Mahigpit ang pagkakayakap ni Kean kay Sherri. Labis siyang nag-alala para rito. Hindi niya kakayanin kung may nangyaring masama dito.
"Okey ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango lang ang dalaga. Nanginginig pa rin ito sa sobrang takot at trauma sa nangyare. Hindi niya mapigilan na mapahikbi.
"Sshhh. Tahan na. Your safe now. Everythings will be okay," assurance ng binata at hinayaan niyang humikbi lang ito sa balikat niya.
Pakiramdam ng dalaga ay gumagaan ang kanyang pakiramdam. Napapanatag ang kanyang loob. She feel safe in his arms. Mabuti na lang at nandito ito para iligtas siya at damayan. Ito yata ang kanyang tagapagligtas. Her knight and shining armor. Bigla itong dumadating pag kailangan niya ito. He's always there to protect, to rescue and to save her. And she owe him a lot.
****
Kanina pa andun si Kean sa kwarto na tinutuluyan ng dalaga. Nakatulog na ito sa sobrang pagod at trauma na dulot ng nangyari kanina. Kasalukuyan ay binabantayan niya ang dalaga. Tumawag din si Andy kanina at sinabing tuluyan na ngang nakatakas si Greg. Kaya nauna na itong bumalik sa hotel na tinutuluyan nila. Ito na lang daw ang magre-report tungkol sa mga nangyare at development ng kaso.
Kanina pang tulog ang dalaga. Pasado alas tres na ng madaling araw. Kanina pa si Kean na nasa tabi niya. Hindi na niya umalis dahil sa kahilingan nito. At habang binabantayan niya ito ay pinagsawa niya ang sariling pagmasdan ang mukha ni Sherri. Napakaamo and she's sleeping like an angel. Maingat niyang pinalandas ang mga daliri sa pisngi nito. Feel so soft and he cant resist.
Umungol ang dalaga saglit. At biglang nagbago ng posisyon sa pagtulog. Lalo pa itong lumapit sa binata. Nagsumiksik sa katawan ni Kean. Hindi niya ine-expect iyon. Hindi niya alam kung paano siya magre-react. Ayaw niyang bigyan ng malisya iyon at ayaw niyang i-take advantage ang pagkakataon. He likes her but he respect her. Hindi niya katulad ng iba na sasamantalahin ang pagkakataon kung saan kailangan nito ng magco-comfort at her lowest point.
Ano na lang ang iisipin at sasabihin nito. Pero lalo pa siyang nagulat ng yumakap na ng tuluyan ang dalaga sa kanya. Napangiti siya. Masarap sa pakiramdam niya ang yakap siya ng dalaga. Seems like shes needed him so much. Kung sana alam ng dalaga ang totoo.
Si Kean ang lalaking pinagkasundo kay Sherri. Siya ang anak ng kumpare ng tatay nito na dapat ay pakakasalan niya. Ang lalaking tinanggihan niya. Ang lalaking tinakbuhan niya without trying to know him. And it's hurt him that much. It was their parents idea and he thinks it was not good idea. But he just love his parent that much. So he give it a shot.
Pinagbigyan niya ang mga ito. Pumayag siya. He knows that it was just a fixed-marriage and just like her he also didn't like the idea of getting marriage without seeing each other. He and Sherri never get to see each other in person. He only seen her in pictures. And that time she got attracted to her. He knows a lot about her. He thinks she is an interesting lady and he's excited to know her more. He always on the look out when it comes with Sherri.
Palagi niya itong sinusundan and tinitignan from a far. And each day he slowly falls in love with her. Deeper and deeper. And Sherri didn't know about that.
Ayaw niya munang sabihin ang totoo dito. Hahayaan niya lang itong matuklasan iyon, na ang lalaking tinakbuhan niya ay iisa. He wanted her to be shock. He wanted to punish her. He wants to give her a dose of her own medicine.
Ngayon pang ramdam niya na mukhang unti-unti ng nahuhulog sa kanya ang dalaga. It's his another mission to make this girl fall in love with him. Everything was going smoothly according to his plan. He just responded to Sherri's hug.
****
Kinaumagahan.
Napangiti si Sherri ng una niyang masilayan pagmulat ng mata ang mukha ng binata. Tulog na tulog pa ito. Hindi niya maiwasan na pag-aralan ang mukha nito. Gwapo talaga ito lalo pa sa malapitan. Napadako ang tingin niya sa mga labi nito. Mamula-mula iyon na parang mansanas. Kinilig siya at napa-isip.
Ano kaya pakiramdam habang hinahalikan niya ako?
Hindi niya mapigilan na mangarap. Masaya siya ng mga sanadaling iyon. At kung panaginip man iyon ay ayaw na niyang magising. Pero totoo ito. She is not dreaming or halucinating. It was currently happening. She could not believe it. She wants to enjoy the sight and the moment. Pagsasawa niya muna ito. She could not just ask for more.
****
Daling napabalikwas si Kean mula sa higaan. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. It's almost nine in the morning. Wala ang dalaga sa tabi niya. Hindi niya namalayan ang oras at nakatulog siya. Bigla niyang naalala ang mga pangyayare nung nagdaang gabi. It was very traumatic experience for Sherri. And he would never let it happen again.
Biglang bumukas ang pinto.
"Hi! Gising ka na pala," masiglang bati ng dalaga.
"Oo kakagising ko lang. San ka galing? Ba't di mo ko ginising? Nasamahan sana kita. Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Kean na may himig pa din ng pag-aalala.
"I'm fine," casual na sagot ng dalaga na parang walang nangyare.
"That's good. Anyway I really need to go."
Biglang nalungkot ang dalaga.
"Aalis ka na? Bumili pa naman ako ng pagkain para sa atin." At inilapag sa lamesita ang mga biniling pagkain.
"Next time na lang," tanggi ni Kean. "May kailangan pa akong asikasuhin. And I need to check some reports."
Alam na ni Sherri ang trabaho nito at ng tungkol sa special mission nila sa Boracay. Nabanggit ng binata kung bakit sila may mga b***l nung gabi at kung bakit nila tinutugis ang lalaking nang-hostage sa kanya.
"Ganun ba? Sige, ingat ka," medyo may bahid ng kalungkutan ang boses.
"Okey ka lang ba dito? " tanong pa ni Kean.
Tumango siya.
"Always lock the door and take care of yourself always. Ok?" paalala pa niya.
"Ok," aniya.
At tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Bigla siyang nakadama ng panghihinayang. Pakiramdam niya ay para siyang naghihina. Akala pa naman niya ay makakasama niya ito kumain at magsi-stay pa ng matagal. Mali siya pero naiintindihan naman niya ito. Marami itong inaasikaso, iniisip at inaalala. Dumagdag pa siya sa mga kailangan niyang iligtas at asikasuhin.
She is just a nobody. Isang pasaway. An iresponsable one and rebelious daughter. A coward and a weak type of person. Takot harapin ang responsibilidad. Takot harapin ang katotohan at tanggapin ang kapalaran. But still he spend time to be with her and to take care of her. She is very thankful kahit nakalimutan niyang sabihin iyon bago umalis ito. She really appreciate his effort. At babawi talaga siya dito.
****
Nasa highway na si Kean at nag-aabang ng tricycle. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na nag-dial.
"Hello, tita good morning," bati niya.
"Hello good morning din sa'yo, hijo," bati ng nasa kabilang linya. "Kamusta si Sherri?"
"She's fine, tita. Actually kakagaling ko lang sa kanya." Hindi na niya binanggit ang nangyare sa dalaga kagabi. Ayaw na niyang mag-alala pa ang mga ito.
"Talaga? Salamat, hijo ha?"
"Wala po 'yun, tita. Anything po basta para sa kanya," assurance niya.
"Basta ikaw nang bahala sa kanya. At ikaw na sana ang magpasensya sa kanya," may halong guilt ang boses ng matanda.
"It's nothing, tita. I understand. Don't worry po pasasaan po at matatanggap niya din ako," ani Kean.
"Sana nga, hijo."
"Sige po. I have to go. Bye!" paalam niya at pinutol na ang tawag.
Sakto naman na may tricycle na tumigil. Agad siyang sumakay.
****
Dalawang araw ang lumipas. Isang tawag ang natanggap ni Kean. Katatapos niya lang maligo sa swimming pool ng hotel. Paakyat na siya sa kanilang kwarto pero hindi niya nadatnan si Andy doon. Tatawagan niya sana ito pero sakto namang ito ang tumatawag sa kanya.
"Oh, Bro!" bungad ni Kean. "Tatawagan na sana kita. Nasaan ka ba?"
"Nandito ako sa isang boarding house. Kasama ko ang contact natin. May nakapagturo kasi na nandito tumutuloy si Greg," imporma nito.
"Asan banda 'yan?"
Sinabi ni Andy ang exact location ng kinaroroonan nito.
"Ok sige. Hintayin niyo ko diyan. Pupuntahan ko kayo."
"Sige bro bilisan mo."
Nagmadali siyang nagpalit ng damit at umalis.
Pagdating ni Kean sa lugar ay naabutan niya sina Andy at ang kanilang contact na nakikipag-usap sa mga kalapit bahay. At nakumpirma nga na nandoon tumutuloy ang lalaki. Pero ayon na rin sa mga kausap nila ay wala silang napapansing kasamang babae ito. Mag-isa lamang daw ito pag lumalabas at umaalis. Naguguluhan talaga sila sa takbo ng kaso. Paano kung hindi nga talaga kasama nito ang babae? Paano kung nililito lang sila nito? Ang tanong asan ba talaga si Sabel Montero?