KABANATA 1

1291 Words
Halos liparin ko ang opisina ng boss ko. 8:00am pumapasok ang boss ko at hito ako ngayon tumatakbo papuntang opisina nya dahil late na akong nagising. Aba, sino ba namang hindi mapapagod sa ginawa ko kahapon. Umuwi pa ako sa amin para kunin ang mga gamit ko at naggrocery. Buti nga malinis yung condo ni sir kung hindi mas late pa ako ngayon. "Good Morning, Sir." Hinihingal kong bati sa kaniya pagkapasok ko sa office nya. Tinaasan nya lang ako ng kilay. "I'm sorry, sir. I'm late. It would not happen again." Wow! Parang nasa school lang kami ah. Wala akong narinig na salita mula sa boss ko. Busy ito sa pagbabasa ng mga folder na nasa mesa nya. Nagpaalam nalang ako at pumunta sa table ko. Napabuntong hininga nalang ako ng makaupo ako. Pagod na pagod ako sa kakatakbo. Buti nalang hindi ako nadapa at nasanay na palaging nakaheels kung hindi talaga, ewan ko nalang. Inaaayos ko ang mga folder na dapat pirmahan ng boss namin ng magring ang telepono. Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko alam kung pang-ilang tawag na 'yon. Yung iba hindi tungkol sa trabaho kundi tungkol sa paglalandi sa boss ko. Aba anong akala nila sa akin? Manager ng boss ko at mapabook kung kailan nila gustong makausap— wait usap lang ba talaga? "Hello" Iritadong sagot ko. Aba baka magpabook lang ito no. Sayang sa laway ang pagsasalita ko dito. "Galit ka ba?" Mahinang napamura ako ng marinig ko ang boses ng boss ko. "H-hindi po. Akala ko po kasi babae nyo yung tumawag." Napakagat labi ako habang naghihintay sa susunod nyang sasabihin. Baka galit ito dahil sa pagsusuplada ko. Really, Jene? Suplada ka naman talaga. "Babae? I don't have girls, Ms. Alcarde." Sinungaling! Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili at baka mafired pa ako 'no. Mahirap na maghanap ng trabaho na may lebreng condo. "Marami po kasing nagpapabook sa inyo—este gustong makipagkita sa inyo pero dahil mabait ako at alam kong marami kayong trabaho sinabihan ko na busy kayo." Akala ko papagalitan nya ako dahil sa sinabi ko pero narinig ko lang amg mahinang pagtawa nito. "It's fine. You can go home now. It's already late. Take care." Late? 6pm pa lang ah! Napailing nalang ako at nag-ayos ng gamit. Aalis na sana ako pero walang sa sariling sinilip ko ang aking boss. Seryosong nagtatrabaho ito. Pagtemplahan ko nalang muna ng kape bago umuwi. Kumatok ako bago pumasok. Nakataas ang kilay na tiningnan nya ako na parang nagsasabing why-are-you-still-here. Ngumiti nalang ako at nilapag ang kape. "Goodbye, sir." Pagpapaalam ko, sinuklian nya lang ako ng ngiti. Nagmamadaling lumabas ako sa office nya at hinaplos ang parteng dibdib na kung saan naroon ang puso. Shems! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ngiti lang 'yon. Secretary ka niya, Jenerose. Stop that! Kinuha ko nalang ang bag ko at umuwi na. Kailangan kong magpahinga ng maaga para hindi ako malate bukas. Nakakahiya naman sa boss ko 'no. Hindi ko alam pero napangiti ako ng maalala ko ang ngiti nya. Omyghad! This is bad! I need to sleep bukas na ako kakain, nakakapagod ngayong araw. ——— Nakatulalang nakatingin ako sa papeles na papapermahan sa boss ko. Tanginang papeles! Napakarami! I checked them all, when I'm done, I immediately stand up. "f**k" I cussed. My back hurts. "Salon pas?" Napatignin ako kay Jumoy na nakalahad ang kamay na may hawak na salon pas. He is one of an employee here. I was about to reach it pero biglang may kumuha doon. "Thanks, Jumoy. You can go back to your table." Walang nagawa si Jumoy sa sinabi ng boss namin. Nakangiting hinarap ko siya kahit na masakit ang likuran ko dahil sa matagal pagkakaupo. "I don't like what I saw, Ms. Secretary." Eh?? "Sino po ba sir ang nagsabi ng gustohin niyo ang nakita—" "What?!" I bite my lower lip when I realized what the hell I was saying. "I-i was t-talking to m-myself, sir." Nakangiting sabi ko. Rinig ko ang bawat pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. "Whatever. Anong gagawin mo sa salonpas?" Gusto ko sana sumagot ng pabalang ngunit boss ko pala ito at mahirap ng mawalan ng trabaho. "My back hurts