1: Meeting Him

2054 Words
(Year 2004) Mia: "Hah... What a life.." ani ko habang nakadungaw sa bintana ng sasakyang kinauupuan ko. Makikipagkita ako ngayon sa aking fiancé kasama ang Dad at hindi ko alam kung ano ang mararamaman ko. Nanlulumo ako sa katotohanan na ang lalaking mapapaksalan ko ay hindi ko naman mahal at hindi ko rin kilala. "Mackenzie, inaasahan ko na magiging maayos ang relasyon natin sa mga Montehermoso. Be nice to your fiancé when you meet him," ani Daddy na busy sa pagtingin ng mga papeles na galing sa opisina niya. Katabi niya naman ay si Mr. Lee na abala sa pagmamaneho dahil papunta kami ngayon sa mansyon ng mga Montehermoso. "Yes Dad," pasimple akong sumulyap muli sa labas. Tumagal ang ilang minuto at huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Habang nakatingin sa bintana ay natanaw ko ang isang dalaga na nakaupo sa labas ng bahay batid kong nagpipinta siya dahil sa canvas na nasa harap niya at ang paint brush naman na hawak niya. Ang sabi sa akin ni Daddy ay tatlo silang magkakapatid dalawang lalaki at isang bunsong babae. I guess this is the young and last child of Senator Montehermoso, ani ko sa sarili. Pinagkatitgan ko siya at pansin ko ang pagka kayumanggi ng kanyang buhok, mataas ang ilong, mahahaba rin ang kanyang pilik mata halata sa kanya na isa siyang mestisa at may halong espanyol. Napansin niya atang may nakatitig sa kanya kaya tumingin siya sa gawi ng sasakayan. Tinted ang sasakyan namin kaya naman hindi ko alintana ang pagtingin niya dahil alam kong hindi niya ako nakikita. "Mackenzie, let's go," tawag ni Dad kaya naman sumunod ako. Marahan akong bumaba sa sasakyan. Ngayon ay mas nakita ko nang malinaw at buo ang bahay. Ang ganda nito. Parang pinaghalong modern at European style ang labas ng bahay. Ano pa bang inaasahan sa pamilyang Montehermoso? Ang mga Montehermoso na kilala sa lugar na ito. Sa tingin ko nga ay pinagkuhaan ng inspirasyon sa bahay na ito ay galing pa sa Spain. Nagtatakang tinignan ako ng dalaga. Iniisip siguro kung sino ang bisitang lulan ngayon ng bahay nila. Nginitian ko siya ngunit iniwan niya agad ang tingin niya sa akin. Sinalubong kami agad ng isa katulong. Mas lalo akong napamangha sa interior design ng bahay na ito. Parehas ito ng disenyo sa labas ng kanilang mansyon, pinaghalong modern at European. "Ah! Mr. Valmorida! We've been expecting you! Please.. please have a sit!" nakangiting na bungad sa amin ni Senator Montehermoso. "It is nice seeing you Senator," nakangiting bati naman ni Daddy. Umupo ang senator sa single couch at umupong pang de kwatro habang hawak hawak naman ng kanyang kanang kamay ang isang stick ng tobacco at sa kaliwa naman ay hawak niya ang isang baso ng wine. Napaubo ako saglit, hindi ako sanay sa amoy ng usok kaya napatingin sakin si Daddy. "Uh.. Mr. Montehermoso, I think its best if you continue your tobacco later. My daughter here is not used to smoke." "Oh is that so?" tumikhim siya at pinaupos ang tobacco sa kanyang ash tray. "So about the arrangement..," ani ng Senator at sumimsim ng wine sa kanyang baso. "Why don't we talk it over dinner? I'll also have my sons and daughter join us," nakangiting sabi niya at agad namang tumango si Daddy. Muli kong nilibot ang tingin ko sa bahay at napatigil ako nang makita kong muli ang dalaga pero iniwas niya ulit ang tingin sa akin at tinahak ang hagdan paakyat sa kanilang second floor. Nagkibit balikat na lang ako habang nakikinig sa usapan ni Mr. Lee at ni Daddy. Batid kong tungkol iyon sa kanyang kumpanya. "Yeonsu, cancel this meeting tomorrow morning. I need to plan the engagement with Senator Montehermoso, move it to Thursday, pronto." "Yes sir, will do. I'll notify the employees," aniya at lumabas ng bahay para tawagan ang iba pang mga kliyente. Pumasok ang isang maid "Señor, la cena está lista." [Sir, the dinner is ready] "¿De verdad? Ok, entonces llama a Benjamin y Thadeo," tumango na lamang ang maid. [Oh really? Ok then call Benjamin and Thadeo] He guided us to their dining area. Ang ganda at elegante tignan ng kainan at mas nagpa-elegante pa dito ang kumikinang na chandelier sa taas. Umupo si Daddy sa tabi ng Senator Montehermoso at tumabi rin ako sa kanya. Dumating na rin ang tatlong anak ni Senator. Bumungad sa amin ang dalawang nag-gwa-gwapuhang lalaki at kasabay naman nila ang dalaga na kanina ko pa nakikita "Ah Mackenzie, these are my children. Benjamin..." turo niya sa lalaking matangkad na sa tingin ko ay nasa edad 25 o pataas. "This is Thadeo.." turo niya naman sa gawi ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 20. "...and lastly my little girl Rylie," tumingin sa akin si Rylie at bahagyang ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik. Sa tingin ko ay natakot lamang siya kanina pero ngayong nakita niya na ako sa malapitan ay mas naging maayos ang pakikitungo niya. "This guy right here Mackenzie, is your husband-to-be," turo niya kay Thadeo... Thadeo ang pagkakaalala ko sa pangalan. Iniabot niya sa aking ang kanyang kamay habang nasa pagitan naman ang malawak nilang lamesa at inabot ko naman iyon. Tumikhim siya at biglang sumingit si Benjie? Tama ba? "It is nice meeting you Mackenzie," nakangiting bati niya. "It is also my pleasure meeting you and your siblings," tugon ko naman. Minuwestra na sila ng kanilang ama para umupo at kumain. Nauna sa upuan katabi ni Senator Montehermoso si Benjamin at sumunod namang umupo si Thadeo at nasa pangatlong upuan naman si Rylie. Katapat ko ngayon ang aking 'fiancé' na si Thadeo. Habang kumakain ay patuloy lang sa pag-uusap ang mga ama namin. Tahimik akong kumakain ngunit ramdam ko ang dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Iniangat ko ang aking tingin at nakatitig nga sa kain ang nakakatandang lalaji at ang bunsing babae habang hindi naman interesado ang lalaking 'fiance' ko. Hindi ako komportable sa ginagawa nila pero hinayaan ko na lamang dahil nandito kami sa loob ng bahay nila. Nang matapos kumain ay inaya ni Senator si daddy para maginuman nang konti. Konti lang ang sinabi ni Daddy dahil hindi na talaga siya palainom. "Mackenzie why don't you go and talk to Thadeo, para na rin magkakilanlan kayo. Just call for Yeonsu if you want to go home," tumango na lang ako sa sinabi ni Daddy. Lalapitan ko na sana si Thadeo nang bigla siyang tumayo at umakyat papunta sa taas kung nasaan ang kwarto nila. Napabuntong-hininga ako. "Mukhang mapapasubok ako dito," ani ko sa sarili ko. Lumapit naman sa akin si Benjamin na nakangiti pa rin. Mukhang hindi nawawala sa mukha niya ang ngiti pero alam ko namang ginagawa niya lang yun dahil bisita ako sa bahay nila. "Just let him be, ganiyan talaga siya sa mga babaeng pinapakilala sa kaniya," kinindatan pa ako at pumunta sa kanilang tatay. Nang matapos siya makipagusap ay diretso niyang kinuha ang suitcase niya na nakalagay sa couch at sinout ang kanyang coat. Ngayon ko lang napagtanto na papunta siya sa kanyang trabaho Ngayon ay naiwan ako kasama si Rylie. Tahimik lang siyang nakaupo pa rin sa hapag. Dahil parehas naman kaming babae kaya tumabi ako sa kanya. Magandang ideya na rin na makipag-lapit sa mga kapatid niya para mas makilala ko siya. "Hi, I guess you already know my name," nakangiti kong bati sa kaniya. "Mia Mackenzie Valmorida y Consuelo," ani niya. Nagulat ako dahil alam niya ang buo kong pangalan. Mukhang kilala niya na ako noong una pa lang na tumapak ako sa bahay na ito. Tipid akong ngumiti at nagisip ng sasabihin. "Nakita kita kanina. I saw that you were painting something magaling ka pala sa arts?" tipid siyang ngumiti. "Just a hobby a do from time to time." "Well I think your hobby is pretty great, I hope you could paint me next time?" I smiled sweetly. Nakita kong umiwas siya ng tingin pero binalik din iyon at ngumiti. "Sure." Nakita namin na lumipat ng salas sila daddy at Senator Montehermoso kung kaya't nilubos ko ang pakikipagusap kay Rylie. Minsan ay sumasagot siya sa akin at minsan naman ay hindi ngunit ayos lang sa akin iyon dahil ako naman ang nakipag engage na makipagusap in the first place. Lumipat kami sa may garden nila at doon kami umupo sa fountain. Medyo ramdam ko na ang antok ko kaya tinapos ko na rin ang usapan namin ni Rylie. Mukhang hindi ko pa rin agad makukuha angloob niya dahil kakakilala lang namin. "It's really nice meeting you Rylie sana magkausap pa ulit tayo pag balik ko dito." Nakatingin lang sa akin si Rylie at ngumiti. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nilakad ang gawi pabalik kay Daddy nang makita ko sa veranda si Thadeo na nakatingin lang sa akin. Nagkatitigan kami saglit nang bigla siyang pumasok pabalik sa hindi ko alam kung iyon ay kanyang kwarto. Nagkibit-balikat naman ako at nakita ko nga si daddy at nagpapaalam na siya kay Senator Montehermoso na kami ay uuwi na. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag-usap sa kanya Mukhang wala naman siyang balak na kilalanin ako nang sobra. Naalala ko bigla ang nabanggit ni Benjamin, ibig sabihin ba ay hindi lang ako ang nagiisang ipinakilala ni Senator Montehermoso bilang mapapangasawa niya? Ako ang nalulungkot para sa kanya. Kung ako ay ngayon lamang nakaranas nito, paano naman kaya siya na ilang beses nang pinakilala sa mga babaeng hindi naman siya sigurado kung ano ang magiging tadhana niya. Napabuntong hininga ako. Kanina nang matapos ko kausapin si Rylie, ay tinawag ko na si Mr. Lee dahil gusto ko nang umuwi. Nagpaalam na rin 'non si daddy kay Senator. Tinapik ko pa ang balikat ni Rylie bago ako umalis. Kahit pa sinabi ni daddy na kausapin ko siya ay hindi ko rin nagawa dahil iniwasan niya kaagad ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako sa magiging kapalaran ko. Puro walang kasiguraduhan ang mga nangyayari ngayon. Sinarado ko na ang showerhead para punasan ang buong katawan ko at nagpalit ng pangtulog. I just wore a sleeveless top and dolphin shorts. Napatingin ako sa aking cellphone para tignan kung may tumawag ba o may nagtext. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ang message ni Zenaida, kaibigan ko sa ibang university. Parehas kaming second year college pero magkaiba kami ng kurso. Kinukuha niya ang kursong Engineering samantalang ang kinukuha ki nman ay BS Biology. Zed: Girl! How are you? Wala ka man lang text buong araw! Hmp! Sorry just finished the things needed to be done e Message sent! Zeddy: It's okay Mia, marami rin ako ginawa today! Omg kastress na mag engineering. Natawa ako ng kaunti. Nagpaalam na lang ako na matutulog na dahil may pasok pa bukas. Naalala ko pa lang pupunta ako ulit sa Montehermoso para sa plano nila sa engagement. Sana ay hindi na lang matuloy.... ***** Kinabukasan, nagising ako nang maaga para sa pagpasok sa school bukod pa doon ay ginagawa ko itong daily routine para makapagwork out sa umaga. Kailangan ko ito para makondisyon ang katawan ko. Pagkatapos magwork out ay hinanda ko na ang susuotin ko papasok ng school. Si Mr. Lee ang naghatid sa akin papasok dahil wala pa naman akong driver's licence at hindi pa ako nag aaral magdrive. Napahinga ako nang malalim. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Mr. Lee. "Miss, Boss told me to remind you about your visit tomorrow at the Montehermoso residence." Tumango na lamang ako at tuloy tuloy ang paglakad papasok ng school. Sa buong klase ko ay hindi ako makafocus dahil iniisip ko kung anong mangyayari bukas. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase at dismissal na. Alas otso na ng gabi at hinihintay ko ngayon si Mr. Lee upang sunduin ako. Habang naghihintay ay narinig kong nagnotif ang cellphone ko. Zed: Girl!! Tapos na class mo? Tara cafe! Napangiti ako nang bahagya at rereplyan na sana siya nang makita ko sa pheriphal vision ko ang sasakyan na huminto sa harapan ko. Alam kong hindi namin iyon sasakyan dahil wala pang text sa akin si Mr. Lee. Hindi agad ako kumibo at kaunting lumayo sa sasakyan. Nagkunwari akong busy sa pagtatype. "Are you getting in or not?" Bahagya akong napaangat ng tingin. Si Thadeo ang nasa harapan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD