Labing Siyam✟:

1083 Words
SUSUNDAN MO AKO.....HANGGANG IMPYERNO? Belle Matriaga Malalakas na kulog at kidlat at naglalakihang patak ng ulan ang sumalubong sa akin ng bumaba ako ng kotse ni Jacob. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin dahil sa pagmamadali ko maglakad. Kailangan kong makausap si Annie tungkol sa nakaraan niya dahil alam kong malapit ko nang malaman ang katotohanan. Hihingi na lang ako ng tawad kay Jacob mamaya. Mabuti na lang at dinala ko ang coat ko na maong dahil malamig talaga ang panahon ngayon at pakiwari'y ko ay may bagyo. Lakad takbo ang ginawa ko ang ginawa ko hanggang sa makarating na ako ng hallway diretso pahagdanan. Madilim pero mabuti na lang at dala ko ang flashlight ko kaya tinatapat ko iyon sa madadaanan ko. Mabilis ang lakad ko sa hallway at tinitignan ko talaga ang bawat silid kung nandoon siya. Hanggang sa makarating ako ng hagdanan pero nabaling ng pansin ko ang nasa kanan kaya doon ko itinapat ang flashlight. May pinto doon shortcut papuntang chapel sa gilid nitong school. Nakita ko siyang nakatayo sa gitna habang nakatagilid sa akin. "Annie?" Pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at naglakad na paalis. Dahil medyo malayo ang pinto sa akin ay hindi ko siya naabutan kaya paglabas ko ay malalakas na ulan ang sumalubong sa akin. Sinuong ko ang ulan para lang sundan siya. May mini garden ako na madadaanan at dahil lupa matatapakan ay ramdam ko ang mga putik na dumampi sa sapatos ko at alam kong punong puno na ng tubig ang sapatos ko pero hindi ko na pinansin iyon at patuloy ako sa lakad takbo. Nang makarating na ako sa hangganan ng mini garden ay nabaling muli ang tingin ko sa kanan kaya awtomatiko kong itinapat muli ang flashlight doon. Doon ang papasok papunta sa chapel...... ......nandoon siya. Nakatayo sa pinto patagilid sa akin. "Annie? Sandali!" Sabi ko sa kanya pero katulad kanina ay hindi na naman ako pinansin at nagpatuloy sa pagpasok sa chapel. Nagmadali akong naglakad papunta doon hanggang sa nasa pintuan na ako pero hindi muna ako pumasok. May kakaibang enerhiya akong naramdaman kaya itinapat ko muna ang flashlight sa loob dahil sobrang dilim talaga. I-dagdag mo pang walang elektronikong ilaw itong chapel. Dahan dahan at tahimik akong pumasok sa loob ng chapel. Sumalubong sa akin ang mga mahahabang upuan. Ang altar sa gitna sa dulo na wala nang sindi ng kandila doon. May kaunting baha na din ang paligid dahil napasukan na ng tubig. Inilibot ko ang paningin ko sa buong chapel. "Annie? Nasaan ka?" Tanong ko sa buong silid. Ilang segundo akong nag antay pero walang sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng panginginig ng katawan ko pero tumuloy pa rin ako ng pasok. Naramdaman ko ang pagdampi ng tubig sa paa ko. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng umiiyak sa kanang gawi ko kaya agad kong tinapat ang flashlight doon. Dahil ang parteng iyon ay ang kumpisalan. Nakasarado man iyon ay alam ko....... ........nandoon siya. Tahimik at walang ingay akong naglakad palapit doon. Nakaramdam ako ng kaba ng makapalapit na ako mismo sa tapat non. "A-annie? B-bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko. Nakatutok lang ang flashlight sa pintuan ng kumpisalan kung saan nandoon si Annie. Tuluyan siyang napahagulgol at rinig na rinig ko iyon kahit nasa loob siya. "Miss Belle ang sakit!" Rinig kong sagot niya sa akin habang umiiyak siya. "Sobrang sakit." Sagot niya pa. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko. May naiisip na akong paraan para malaman ang nakaraan niya. "Sige ganito na lang......" Panimula ko habang nakatutok pa din sa pinto ang flashlight na hawak ko. ".....papasok ako but......you won't see me and I won't see you also......pero mag uusap pa rin tayo, okay?" Sabi ko sa kanya at hindi ko na siya hinintay na sumagot. Mabilis na hinawakan ko ang door knob. Isang malalim na paghinga muli ang ginawa ko bago ako tuluyang pumasok sa kumpisalan. Nang makapasok ako sa loob ay doon ko narinig nang malinaw na humihikbi siya sa kabilang side ng kumpisalan. Tahimik akong umupo sa sahig dahil wala namang upuan dito. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso at kinakabahan talaga ako. Nang makaupo ako sa sahig ay sumandal ako sa pader habang rinig na rinig ko pa rin siyang umiiyak. Pinatay ko rin ang flashlight dahil baka ayaw niya nang maliwanag. "Miss Belle, why do you keep coming back here?" Rinig kong tanong niya habang umiiyak siya. Sa tunog ng boses niya ay parang kalunos-lunos ang sinapit niya noon. "I wanted to find out the real motive of the people who did this to you." Totoong sagot ko sa kanya. "Baka pag nalaman ko, baka matutunan ko kung paano makipagusap sa mga katulad mo." Dagdag ko pa. "Katulad ko?" Pang uulit niya sa sinabi ko. "Mga sinukuan ng iba." Sabi ko pa sa kanya. "You'll always there?" Rinig kong tanong niya ulit. Tumango-tango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Yes, I'm always here." Sagot ko sa kanya. "Always?" Pang uulit niya na naman sa sinabi ko na parang sinisigurado niya talaga na lagi akong nasa tabi niya. "Always." Paniniguro ko sa kanya. Saglit siyang tumahimik pero maya maya pa ay nagsalita na siyang muli. "Susundan mo ako........." Bahagya pang napakunot ang nuo ko sa tanong niyang iyon ng putulin niya pero dumagundong muli ang kaba sa dibdib ko sa kasunod niyang sinabi na hindi inaasahan na sasabihin niya. ".......hanggang impyerno?" "A-ano?" Tanong ko kanya at nagsisimula nang manginig ang bibig at katawan ko. A-anong ibig niyang sabihin? "Makikita mo rin kaya ang kuya mo doon? Di ba kasalanan ang kitilin ang sariling buhay?" Tuluyan na akong kinabahan at pinagpawisan sa tanong niyang iyon. P-paano niya nalaman ang tungkol sa kuya ko? "Yan ang turo sa amin dati..........iyan ang paulit-ulit na sinabi sa amin ni Nana Clarisse." Sabi niya pa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang gusto ko nang lumabas at tumakbo palayo dito. "Ang mga katulad ko......hindi na dapat isinisilang sa mundo." Sabi niya pa pero nagawa ko pa ring sumagot. "A-annie, h-hindi yan t-totoo-" "Yan din ang sinabi nila sa akin noon." At pagkasabing pagkasabi niya non ay bahagya akong nahilo at napapikit pero sa pagpikit ko ay may nakita akong batang babae na nasa mini garden. May hawak siyang paro-paro sa kanyang kanang kamay. Unti-unting luminaw ang mukha ng dalagang babae at doon ko lang siya nakilala......... .......si Annie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD