Are You Virgin?

2509 Words
MARIA "ITO ang master's bedroom. Ang gusto ni Aurora ay laging malinis ang master's bedroom maging ang kanilang comfort room. Palaging dapat kinukuskos ang bathtub nilang mag-asawa." Iginiya ako ni Mathilde, ang mayordoma ng mansyon, sa banyo kung saan nakita ko kung gaano iyon kalawak. Ito'y halos kalahati na ng lawak ng kanilang master's bedroom. "Hindi ka maaaring pumasok upang maglinis dito kung narito sa kwarto ang kanyang asawa. Pero pwede ka lang maglinis kapag narito si Aurora." "Bakit po? Selosa po ba ang may-bahay?" simple kong tanong habang nakatitig sa matanda na sa palagay ko ay nasa edad 55 pataas na. Malaki siyang babae at iyon ang dahilan kaya mabagal ang kanyang paglakad. Halos puti na rin ang kanyang mga buhok ngunit bumagay iyon sa kanya. "Hindi naman. Ngunit syempre, kailangan mong magkaroon ng delikadesa, hija." Tumitig siya sa aking mga mata. Kita ko sa kanya ang pagiging istrikta sa kilos ng kanyang mga kamay at maging sa kanyang pagtitig sa akin. Nakapustura siya sa suot niyang itim na blusa at pulang palda na lagpas tuhod ang haba. She's wearing a pair of pearl earings at gold necklace. Mataas ang kanyang mga kilay na parang alaga sa ahit at tamang drawing ng pencil eyebrows. She's also wearing a red lipstick na mas lalong nagbigay sa kanya ng mataray na aura. "Halika rito at ituturo ko sa'yo ang mga dapat mong linisin," aniya. Sumunod naman ako sa kanya. Walang ibang kulay ang master's bedroom kundi itim at pula. Ang kanilang comforter ay kulay itim, ang bedsheets at mga unan ay kulay pula. Ang mga kurtina ay nag-aagaw ang kulay maroon at pula. Ang kulay ng kwarto ay near black ngunit mayroong touch of Gray. Kulay itim ang mga leather sofa sa tabi maging ang mga mesa at iba pang nilalaman ng master's bedroom. Malalaki rin ang bintana ng kwarto at mayroon itong balcony kung saan naroon ang dalawang malalaking furniture chairs at isang mesa na mayroong isang tanim na cactus. "Kailangan palaging maayos ang comforter at bedsheets maging ang mga unan. Kada tatlong araw ay dapat napapalitan ang mga ito at kailangang madala sa laundry area. Hindi naman ikaw ang maglalaba kaya't walang problema. Metikuloso ang asawa ni Aurora kaya't huwag kang makampante sa basta-bastang trabaho." Paalala pa niya bago plantsahin ng kanyang palad ang nagusot na bahagi ng comforter sa kama. Tumango lang ako at nakikinig pa rin sa kanya habang magkahawak ang aking mga kamay. "May tanong ka ba?" tanong niya. "W-wala po Ms. Mathilde." Taas-baba ang tingin niya sa akin kaya't kinagat ko ang ibabang labi ko at ang mga kamay ko ay agad na hindi mapakali kaya't itinago ko ang mga iyon sa aking likuran. Nakaiilang ang mga tingin ng mayordomang ito na para bang kinikilatis niya ako ng mabuti. Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso. "Sigurado ka bang marunong ka sa trabahong bahay?" may pag-aalinlangan niyang tanong sa akin. "O-opo, Ms. Mathilde," sagot ko naman na naiilang pa rin. "Mukha ka namang may kaya. Pero sige, hindi naman ako ang sisisihin sa pag-hire sa'yo dahil mismong ang may bahay ang pumili sa'yo." Sabi pa niya saka umiwas ng tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. MATAPOS niya akong ilibot sa mga lugar kung saan ako maglilinis, magtatrabaho at maglalagi bilang isa sa mga kasambahay ng mansyon ay saka niya naman ako dinala sa aking magiging kwarto. "Ito ang magiging kwarto mo. Maswerte ka dahil ang may bahay mismo ang nagsabi na dito ka patitirahin. Iba ka sa lahat ng mga kasambahay dito dahil ikaw pa lang ang nakapasok sa kwarto na ito simula nang tirahan na nila ang mansyon na ito. Gusto kasi ng may bahay na malapit ka lang sa kanilang anak na nasa kabilang kwarto lang ng ikalawang palapag na ito." Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Kumpleto ito. Mayroong kama, mayroon ding banyo, mayroong sariling cabinet at isang silya at mesa sa loob. "Bago kita iwan dito ay gusto ko munang bilinan ka sa ilang mga bagay na dapat mong malaman at gawin." Tumayo siya sa tabi ng bintana at saka tumanaw sa malayo mula sa bukas na kurtina. Nananatili akong nakatayo lang at nakikinig sa mga susunod niyang sasabihin sa akin. "Buksan mo ang cabinet na iyan at nariyan ang mga magiging uniporme mo sa pang araw-araw." Pagkasabi niya niyon ay binuksan ko ang cabinet na nasa tabi ng kama. Naroon nga at nakasabit ang mga susuotin kong uniporme. "Kumuha ka ng isa at isuot mo at nang makita ko kung fit sa'yo." Walang kibo kong kinuha ang isa at saka ako naiilang na pupunta sana sa loob ng banyo upang magpalit ngunit nagsalita siyang muli dahilan para matigil ako. "Hindi mo kailangan pumasok sa banyo dahil babae rin ako. O baka naman mayroon kang itinatago na hindi ko dapat makita?" paninita niya sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya sa akin at bago ko siya tingnan ay nakatingin na pala siya sa akin at nakatitig ng masama. "W-wala naman po akong tinatago Ms. Mathilde." "Kung gayon, bakit naiilang ka sa akin?" "Nahihiya lang at natatakot po ako," simpleng sagot ko sa kanya. "Sige na. Magbihis ka na," ma-autoridad niyang wika. At habang isinusuot ko ang blusang kulay itim at ang palda na kulay itim din ay nagsalita siyang muli. "Huwag na huwag kang magkakamaling magtiwala ng lubusan sa pamilyang ito," malalim ang boses niya at tunog na nagbibigay babala. Nagpatuloy lang ako habang nakikinig sa kanya. "Mag-iingat ka sa bawat kilos mo. Hindi ka rin dapat pumapayag na inaapi ka. Hangga't alam mong tama ang ginagawa mo ay huwag kang magpapahawak sa kanila sa leeg," dagdag pa niya. Sa mga sinabi niya ay mas lalo akong nagkakaroon ng determinasyon na gawin ang mga plano ko. At nang dahil sa kanyang mga sinabi ay para akong nakahanap ng kakampi sa mansyon na ito. Nang matapos kong isuot ang aking uniporme ay tumingin ako sa malaking salamin na nakasabit sa tabi ng bintana. Naglakad siya at saka tumayo sa aking likuran. Tiningnan niya ang repleksyon ko sa salamin. "Hindi gusto ng may bahay na hindi ka nakapusod ng buhok. Kaya't panatilihin mong malinis at maayos ang pagkakapusod ng iyong buhok," aniya. Kung kaya't inayos ko ang aking buhok, una'y ang pagsusuklay at ang pagpupusod niyon. Habang ginagawa ko iyon ay kinuha niya mula sa drawer ng lamesa ang press powder at ang isang lipstick saka inabot sa akin. "Mas lalong ayaw ng may bahay na mukha kang walang dugo at maputla. Kaya't ayusin mo utang hitsura mo sa pamamagitan nito," dagdag pa niya. Kaya naman ginawa ko ang lahat ng sinabi niya hanggang sa matapos iyon at tanging ang pagkilatis na lang niya ang gagawin ko. "Mahusay. Ganyan nga. Ganyan dapat ang magiginf hitsura mo sa araw-araw. Isa pang bilin ko ay huwag na huwag kang lalapit kay Javier, tanging si Aurora at ang bata lang ang iyong kakausapin. Pwera na lang kung mayroong mahalagang iuutos sa'yo, maliwanag ba?" "Opo, Ms. Mathilde." Tumingin pa siya sa akin at nang makita niya na above the knee ang aking suot na unipormeng palda ay saka siya napailing. "Hindi ko maunawaan si Aurora kung bakit ganito ang kanyang piniling isusuot mo. O sinadya mo lang na ibigay ang sukat na ito nang tanungin ka ng agency?" Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam ang tamang size na sinasabi niya dahil hindi ako ang dapat na narito. Narito ako dahil sa plano ko. "Siguro po ay ito talaga ang nais ng may bahay na maging fit ng aking mga uniporme Ms. Mathilde." Napatikhim siya saka iginiya naman ang tingin sa aking dibdib na kita ang aking cleavage mula sa suot kong blusa. "Huwag mo ring hahayaan na nakalantad ang iyong hinaharap. Magkaroon ka ng kahihiyan sa amo mong babae at lalo na sa kanyang asawa," wika pa niya bilang paalala. Kaya naman inayos kong mabuti ang aking suot bago ako muling tumindig ng maayos at nang makita niya ako ng mabuti. "Bueno, iiwan na kita rito. Ayusin mo na ang mga kagamitan mo at maghanda ka dahil maya maya lang ay darating na ang mag-asawa at ang magiging alaga mo. Walang oras ng pahinga sa araw na ito dahil sa pagdating nila." "Opo Ms. Mathilde. Siya nga po pala." Hinabol kong hawakan ang kanyang kamay bago siya makalabas ng kwarto. "Ano iyon?" "Maraming salamat po sa mga paalala ninyo, Ms. Mathilde." Tumingin lang siya sa akin bilang ganti saka siya nagpatuloy sa pag-alis. Nang tuluyan nang lumapat ang pintuan ay saka ko iyon ini-lock at tumingin sa kapaligiran kung mayroon bang CCTV o kahit na anong nakakabit na camera sa kapaligiran. Matapos kong masiguro na walang nakakabit na kahit na ano sa loob ng magiging kwarto ko ay nakampante ako. MABILIS lumipas ang sandali, naghanda na ako para sa pagdating ng pamilya Alvarado. Unang beses nila akong makikita maging ang aalagaan kong bata na nagngangalang Lyka. Naka-abang na ako sa sala at kasama ko ngayon si Ms. Mathilde, ang mayordoma. Papasok na sa loob ng bahay ang pamilya. Buntis si Aurora at ayon sa mayordoma ay galing sila sa monthly check up nito. Hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa mansyon at saka ako tumingin sa kanila. "Magandang hapon po," mahina kong bati. Naagaw ng pansin ko ang asawa ni Aurora...si Javier. Sa kanyang tindig at porma ay marami pang babae ang magkakandarapa sa kanya. He is wearing a linen shirt na bukas ang tatlong butones kaya't hantad ang kanyang matipunong dibdib. Though, he is wearing sunglasses na bumagay sa kanyang hotness, alam kong nakatingin siya sa akin. His Adam's apple moved up and down kaya't alam kong napalunok siya. "Who is she?" tanong ng bata na nakahawak sa kanyang ina. "Are you Maria?" Aurora asked na nakangiti. "Y-yes po, madam," mahina kong wika. "Wow. That's great. You're finally here." Lumapit siya sa akin at saka niya ako hinawakan sa aking balikat at ihinarap sa kanyang mag-ama. She seems nice and kind with her aura. She's wearing a red maternity dress and with just her approach, I guess that she's in her early 30s. "Daddy, baby, she's Maria. She will be our new personal maid upstairs. I didn't inform you about her since I want it a surprise," nakangiting wika ni Aurora. "She's beautiful, mommy. Unlike the other maids before. I like her," nakangiting wika ni Lyka na sa palagay ko ay nasa edad 5 o 6 na taong gulang. Nakangiti kaming lahat except one ... her daddy. "I'm tired. Mauuna na ako," he said. He has this cold voice that can turn every listener into ice. Damn. He's more gorgeous than I have ever thought. Kahit pa mukha siyang strikto at masungit. "Don't worry, my husband is a kind and responsible person. Pagod lang iyon, Maria," pagbawi ni Aurora. "O-okay lang po madam," kunwari ay nahihiya kong tugon. "Manang, did you tour her sa taas?" and then she asked Ms. Mathilde. "Tapos na Aurora. Nasabi ko na rin ang mga dapat niyang gawin at mga hindi dapat." Saka tumingin sa akin si Ms. Mathilde ng may ibig sabihin. "Mabuti kung gano'n. So, maybe you could start working now, Maria. Come," pag-anyaya niya sa akin. Nauna siyang umakyat sa hagdan at si Lyka naman ay humawak sa kamay ko at magiliw na sumunod sa kanyang mommy. "So, you're Maria. You have a nice and simple name ha," wika ng bata. "Salamat Lyka," sagot ko naman habang akay ko siya. At katulad ng inaasahan ay ginawa ko na ang dapat gawin. I took her upstairs on her room, agad ko siyang pinaliguan dahil iyon ang bilin ng kanyang mommy, so, it's expected na mababasa ako. Inside the comfort room, habang sinasabon ko si Lyka at nagkukwento siya sa akin tungkol sa kanyang mga talents, nakaluhod naman ako at basa na ang kalahati ng aking suot na palda. Nakalantad na rin ang aking hita nang dahil doon. "You know yaya, I received five stars from my teacher because I...oh, daddy!" Natigil siya sa kanyang sinasabi nang makita niya ang kanyang ama na nakatayo sa tapat ng pintuan ng banyo. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sentro ang direksyon ng kanyang mga mata sa aking hita bago siya tumitig sa akin. He is wearing a white fitted sando na humapit sa kanyang matipunong katawan and a black jogging pants. Hawak ng kanyang kanang kamay ang baso ng wine at ang kanyang kaliwa naman ay nakapamulsa. "Don't you know that taking a shower while you are still tired can make you feel sick?" malalim ang boses niya nang sabihin niya ito sa akin. "S-sir...bilin po iyon ni ma'am," sagot ko. Uminom siya ng wine saka iyon parang tinikman muna bago siya muling magsalita. "I am the father of this household and all decisions should always come from me," ma-autoridad niyang wika. "S-sorry po." Yumuko ako. In my peripheral view, nakikita ko siyang tumitingin sa aking hita habang ako naman ay pilit tinatapos ang pagpapaligo sa bata na ngayon ay tahimik na. "After that, you proceed to my office," bilin niya. "Can I come with her daddy?" Lyka asked. "No baby. Your mom needs you in her bed, she's not feeling well. Let Maria come alone, okay?" biglang naging malambing ang boses niya sa kanyang anak. "Okay daddy." Bago umalis ang arogante ngunit gwapong lalaki sa kinatatayuan nito ay muli na naman siyang sumulyap sa aking hita bago ubusin ang kanyang wine. In my mind, I guess my plan will become that easy dahil nakikiayon sa akin ang sitwasyon ngayon. MATAPOS kong paliguan at paliguan ang bata ay agad akong pumunta sa opisina ni Javier Alvarado, sa last room ng pasilyo ng ikalawang palapag. Hindi na ako kumatok dahil naka-uwang ang pintuan niyon. "Good evening sir," bati ko. Madilim ang opisina dahil isang dim light lang ang bukas. He is sitting on his swivel chair habang prenteng naghihintay sa akin. Tumayo ako sa harapan niya at ngayon ay para akong hinuhubaran ng kanyang mga mata. "How old are you?" he asked. Sumandal siya sa kanyang upuan at saka nagbago ang aura ng kanyang mukha. He looked so interested to me. "Bente cinco anios po ako, Sir Javier." Napakagat-labi ako at saka ko itinago ang mga kamay ko sa aking likuran. Hindi ako direktang makatingin sa kanyang mga mata. "Look at me when you answer my questions, Maria," mahina ngunit ma-autoridad ang kanyang boses. "Sorry sir." Agad akong nag-angat ng mukha at tumingin sa kanya. Para akong matutunaw sa paraan ng kanyang pagtitig. Nakakaakit tingnan ang kanyang tumutubong balbas, maging ang mapula niyang mga labi. If I were to guess his age ay baka nasa edad 38 na siya. And I can't deny that I am so attracted to older men. Nagkatitigan lang kami hanggang sa parang pinapasok niya ang kaluluwa ko gamit lang ang kanyang makapanindig-balahibong titig. Hanggang sa gumuhit sa kanyang labi ang pilyo ngunit nakakalokang ngiti. Damn that hot smile. It makes my black lace panty loosen. And the next question made my bra unhooked. "Are you virgin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD