ba 'yun?" tugon nito habang inaayos ang kaniyang make-up. Tinignan ko ito ng masama dahil para talagang gano'n lang kadali ang sinasabi niya. "Aba syempre! Mahirap! At sigurado akong di naman niya ako mapapansin dahil hindi ang katulad ko ang ideal girl niya " malungkot kong sabi. "At bakit mo naman nalaman ang ideal girl niya aber?! Sagot nito. "Basta, alam ko lang." Maikli kong tugon. "Hay naku! Uncrush mo na kasi yan si James! Jowa naman siguro yan sila ni April eh." Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. "Magkaibigan lang sila 'no!" pangangatwiran ko. Napataas siya ng kilay. "Ahemm... Kaibigan nga lang ba?" pagduduldulan ng bruha. "Crush ni April si Juctril, 'yung kuya ni James! Siguro, gusto mapalapit ni April kay Juctril kaya niya kinaibigan si James." Sabi ko at muling tinignan si James na busy sa kanyang binabasa. "Alam mo Faye, sasabihin ko ulit 'to sa'yo ha. Payong kaibigan lang. Maganda ka, sexy, matalino, mayaman rin naman pamilya n'yo, at maraming ibang lalaking naghahabol sa'yo. Ano bang nakita mo sa James na 'yan at patay na patay ka sa kaniya?" "Uulitin ko ang sagot. Love is love Andrea. Mahirap pigilan, mahirap ipaliwanag." Maikli kong paliwanag sa kaniya. "Edi ikaw na! Dapat gawin kang santo ng mga martir eh. Saint Faye the Martyr! Pak, alam mo 'yun?!" pagbibiro nito. "Ewan ko sa'yo!" napailing na lamang ako. Matagal ko nang kaklase si James Lloyd Real simula grade 7 at hanggang ngayon na grade 12 na kami. Pero kahit na matagal na kaming magkaklase hindi niya parin ako kilala. Minsan na din kaming magkasama sa group project pero hindi talaga kami nakakapag usap ng matagal. Mailap din kasi siyang tao. Si April lang ata ang kilala kong kaibigan niya dito sa school namin eh. Pero kahit na hindi niya ako napapansin at parang hindi ako nagi-exist sa mundo niya ay crush na crush ko parin si James. Simula pa nang una ko siyang makita. Gusto ko sana na bago kami grumaduate sa Senior High mapakilala ko ang sarili ko kay James. Gusto ko din sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Baka kasi pagkatapos nitong senior high, hindi na ulit kami magkikita ng madalas. Kaya gagawin ko ang lahat mapalapit lang ako kay James. ** "Class dismissed!" wika ng teacher namin kasabay ng pagtunog ng bell. Sa totoo lang kanina ko pa hinihintay na matapos ang klase namin. Sobra akong kinakabahan, parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pag-kabog. Nagsilabasan na ang lahat ng mga kaklase namin. Nakita ko naman si James na inaayos ang kanyang mga gamit. "This is it! Dapat ko nang e-grab ang chance. Wala ng atrasan 'to! Maganda ka Faye!" pagpapalakas ko sa aking loob. Tumayo ako at hinawakan ng mahigpit ang dala dala kong love letter. Kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa kaba ay nagpatuloy parin ako sa paglapit sa kaniya. "Bahala na!" wika ko sa isip. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin. Para akong matutunaw nang magsalubong ang mga mata namin. Ang gwapo talaga ni James, parang hinihigop ang lakas ko ng maamo niyang mukha at maganda niyang mata. Tinaasan niya ako ng kilay. At nagsalita... "What do you want?" masungit nitong sabi. Nahimasmasan naman ako dahil natulala ako sandali nang matitigan ko siya ng mas malapitan. Pero kahit na sobrang sungit ng approach niya, hindi parin ako nagpatinag at itinuloy ang plano kong pagsasabi ng feelings sa kaniya. Kaya din siguro walang ibang kaibigan si James kasi bali-balita dito sa campus na masungit daw itong si James at hindi marunong makisama kaya walang gusto makipagkaibigan. "Uhm..g-gusto ko sana ibigay 'to sayo. Buksan mo nalang sa inyo, 'wag na dito." Mahina, nahihiya at nauutal kong sabi sabay lahad sa hawak kong love letter. Tinignan niya ito at muli akong tinaasan ng kilay. "What's that? A love letter?" natatawa nitong sabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nakakahiya dahil may naiwan pang ibang tao sa classroom maliban sa amin. Napayuko ako at namula ang mukha dahil sa hiya. "H-hindi, s-sa inyo mo nalang buksan." Magpapalusot pa sana ako pero kaagad niya akong binara. "Stop denying! Sa cover palang ng letter mo, may I love you at flower sign na. What do you mean by that?" walang emosyon na saad nito. Parang nilagyan ng pandikit ang dalawa kong labi dahil sa hindi ko na ito maibuka. Hindi na ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya. "Look, miss. I don't have plenty of time to deal with your nonsense. Humanap ka nalang ng iba d'yan." Malamig na sabi nito at nilagpasan ako. Para akong piniga dahil sa hiya at sakit na nararamdaman. Tumulo bigla ang luha ko at mabilis siyang nilingon. "Mahal kita, James!"sigaw ko. Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin. Kita ko rin ang gulat na reaksyon ng mga kaklase namin. Napuno ng luha ang mga mata ko at wala na akong ibang nasa isip kun'di ang sakit na nararamdaman ko. "I don't like you."malamig nitong sabi at lumabas ng classroom. Napaupo ako sa malapit na upuan ng parang wala sa sarili. Patuloy parin ang pagbuhos ng aking mga luha. Gusto ko nalang kainin ng lupa. My first heartbreak! Ang sakit sakit palang ma reject 'no? Ngayon alam ko na ang mga nararamdaman ng mga nagtangkang manligaw sa akin noon. May mga manliligaw kasi ako dati pero mabilis ko din silang binabasted kasi hindi ko naman sila gusto. Si James lang ang gusto ko at siya lang ang gusto kong maging boyfriend. "Bakit mo kasi yun ginawa Faye Aisha Castillo!" inis na sabi ni Andrea habang pinapaypayan ako. Iyak pa rin ako ng iyak ngayon. Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasama ang bruhang si Andrea, kinuwento ko na sa kaniya ang ginawa ko kanina sa classroom, at muntik na akong batukan ng gaga dahil sa inis. "Wala na akong choice eh! At gusto ko na din umamin kay James kaya ko ginawa yun." Humihikbi kong sabi. Napabuntong hininga si Andrea at hinagod ang likod ko. "Hay nako Faye. Ayan tuloy na reject ka agad sa ginawa mo! Hindi ka man lang nag hinay hinay." Napanguso ako sa sinabi niya. "So ano na ang gagawin mo ngayon?" tanong niya sa akin. "Ipagpapatuloy ko parin ang plano ko. Nasimulan ko na, kaya kailangan ko itong tapusin." Seryoso kong sabi. "Gaga ka!" napasigaw ito dahil sa sagot ko. Nakita ko ang masamang tingin niya sa akin na nagpapahiwatig ba hindi siya sang-ayon sa gusto kong gawin. "Andeng... Sige na! Pagbigyan mo na 'ko. Alam mo tama ka eh. Hindi ako naghinay-hinay. Dapat walang lalaki ang hindi mabibihag sa charm ng isang Faye Aisha Castillo!" saad ko. "Faye naman eh. Hindi ka pa ba nahiya sa sinapit mo kanina? Paano kung mapahiya ka ulit?" wika niya. "Suportahan mo naman ako Andeng oh, Please..." pagpapa cute ko sa rito. "Whatever you say, Faye. Basta 'wag mo akong sisihin na hindi kita pinagsabihan. Pero, no matter happens I'm just here and will support you. Kahit anong ka tangahan pa 'yan." Wika nito. Ngumiti ako at niyakap si Andrea, niyakap niya rin ako ng mahigpit pero may kasamang kurot sa tagiliran. "Humanda ka James Lloyd Real! Akala mo ba susuko ako ng gano'n kadali. Sorry ka dahil isang Faye Aisha Castillo ang hinahamon mo." Wika ko. "Wow, confident yarn?" sabat ni Andrea. Nagtawanan kaming dalawa dahil sa kagagahan ko. Pero kahit na ganon hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging quitter. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD