PROLOGUE

1529 Words
PROLOGUE Mayumi’s phone has been ringing for like ten times already since she came here at Cocktailify; ang bar kung saan nagtatrabaho ang childhood friend at tinuturing na niyang pangalawang kuya na si Yuan. Kung hindi mga close friends nila ng ex-boyfriend– este ex-fiancé niyang si Brett ay mga pinsan at mga ka-trabaho niya sa Fab String ang tumatawag para i-confirm kung totoo ang kumakalat na balita tungkol sa kanya at kay Brett. Kahapon lang lumabas ang balitang iyon nang sagutin ni Brett sa isang exclusive interview ang matagal nang gustong malaman ng mga fans nito. Brett is a model celebrity with millions of followers in social media. At simula noong naghiwalay sila, isang buwan na ang nakakalipas, ay nanahimik ito at piniling manahimik at hindi nag komento sa issue. Well, sino ba naman ito para magmalaki? Si Brett ang naging dahilan ng hiwalayan nila nito at hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng ginawa nitong panloloko sa kanya ay nagawa pa nitong kausapin siya at sabihing isang pagkakamali lang ang ginawa nitong pakikipagtalik sa co-model nito na mismong pamangkin pa ni Yumi! At dahil cheating ang pinaka hindi niya kayang i-tolerate pagdating sa relasyon ay hindi niya ito tinanggap nang magtangka itong bumalik sa buhay niya. Ilang linggo siya nitong sinuyo pero hindi niya talaga kayang balikan ito kahit na mahal niya ito. Sa totoo lang ay si Brett ang naging standards niya pagdating sa mga lalaki. Gentleman ito at ginalang ang desisyon niya nang sabihin niyang hindi niya ibibigay ang sarili niya dito hangga’t hindi pa sila kasal. Sinunod naman ni Brett ang gusto niya pero hindi niya akalain na sa iba pala nito hahanapin ang isang bagay na hindi niya maibigay dito. Sa muling pagtunog ng phone niya ay nakita niyang si Brett ang caller. Kilala niya ang number nito kahit na matagal na niyang binura ang number nito sa contacts niya. Inis na dinampot niya ang phone at mabilis na in-off iyon. Kagat ang ibabang labi na hinawi niya pataas ang buhok at saka tinukod ang kaliwang siko sa counter ng bar. Agad niyang naramdaman ang pagtutubig ng gilid ng mga mata niya kaya mabilis na pinalis niya ang mga luha at saka kinuha ang baso ng Bacardi na in-order niya matapos siyang nakainom ng ilang baso ng Martini at hindi pa rin siya nalalasing. Siguro ay sa sobrang dalas niya sa bar nitong mga nakaraang linggo ay tumaas na ang alcohol tolerance ng katawan niya at hindi na pwede ang basta-basta cocktail drinks na lang para malasing siya. Inis na napatitig siya sa cocktail glass na hawak niya nang makitang halos wala na palang laman iyon. Napabuntonghininga si Yumi at muling hinawi pataas ang buhok bago nagtawag ulit ng bartender para timplahan siya ng panibagong order ng alak. “Another glass of Bacardi please?” sambit niya sa bartender habang hindi na gaanong makita ang mukha nito dahil tumatakip ang mga takas na buhok sa mukha niya. Naglapag ang bartender ng cocktail glass sa tabi niya kaya nakangising kinuha niya iyon pero imbes na sa cocktail glass mag-landing ang kamay niya ay sa kamay ng kung sino iyon lumapat. Kumunot ang noo ni Yumi at inis na hinawi pataas ang buhok nang hindi bumitaw ang kung sino sa cocktail glass na inilapag ng bartender. “This is mine…” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Yumi nang may lalaking nagsalita sa gilid niya. Tuluyang nawala sa paningin niya ang cocktail glass na pupulutin sana niya dahil kinuha na iyon ng kung lalaki. Paglingon niya sa gawing kanan ng counter ay side profile ng isang lalaki ang nakita niya. Hawak nito sa kaliwang kamay ang cocktail glass na may laman na Bacardi at nilalaro matapos itong uminom mula doon. Mabagal na napapikit siya at itinukod pa ang pisngi sa likod ng kaliwang palad na nakatukod sa table para matitigan ang mukha nito. Sa unang tingin pa lang ni Yumi sa lalaki ay alam niyang kung hindi isang underrated na artista ito ay isa itong model dahil sa porma at pangangatawan. Halos hindi nalalayo ang taas nito kay Brett o baka nga mas matangkad pa itong hamak. Hindi niya halos namalayan na nagtagal na ang titig niya sa lalaki at natigil lang ang paninitig niya nang kunot noong lingunin siya nito at tinaasan ng kilay. “Got something to say to me?” Even the man’s voice was so manly that she couldn’t stop staring at his face. Kahit na nakakunot ang noo nito at mukhang iritado na sa ginagawa niyang paninitig dito ay masasabi niyang gwapo talaga ito. She was used to seeing handsome models posing for a photoshoot. Kaya dapat ay sanay na siyang makakita ng mga gwapo. Pero ang lalaking kaharap niya ay kakaiba ang dating. Gwapo ito pero hindi ito iyong tipo na madaling pagsawaan ang kagwapuhan. The longer she’s staring at his face, the more she wants to keep staring! Parang habang tumatagal ay mas lalo itong gumagwapo sa paningin niya. Hindi tuloy siya makapagsalita dahil parang mas gusto na lang niyang titigan ito at ‘wag nang kausapin. Unti-unting ngumisi ang lalaki kaya mas lalong napatitig si Yumi sa mukha nito. Bumakas ang isang malalim na dimple sa kanang pisngi nito at meron din sa kabila pero mukhang mas malalim ang sa kanang pisngi. Kahit na pabalik-balik ang party lights sa gawi nila ay hindi pa rin siya naiirita dahil nag-eenjoy siya sa kakatitig sa mukha ng lalaki. Is he a model? Saang agency naman kaya? Yumi’s mind started to get restless while staring at the man’s handsome face. Nang tumayo ito at lumapit sa kanya habang hawak ang glass ng Bacardi ay napatingala siya dito at nakipagtitigan. One thing she realized was… the man was even more handsome up close. Parang dumoble pa ang lakas ng karisma nito sa malapitan kesa kanina na halos isang dipa ang layo niya dito. “Are you drunk, Miss? Or…” sambit nito sa pagitan ng malakas na music sa background. Napakurap siya at pinanood ang ginawa nitong pagyuko at paglapit ng mukha sa kanya. “Do you badly want my Bacardi?” tanong nito at tinaasan siya ng kilay. Halos hindi malaman ni Yumi kung saan ibabaling ang tingin sa buong mukha ng lalaki sa harapan niya. Sa huli ay natagpuan na lang niya ang sariling mga mata na naka-focus sa mapupula at manipis na mga labi nito. Muling ngumisi ang lalaki kaya mabagal na nag-angat siya ng tingin para salubungin ang tingin nito. “Now, you are staring at my lips…” narinig niyang sambit nito at muling ngumisi ng nakakaloko. Kahit na alam niyang lasing na siya ay hindi niya pa rin naiwasang pamulhan ng mga pisngi dahil sa sinabi ng lalaki. “Alright. Lemme guess…” muling sambit nito at tumagilid pa ang ulo habang nakatitig pa rin sa kanya. Pinaglalaruan pa rin nito ang baso ng Bacardi sa kaliwang kamay nito habang titig na titig sa kanya. Hindi naiwasang mapalunok ni Yumi nang ilapit pa ng lalaki ang mukha nito sa kanya. “I guess you want both,” muling sambit pa nito kaya kumunot na ang noo niya at hindi pa rin makapagsalita dahil mas gusto niyang titigan ang mukha nito. “Then I’m letting you taste both…” pagpapatuloy nito at saka mabilis na iginalaw ang kaliwang kamay para itaas ang baso at uminom sa Bacardi nito. Walang nagawa si Yumi kundi ang titigan ang lalaki habang umiinom ito. Napapalunok pa siya habang pinapanood ang paggalaw ng Adam’s apple nito. Ilang sandali lang ay inilayo nito ang baso ng Bacardi sa bibig at muling nagbaba ng tingin sa kanya. Yumi was taken aback when the guy tilted his head and his right hand immediately flew to her nape. Namilog ang mga mata niya nang kabigin siya nito at ilang sandali lang ay nakalapat na ang mga labi nito sa kanya! Mariing napapikit si Yumi lalo na nang sa paggalaw ng mga labi ng lalaki ay nalasahan niya kaagad ang lasa ng Bacardi mula sa mga labi nito! He was kissing her like he was used to kissing someone that way! Masyadong intimate ang ginagawa nitong paghalik sa kanya at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito hinahayaan na basta na lang siyang halikan ng gano’n! Nang tuluyang tumigil sa paghalik ang lalaki ay halos mahirapan pa siya sa pagdilat ng mga mata niya. Pakiramdam niya ay hindi siya sa alak nalasing kundi sa mga halik nito! Pagdilat niya ay muling nasalubong niya ang mga tingin nito. Unti-unting tumagilid ang ulo nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “I let you taste both of my lips and my Bacardi. I’m hoping that’s enough for you to stop staring ‘coz it’s making me uncomfortable…” sambit nito at pasupladong tinaasan siya ng kilay. “You’re here, Justin?” Kung hindi pa nagsalita ang kaibigan niyang si Yuan at binati ang lalaking basta na lang humalik sa kanya ay hindi pa yata siya makakabalik sa katinuan! What the heck, Yumi?! You were afraid to give yourself to your long-term boyfriend but you let a stranger kiss you?! Especially in this crowded place? Whoa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD