..Momy!!!, alis na po ako..sabay kiss sa pisngi ng mommy niya... na busy sa paghuhugas ng mga hugasin
Okey nak, mag-ingat and behave kay?paalala naman ng mama ni Nikki.
.Yes mother earth, I will po,sagot niya sabay kindat pa niya sa ina... Saka mabilis na tinungo ang pintuan para lumabas na.
"Siya si Nikki Chavez, 18years old na siya, College student and shes taking up a Management Course in Bermington College.
Simpleng tao lang siya pero maraming pangarap sa buhay kaso tamad siya sa mga gawaing bahay.. yaay!! ..kaya halos madalas natatalakan siya ng kanyang ina.
"One of the campus crush din siya dahil sa pagiging One of the School Dancer niya. Kung saan-saang silang school nakikipag compete. Minsan na din sila nag champion sa pa Dance competition ng TESDA at sobrang happy niya nun that time..
"Naging hilig na niya talaga ang pagsasayaw.mula pa noong bata siya pero ngayon na lang niya mas nailabas ang hilig niyang yun.. Dahil huminto siya sa pagsasayaw mula ng makilala niya ang dating nobyo..
"Sumasali din siya sa Pep Squad every intramurals day nila... "kagaya na lang ngayon, maaga siya dahil nagtawag ng polishing practice ang dance coach nila.. Kaso sa kasamaang palad mukhang dina siya aabot for morning practice dahil late na siya kaya babawi na lang siya mamayang hapon.. "napabuga siya ng hangin sa pagod dahil tumakbo lang naman siya papasok ng gate but to her dismay hindi parin siya umabot sa oras niya.
...BAKLA!!!! BAKLAAAA!! HOOOY bakla ka ng taon.. ba't late ka ha??tanong ni madz sa kanya.
"Naku paktay kang bata ka.. mapapa stretching kana naman niyan ng thirty minutes with matching standing ovation sa stage.. hinihingal na sabi pa nito.. na ikinalukot ng mukha niya.
....ehhh Pano ba ako hindi malilate ang tagal ng tricycle doon samin.. lima na nga kami sa loob ayaw pa umalis ang gusto mag mukhang christmas tree pa ang labas nun sa dami ng mga sumabit.. hays! "nanunulis na ngusong sabi niya..
"Yes, nagtatricycle siya from Sunwell Village to Bermington College..
Mayaman ang family ni Nikki pero mas gusto niya mamuhay ng simple tulad ng normal na estudyante kya nga hindi siya pumasok sa isang Prestigious school...
Dating Governor ang Dady niya pero umalis ito sa pagka governor para mamuhay ng simple at tahimik. katwiran ng Dady niya kayang-kaya niya tumulong sa mga tao kahit wala na siya sa posisyon na yun. kaya namamahala na lang ito sa malalaking farm nila dito sa bicol.. Habang ang mommy naman niya kuntento na at masaya na sa pagiging fulltime house wife...
"kahit madami ang kasambahay nila ni hindi umaastang señorita momy niya.. gustong gusto nito na ipinagluluto at pinaglilinis ng mga kwarto nila..
"Galit ba si Coach Gene? tanong niya.. inirapan naman siya ni Madz..
"Hmmm kung sa galit abay Oo wala naman pagbabago yun, alam mu na walang jowa kaya ganoon ang attitude..sagot nito sabay hagikhik.. na ikinagisi niya din.
"Sira ka talaga, marinig ka nga.. sabi niya.
. Sasagot pa sana si Madz ng biglang may umakbay dito..
Hey panget! bati ni jacob sabay pisil pa sa pisngi ng kaibigan..
"Aray! naman jekjek wag ang pretty face ko. reklamo nito.
"Sa'n ang pretty diyan aber? birong tanong ni Jacob na ikinatulis ng nguso ni MAdz.
naiiling na lang si Nikki sa dalawa... hanggang ngayon kasi madalas parin ang asaran ng dalawang kaibigan niya pero alam naman niyang ganoon ang dalawa maglambingan.
.....
"Pag dating nila ng gymnasium halos lahat ng estudyante eh nagkukumpulan at tila may inaabangan...
Bex, anung meron? usisa niya..biglang tili naman ang kaibigan niya...
OH lala bex, ngayon pala dadating yung mga taga Horizon Academy!! and take note kasama daw ng mga varsity player ang President ng school na dating Ace player ng Horizon Academy. diba bongaaaa., .at ito pa sobrang pogi daw bex...at yummmy!!...inaalog-alog pa siya nito... tatango-tango na lang siya sa kaibigan niya...
Maya-maya pa hinila na siya ni Madz papunta sa mga nagsisiksikan na mga estudyante..
"Hoy! antayin niyo naman ako!!sigaw ni Jacob..
"Bawal ka dito ani ni Madz... walang chix na dadating Jekjek.. sabay tawa..
"Wala nga pero yung kakilala ko kasama nila.. nangingiting sagot ni Jacob..
Nanlalaki naman ang mata ng kaibigan niyang si Madz sa gulat..
"Talaga ba..?? uhm Jek beke nemen.. pa meet mu ha..paglalambing nito na ikinanguso lang ni Jacob.
"tsssk, ayaw nun sa mga panget! aw! daing nito ng biglang pingutin ng kaibigan sa tenga nito.
. Magsasalita sana siya ng biglang my mga sasakyan ng pumarada sa harap ng gymnasium...
"Omg!! ayan na sila!!! tilian ng mga estudyante..
"Nagkandahaba-haba naman mga leeg nila kakasilip dahil nasa likuran sila ng mga ngsisiksikang mga estudyante.. Nataon namang pagbukas ng mga pintuan.ng sasakyan ang pagtunog ng phone niya..
"wrong timing talaga.. ani niya..
" halos mairolyo niya ang kanyang mga mata ng Pagtingin niya sa phone ay si Coach Gene ang tumatawag.. nyeee paktay na!. "nakangiwi niyang kausap sa sarili.. KAYA dali-dali siyang tumalikod at sinagot ang tawag...
"Hello!!co.. .hindi pa nga niya nabubuo ang coach sigaw na agad ang narinig niya.mula dito..
!!Wag mu akong ma hello hello Nikkita ha!! late ka na nga nakuha mu pang tumambay diyan sa gymnasium! pagalit na sabi nito..
"Yaay!! soriii na po.. akala ko po kasi tapos na practice natin.. kaya sabi ko this afternoon na lang ako papractice.. paliwanag niya..
Abat!! who says that to you?ako ang coach kaya ako ang mag dedecide if I'am going to end this d***n practice or not.. Bilisan mo na ikaw na lang ang kulang at magkakaroon ng changes sa time ng pagpeperform niyo... at binaba na nito ang tawag..
Kakamot-kamot naman siya sa Headsong niya.. At TUmakbo na siya papunta sa rehearsal room nila... Ni hindi na siya.nakapag paalam sa dalawang kaibigan ...at ni hindi na niya.nakita pa yuong mga bumaba sa sasakyan.. anyway, may bukas pa naman...