Nakita kong umikot ang tingin ni Justin sa private office ni Mommy nang sa wakas ay nakarating na kami doon. “This isn't as spacious as your private office but you can comfortably rest here…” sambit ko matapos i-on ang air conditioner at ayusin ang blinds. Binaba niya ang sports bag sa gilid ng kama at saka marahang tumango sa akin. Halatang-halata na pagod na ang mga mata niya at gusto nang matulog kaya nagpaalam na ako na babalik sa office ng editorial team para i-finalize ang drafts. “Let's eat lunch together. Babalikan na lang kita dito mamaya. Matulog ka na. I'll go ahead,” paalam ko pero tumayo na siya at naglakad palapit sa akin. Yumakap kaagad siya kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang gawin ‘yon. “You okay? Your body is warm…” komento ko nang madama na medyo mainit

