(≧∇≦)/ Irene's POV:
Apat buwan makalipas mula ng magsama kami ni Cleo ay napakarami ng nangyari.
Pakiramdam ko habang papatagal ay may nagbabago.
Hindi na ganoon ka-sweet sa akin ang boyfriend ko.
Sa tuwing magkakausap kami ay parang napipilitan nalang ito sa akin.
Mula nang gabing tanggihan ko sya sa gusto nyang mangyari ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa akin.
Parang invalid na maramadaman kong kabahan at matakot na gawin ang bagay na iyon.
Paano kung mabuntis ako? Anong mukha ang ihaharap ko sa mga magulang ko?
Ipinaliwanag ko naman ng maayos kay Cleo na hindi pa ako handang pumasok sa sitwasyong iyon.
I even told him that if he really want to do it, we marry first. Pero nagalit sya at sinabing napakaselfish ko.
Nalilito na ako.
Sa tuwing gagawa ako ng kilos para may mangyari sa aming dalawa ay nauudlot lamang. Hindi ko kaya. Natatakot ako.
And now he's really mad.
"Give me a chance, love..." Pagmamakaawa ko pa.
Hindi ako nito pinansin. Nagbihis sya ng damit at padabog na lumabas.
Naiwan na naman akong mag-isa. Ibinalot ko sa kumot ang hubad kong katawan at nagsimula ng umiyak.
Bakit ba hindi ko maibigay ang sarili ko sa kanya?
Kinagabihan ay hindi umuwi si Cleo. Wala man lang binanggit ito sa akin kung saan sya nakitulog gabing iyon.
Nagpuyat lang pala ako sa wala.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na iyon makilala pa. Wala ng buhay ang Irene na nasa loob ng salaming iyon.
Saan ka na nagpunta?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla na naman akong umiyak.
Awang-awa na ako sa sarili ko pero di ko magawang iwanan ang boyfriend ko.
Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa tuwing maiisip ko na makipaghiwalay sa kanya.
"Love..." Napangiti ako nang makitang bumukas ang pinto.
Agad kong sinalubong ng yakap si Cleo nang pumasok ito.
"Saan ka natulog? Sorry na, wag ka ng magalit sa akin."
Ngunit nanatili lang itong tahimik.
Natigilan ako nang may pulang mga marka akong nakita sa leeg nya.
"Bakit may ganyan ka?"
"Kinagat ako ng lamok. Sa may talyer ng kaibigan ko ang natulog."
"Ganoon ba?"
"Oo at wag ka ng magtanong pa." Singhal pa nya sa akin bago nagtungo sa banyo.
Grabe naman ang lamok na iyon kung makakagat.
Habang naliligo si Cleo ay naghanda na ako ng makakain nito. Ininit ko lang ang adobong manok na ulam kagabi at isinangag ang natirang kanin.
Pagkatapos ay naghain na ako. Sakto namang kalalabas lang ng banyo ni Cleo.
"Kain ka na."
Tiningnan lang ako nito saglit pagkatapos at pumasok na sa kwarto.
Mga ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito lumalabas kaya naman naisipan kong puntahan na ito.
"Cleo? Bakit mo ni-lock ang pinto?" Katok ko.
Hanggang sa ako nalang ang sumuko. Galit pa talaga ito sa akin.
Ako nalang ang kumain ng inihanda ko.
Balak ko ding bisitahin si Denise sa bahay nito kaya naman nag-asikaso din kaagad ako.
Bago umalis ay nag-iwan pa ako ng note sa mesa para hindi ako nito hanapin.
Nasira kasi ang phone ko kaya naman wala kaming kontak sa isa't isa.
Love,
Aalis muna ako. I'll be back before dinner. Iloveyou
Sumakay na ako ng bus, pagkababa ko sa terminal ay sumakay naman ako ng van papunta sa subdivision na tinitirhan ng bestfriend ko.
"Nanjan po ba si Denise ngayon?" Tanong ko kay Manang Rosa na syang nagbukas sa akin ng gate.
"Nako, Irene. Hindi ba nabanggit ni Ma'am Denise na may lakad sya ngayong araw? Sa makalawa pa ang day-off nya."
Umiling ako. "Sosorpresahin ko lang po sana sya."
"Pasensya ka na."
"Ayos lang po. Babalik nalang po ako sa makalawa." Sabi ko pa at nagpaalam na din.
Bagsak ang mga balikat na umuwi ako. Dumaan muna ako sa grocery store para makapamili ng mga kulang naming stocks sa apartment. Pagkatapos ay sumakay na ako ng traysikel pauwi.
"Madeline? Di ba ikaw yung friend ni Denise? Anong ginagawa mo dito?"
Nag-iwas naman agad ito ng tingin sa akin. "May inaantay lang. Nga pala, gusto mo bang kumain muna tayo sa labas? Treat ko."
Hindi pa ako nakasagot ay hinila na ako nito papasok sa loob ng sasakyan.
"Ayos ka lang ba?"
Para kasi itong hindi mapakali.
"Oo, nagugutom na kasi ako eh."
"Parehas pala tayo."
Sa isang fast food chain lang kami kumain.
Habang kumakain ay nagkukuwentuhan naman kami ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay namin.
Na-ishare ko din sa kanya ang sitwasyon namin ngayon ng boyfriend ko na dapat ay una ko sanang ikukuwento kay Denise.
(≧∇≦)/ Madeline's POV:
Oh my gosh! Hindi ko inaasahan na makikita ako ni Irene sa harap ng apartment building ni Cleo.
Hindi ko naman pwedeng tawagan si Denise para sabihing nasa ibaba na si Irene dahil baka maistorbo ko silang dalawa ni Cleo.
Kaya naman inaya ko na munang kumain sa labas si Irene.
Sa totoo lang ay naaawa ako dito. Pero di ko ugali ang makialam sa buhay ng iba.
Kaibigan ko si Denise at wala akong balak na ipahamak sya kaya kahit kinakain na ako ng konsensya ay hindi ko ito mailaglag.
I owe her everything.
Para ko ng kapatid si Denise. Ni minsan ay hindi ako nito tinuring na iba.
I'm also aware of Irene's attitude. Masyado itong mahina, baka mamaya kapag sinabi ko ang totoo ay magsuicide ito at ako pa ang may kasalanan.
I don't want it!
"Salamat sa treat, Madeline. Nga pala, oorder lang ako ng patake-home."
Naglakad na ito papunta sa counter.
This is my chance.
Tinawagan ko ang number ni Denise. Nakailang ring pa iyon bago nya iyon masagot.
Isang malakas na ungol ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napailing nalang ako, mabuti na lamang ay mahina lang ang volume ng ringtone ko. Dahil kung hindi ay ako ang mapapahiya.
"Denise...can you hear me?"
"Madeline! We're in the middle of doing something. Bakit ka ba tumatawag?"
"I'm with Irene."
"What?! Oh sh---"
Pinutol na nito ang tawag.
Nakakainis talaga ang dalawang iyon. Wala talagang pinipiling oras para gumawa ng milagro.
Mayamaya lang ay bumalik na si Irene sa table namin.
"Si Denise ba ang kausap mo?"
Napalunok ako ng laway. "Oo, busy daw sya kaya binababaan agad ako ng tawag." Sagot ko.
Busy makipagtalik sa boyfriend mo.
Gusto kong sabihin iyon sa kanya.
"Ahm, Madeline. Di ba may boyfriend ka na?"
Bakit naman nya iyon natanong?
Tumango ako.
Bigla namula ang pisngi nito. "M-May nangyari na ba sa inyo? Like ano...ganon."
Napalunok naman ako ng laway.
"What do you mean?"
"A guy riding on top of girl's body."
Oh my gosh!
"M-May nangyari na ba sa inyo ng boyfriend mo?" Nauutal kong tanong.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang umiling sya.
Ibig sabihin hindi sya ginagalaw ni Cleo tulad ng ginagawa nya kay Denise.
"I want to...but I'm scared."
"Then don't force yourself, sweetie. You have rights to say "no" if you don't want it. There's nothing wrong about that."