sir, pero kung kailangan niyo po iyan, ayos lang po. I will just buy later." May sasabihin pa sana ito pero tinalikuran na ako. Napagdesisyonan ko na ihatid nalang sa kaniya ang mga papeles na dapat pipirmahan niya. Kumatok ako bago pumasok. Nakita ko siya agad na may kausap sa cellphone. I didn't bother him. I just put the papers on his table and go out. I was about to reach the doorknob when he calls me. "Jenerose" Nangantog ang tuhod ko sa di malaman na dahilan. "Y-yes." Fckk! Bakit nauutal ako? "Can you face me?" Nag-aalinlangan ako na harapin siya. I don't know why. "Ms. Secretary" Agad akong lumingon sa pagtawag nito sa akin. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya sa naging aksiyon ko. "So, you don't like when I call you Jenerose?" Agad akong umiling sa sinabi niya. "Hindi lang po ako sanay." "Don't po-po me." Ano daw???! "Po-po?" Nakagat nito ang ibabang labi sa sinabi ko but still I can see the curved on his lips. What's funny? "Nevermind. You can go home. I know you are already tired." Nagulat ako sa sinabi niya. Really? Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. "But sir—" "No buts." Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang. Niligpit ko ang gamit ko at nagpaalam na sa mga katrabaho ko. "Kibago bago, pasip-sip." Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko. "Shh. Baka marinig ka niya." Rinig na rinig na nga e. "Ano ngayon? Dapat malaman niya na Secretary lang siya at hindi niya pwedeng agawin sa akin si Sir Ven." Yun naman pala. Di ko naman aagawin si Sir Ven niyo e. Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad na paalis. Nagpaalam ako sa kay Manong Guard. Nagulat pa nga ito dahil daw maaga ako pinauwi. Gusto kong sabihin nya na parehas kaming nasa bangka. "I need my car." Wala sa sariling sambit ko habang naghihintay ng taxi. Bakit kasi hindi ko dinala ang car ko ng umalis ako sa bahay. Gift naman nila mommy at daddy iyon. Napaatras ako ng may sasakyang tumigil sa harap ko. Hindi ko makita ang tao sa loob dahil heavy tainted ito. Well, I don't care. Nanlaki ang matang nakatingin ako sa bumaba. "Hatid na kita." "Wag na po." Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. "Ilang beses ko bang sabihin na don't po-po me." "Eh? Ummm." "Whatever. Let's go." Nagulat ako ng hilahin niya ako papunta sa kotse nya. Bago niya pa ako pagbuksan ng pintuan napigilan ko na siya. "Wag na po, sir. Nakakahiya po." "No. I insist." We argued but in the end he still wins. Masakit sa lalamunan ang pagdedebate sa kaniya. Ayaw niyang matalo kay nagpatalo na lang ako. "Mali ka ata ng daan, boss." Sabi ko dito ng makita kong iba ang direksiyon ang tinahak namin. "I know, hindi ako bobo." Luh? "Sino po ba ang nagsabi sayo na bobo ka?" Nakangiting tanong ko pero wala akong sagot na nakuha. Whatever! "Anong gagawin natin dito?" Naguguluhang tanong ko sa boss ko ng makababa kami. "Try mong magswimming sa loob ng mall." Napanguso nalang ako sa sinabi nito. Pag-ako nakapaghiganti, makikita mo. "Nice answer" Note the Sarcasm! "I know right. Let's go." Nagulat ako ng hilahin niya na naman ako. Mahilig ata ito sa hilahan. "May sakit ka ba boss?" Nag-alalang tanong ko sa boss ko. "No" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Anong gagawin namin dito sa drugstore? "Stay here." Parang aso lang e 'no? I waited a minute outside of the store. "Tapos na ba boss? Hatid mo na ako." Natatawang sabi ko. Hindi na ako nagulat ng hilahin niya ulit ako. "Let's eat." Gulat na nakatingin ako sa boss ko. "Boss—" "Don't talk." Edi wag. Nakasunod ako sa kaniya. Bawat paghakbang niya e ganun din ang paghakbang ko. Sana all kasi matangkad. "Sa wakas." Sabi ko at walang pag-alinlangan na umupo. Nakakapagod. "What happened to you? Naglakad lang tayo pero parang hinabol ka ng sampung kabayo." Inosenting tanong ng amo ko. Magsasalita sana ako pero naalala ko ang sinabi niya na 'don't talk'. Kaya tikom ang bibig. He asked me what I want but still I zipped my mouth. Inabala ko nalang ang sarili sa pagtitingin sa paligid. "Jenerose!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD