Kabadong-kabado ako habang papasok sa opisina ngayong araw dahil ito na ang huling araw para i-finalize ang drafts ng magazine para ma-transfer na at ma-print. Pagkatapos no’n ay isang linggo kaming maghihintay para ma-print at ma-release ang mga copy. Kagabi ay nakapag desisyon akong h’wag na isali si Justin sa promotional magazine ng Lao Fashion and Cosmetics. Alam kong hindi iyon magugustuhan ng buong editorial team dahil ginawa nila ang best nila para mas mapaganda ang project na ito. Siguro ay kulang lang talaga ako sa effort para makumbinsi si Justin. Hindi ko naman kasi akalain na ganito ang kahihinatnan ng relasyon naming dalawa. At aminin ko man o hindi ay natatakot ako na kapag pinilit ko siyang isama dito ay iyon pa ang maging simula ng hindi magandang pangyayari sa relasyon n

