Pabagsak na pinatong ni Peyton ang shot glass sa lamesa. Nasapo niya ang kanyang ulo nang bigla na lamang ito sumakit ilang segundo matapos ang paglagok ng tequila na may kakaibang lasa. “Bakit ba kayo naglalasing?” Peyton glanced at Jude. He squinted his eyes as his sight was starting to get blurry. And he suddenly felt dizzy. “Bakit?” Tinuro ni Peyton si Keith na nakasubsob na ang ulo sa mesa. “Tulad ng rason niya,” sagot niya sa tanong ni Jude. Then, he turned back at Jude. Ito naman ang tinuro niya. “At ng rason mo.” Keith suddenly lifted his head, turning at their direction. “’Di n’yo rin mahanap ang cottage n’yo?” sagot nito nang bahagyang nakapikit ang mga mata. Peyton huffed, trying not to laugh, but he failed. Natawa pa rin siya kasabay nang muntik nang mabilaukan na si Jude.

