Kung hindi pa tumunog ang phone ko para sa alarm ng alas singko ng umaga ay hindi pa ako magigising. Mabigat na mabigat ang pakiramdam ko at antok na antok pa kaya hindi ko pinansin ang alarm ko at pinagpatuloy ulit ang pagtulog. Pero ilang sandali pa lang akong nakakapikit ulit ay naalala ko kung bakit naka-set ang alarm ko ng alas singko ng umaga. Oras na ng pag-jogging ni Justin! Ibig sabihin… inumaga na ako dito sa opisina niya?! Dahil sa naisip ay agad na dumilat ako at bumangon s kama. Iginala ko pa ang tingin sa paligid dahil baka namamalikmata lang ako, pero hindi! Nandito pa rin talaga ako dahil wala akong natandaan na umuwi ako sa bahay! “What the hell are you doing, Yumi?” gigil na sita ko sa sarili at agad na tumayo para hanapin ang mga damit ko pero wala ang mga iyon sa p

