"Hiramin muna namin si Penny, bunso," nakangisi na paalam ni Begie. Umakbay pa ito sa balikat ni Peyton. "Yeah, bunso. Pahiram kay Penny kahit ngayong gabi lang," Daryl seconded. Umangkla rin ito sa balikat ni Peyton. Napagitnaan na ng dalawang magkapatid si Peyton na walang ideya. Katatapos lamang nila kumain ng dinner. At pabalik na sa rooms nila upang ipagpatuloy ang pagpapahinga nila. Napagkasunduan kasi nila na gawin munang rest day ang unang araw nila sa resort dahil na rin sa maaga silang nag-travel at mahaba-haba ang naging byahe. Kinabukasan na nila sisimulan ang nasa original plan ng nasabing family outing. But they did not expect they would be bringing another person that will be soon part of their family. Daryl and Begie needed to tweak some parts of the original plan. And th

