NIKKI'S POV
"Hindi makapaniwala si Nikki sa narinig niya... Bakit wala siyang alam?? Bakit kailangang itago sa kanya..? kaya ba inatake ang Dad niya dahil sa problema...? mga tanong sa isip niya na hindi niya kayang sambitin...
"Halos lahat nang farm natin naibenta na Nak.. yung iba naman naisanla.. at kasama na nga itong bahay natin... na mawawala oras na hindi tayo makabayad.. umiiyak na patuloy nang momy niya...
"Ke..kelan pa to ma?? ...lakas loob niyang tanong sa ina...
"Nagsimula ito nang magbaba nang presyo nang mga ani ang Cheng farm... halos lahat nang sinsupplyan natin sa kanya na kumukuha.. Halos kinuha nila lahat.. kaya naibenta at naisanla nang dady mo lahat.. para lang may maibayad sa mga trabahador natin at may maitustus tayo sa gastusin araw-araw at sa pag aaral mo.. " mahabang kwento nang mom niya sabay punas nang luha...
"I'm sorry baby, if pinili namin na wag sabihin sayo.. Ang gusto nang Dad mo eh mag focus ka lang sa studies mo hangang makatapos... pero diko akalain na aabot sa ganito.. " umiiyak nanaman nitong sabi.. Kaya niyakap niya ang ina ng mahigpit.
"Shhhhh.. everything will be alright ma.. gagawa ako nang paraan okay.. pagpapalakas niya nang loob sa ina..
..Humahangos na lumapit sa kanila si Jacob..
"Nix, Tita!! si Tito Hendz...!!! Hinahapong wika nito na ikinatayo nilang dalawa nang momy niya..
"Anung nang-yari ?? sabay pa nilang tanong..
"Nirerevive ngayon si tito.. so we need to go back na.. nagwoworing sabi nito .
"Bigla naman siyang nanlamig sa narinig.. pero pinilit niyang patatagin ang sarili niya para sa mom and Dad niya
"Dali- dali silang lumabas at sumakay nang sasakyan..
"Panay dasal ang ginawa nilang dalawa nang mom niya hangang sa makarating sa hospital..
"Halos lakad-takbo ang ginawa nila makarating lang agad sa kwarto kung asan ang Dad niya.
"Bex!!! si Dady?? tawag at tanong niya sa kaibigang si Madz. nang makarating na sila doon.
"Narevived nila na si Tito at kasalukuyang iniexamine pa.. sagot nito sa kanya na halata din na galing sa pag-iyak..
"Maya maya pa lumabas na ang Doctor..
"Doc, kumusta po ang asawa ko.. her mom asked the doctor..
"Lumamlam naman ang mukha nito saka sila tinitinga ng mariin bago nagsalita.
"I will tell you frankly na Misis.. Your husband is getting worse every hour.. I suggest to do the surgery as early as we can... Nag seizure na po ang pasyente.. at nag flat line na.. . paliwanag sa kanila nang Doctor..
Sige po Doc.. Gawin niyo na po ang dapat.. Just to save my dady... naluluha na niyang sabi.... Tumango naman ang doctor sa sinabi niya saka nagpaalam at naglakad na palayo sa kanila..
"Binalingan naman siya nang ina..
"Baby... san tayo kukuha nang pang pa opera.. tanong nito.. Hinawakan naman niya ang kamay nang nanay niya.. and she smiled ...
"Magpapaalam lang po ako Ma kay Dad.. sabay pasok sa loob.
Nagsipag-unahan ang luha niyang tumulo nang mapagmasdan ang dady niya na may nakakabit nang kung ano- ano sa katawan..
She hold her dads hand, and massage it gently . . and put it to her cheek..
"Daaddd garalgal ang boses na tawag niya dito..
"Kapit lang ha..!! Ako naman ang gagawa nang paraan ngayon para sa pamilya natin... I love you sooo much dad.. she said between her sobbed.
She breathed deeply... and put down her dad's hand carefully.. then she went outside..
"Tiningnan naman siya nang dalawang kaibigan niya at nang Momy niya..
"Kayo na muna ang bahala kay Dad.. and kay momy.. be right back.. promise... paalam nito sa tatlo at naglakad na siya palayo..
"Wait" baby!! sa'n ka pupunta?? rinig niyang sigaw tanong ng mom niya kaya nilingon niya ito saka nginitian..
"Be right back".. tanging naging tugon niya.
....
"Sumakay agad siya nang taxi nang may huminto sa harap niya ..
"Manong Hernandez Corporation po tayo ..
"Okay po Mam...sagot nang driver....
...
"Wala na siyang choice kundi ang lumapit sa lalaking namumuhi sa kanya.. pero dahil siya ang huling kausap nang dad niya bago ito atakihin ibig sabihin alam na nang lalaki ang problema nila..
"Nikki sighed heavily... habang nakatingin sa passbook niya.. kulang na kulang ang pera niya.. nasa two hundred eighty thousand lang ang laman nun.. na sinadya niya talagang ipunin dahil hindi naman siya magastos na tao..
"Ayaw naman na din niyang humingi nang tulong sa dalawang kaibigan niya dahil unang una.. alam din niya ang sitwasyon ni Madz.. si Jacob naman.. alam niyang gagawa at gagawa yun nang way para makatulong pero ayaw na niyang obligahin pa ang mga ito.. sapat na sa kanya lahat ng mga nagawa nito para sa kanya...
"Dito na po tayo Mam...
boses nang driver ang nakapukaw sakanya..
Kumuha naman siya sa wallet niya nang pangbayad at inabot ito doon.. sabay baba nang taxi...
"Huminga ulit siya nang malalim habang pinagmamasdan ang kabuuang taas nang building na pag mamay-ari nang lalaki...
"You can do it Nikki!!! para kay Dady!!..
pagpapalakas niya nang loob bago naglakad papasok sa loob...
"Uhmmm Good afternoon po.. bati niya sa Receptionist nang building...
Ngumiti naman ito sa kanya..
"Yes Mam, good afternoon.. Anu po sadya natin? the girl politetly asked to her..
"I want to see, I mean can I talk to Mr. Hernandez.. the Ceo of Hernandez Corporation?.. magalang din niyang sagot..
"Do you have an appointment Mam??.. tanong nito sa kanya.
"No , I don't have... I wasn't able to asked for an appointment po kasi.. Biglaan lang talaga.. and I really need to see your boss asap... she said in a lower tone..
Kumunot naman ang noo nang kausap niya...
"I'm sorry Mam but I can't let you in just like that, need you po ng appointment para makausap siya.. or better yet magpa-appointment po muna kayo Mam saka po kayo bumalik dito.. pasensiya na po... hinging paumanhin nito sa kanya..
Sapo ang noo at laglag ang balikat niya sa narinig.. But No!!!! hindi pwedeng hindi ko siya makakausap..!!! kausap niya sa sarili...
"Please po kahit one minute lang.. I just really need to talk him.. please naman po.. pakiusap niya ulit dito...
"I'm sorry po talaga Mam.. I'am just doing my job here po.. wika pa nito.
Naihampas naman niya ang kanyang mga palad sa ibabaw nang reception desk coz of frustration.
"God Dam*** it.!!! this is betweel life and death.. naiinitindihan mo ba??? pasigaw na niyang tanong dahil sa galit...
"Pasensiya na po ta......
Hindi na naituloy nang babae ang sinasabi nang biglang may mag salita sa likuran niya...
It's okay! "FOLLOW ME!!!! baritonong boses na sabi nito na ikinalingon niya..
They looked each other intently.. pero unang nagbawi nang tingin ang lalaki saka naglakad palayo...