Maria turns to Lucia

2145 Words
MARIA "CAN YOU please undress for me?" Napipi ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko mahagilap ang tamang salita upang tumugon sa kanyang nais. Wala akong masabi. "Maria," sambit niya sa aking pangalan. Napayuko ako at nang bigla siyang lumapit ay para akong na-estatwa mula sa aking kinatatayuan. Para bang dumikit ang mga talampakan ko sa sahig at hindi ko na iyon matanggal pa. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang kamay at saka niya hinaplos ang aking pisngi. Umiwas ako sa kanya at damang dama ko ang pagtambol ng dibdib ko nang dahil sa nerbyos na aking nararamdaman. "You said, you will do everything that I tell you to do, nakalimutan mo na agad?" Halos pabulong niyang wika saka niya muling hinaplos ang pisngi ko. Ngayon ay naka-atras na ako at humakbang ng dalawa palikod. "Aalis na po ako kung wala na kayong ipag-uutos," paalam ko. "Maria!" Tumaas ang tono ng boses niya saka siya tumindig na puno ng awtoridad. Nasindak ako, sa unang pagkakataon ng buhay ko. "Sir, hindi po iyan kasama sa serbisyo na kaya kong ibigay sa inyo," sagot ko. Nanatili siyang walang imik at nakatitig lang sa mga mata ko at tila ba sinusukat niya ang aking lebel ng takot sa kanya. "Ikaw ang may sabi na gagawin mo ang lahat, Maria," aniya. "Pero sir...hindi po sa ganoong paraan," sagot ko sa kanya. "You know what I meant when you answered my question. Don't play dumb here, Maria." "May asawa na kayo sir, at buntis pa. Huwag niyo siyang pagtaksilan," nagawa ko pa siyang pagsabihan. "Sino bang may sabi na pagtataksilan ko ang asawa ko, Maria?" "Sa mga galaw at nais mong mangyari sir, pinagtataksilan niyo na ang asawa niyo." "Who are you to lecture me about treating my wife?" "Sorry sir," sagot ko. "Now, get undressed for me, Maria!" muli ay nagtaas siya ng boses. And so, naubos na ang lahat ng determinasyon kong inipon para sa araw na ito. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa utos niya. Kaya't kahit labag sa aking damdamin ay unti-unti kong tinanggal ang butones ng aking blusa at saka iyon kusang nahulog na lang sa balat ko nang dahil sa tela niyon. Unti-unti akong nag-angat ng tingin habang siya ay titig na titig sa aking mayamang dibdib. Nababalot pa iyon ng kulay itim na bra ngunit parang hantad na iyon sa kanya. "Is that it? Hindi pa nauubos ang saplot mo, Maria," pormal niyang wika na parang wala lang ang lahat sa kanya. Buong lakas ng loob kong hinawakan ang hook and eye ng aking suot na palda at nang unti-unti ko na iyong tanggalin ay napapikit pa ako sa sobrang galit at nerbyos. Ngunit bago pa man mahulog paibaba ang suot kong palda ay nakarinig na ako ng mahihinang katok sa pintuan na dahilan para mapukaw ang atensyon naming dalawa. Natigil siya sa kagustuhan niyang makita ang katawan ko nang dahil sa tao sa labas ng opisina na ito. Kaagad kong pinulot ang nahulog kong blusa at nagmadali akong isuot iyon. "May utang ka sa akin, Maria. Hindi pa tayo tapos." Wika niya sabay lakad patungo sa pintuan kahit pa hindi ko pa naisusuot ng mabuti ang aking blusa. "Javier, kanina ka pa tinatawag ng asawa mo, narito ka lang pala, hijo." Boses iyon ni Ms. Mathilde at alam kong nakita na niya ako mula sa labas dahil tapat lang ng pintuan ang kinatatayuan ko. Agad akong lumingon at nagtangkang magpaalam na ngunit bilugan ang mata ni Ms. Mathilde na tumingin sa akin na parang nagtataka kung bakit ako nandito. "Kinausap ko lang siya tungkol sa mga dapat niyang gawin at tandaan sa pamamahay ko," si Sir Javier ang unang nagsalita. Napalunok ako at napayuko dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon ni Ms. Mathilde. Huli na nang mapansin kong hindi tugma ang pagkakabutones ng aking blusa kaya't hindi iyon pantay. Nakatingin lang si Ms. Mathilde sa hitsura ko at alam kong alam niya rin kung ano ang nangyari kanina. "Lalabas na po ako," paalam ko. Ngunit humarang si Ms. Mathilde. "Bilang mayordoma ng pamamahay na ito simula pa noon, Javier, ako na ang nagpapaalala sa mga kasambahay sa kung ano ang dapat nilang gawin. Trabaho ko na iyon kaya't huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon pa," aniya. "Wala na ba akong karapatan para paalalahanan ang mga tao ko Manang Mathilde? Hindi ba't anak at asawa ko ang kanyang toka? Nararapat lang na paalalahanan ko siya," sagot ni Javier. Walang kibong tumingin muli sa akin si Ms. Mathilde at saka siya gumawa ng daan sa pagitan nila upang makalabas na ako. "Dumeretso ka sa silid mo Maria, mag-uusap tayo," bilin niya. Iyon lang at wala na akong ibang narinig kundi ang mga mahihinang yabag ng paa sa madilim na pasilyo ng ikalawang palapag ng mansyon. KAAGAD akong pumasok sa loob ng kwarto ko at napasandal ako sa pintuan habang yakap ang sarili ko. Kaagad na ring bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nawala ang lahat ng tapang ko kanina sa harapan ni Javier at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makapasok na ako sa kwarto ko. Kung hindi lang para sa mga magulang ko ay baka mapag-isipan kong umalis na lang dito sa pamamahay na ito. Tumulo na ang mga patak ng luha mula sa aking mga mata kaya't nang tuluyan na ngang mangyari iyon ay hinayaan ko nang ako ay maiyak. Maya maya ay mayroong kumatok sa pintuan at alam kong si Ms. Mathilde iyon. Kaagad akong nagbukas ng pintuan at saka ko siya pinapasok. Ngunit nabigla ako nang pasalubungan niya ako ng sampal sa pisngi dahilan para masapo ko ang aking pisngi. Narinig ko na lang na sumara ang pintuan at nang lingunin ko siya ay galit na galit siyang nakatingin sa akin. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Hindi ba't sinabi kong mayroong hangganan ang trabaho mo? Bakit ka pumasok sa opisina ni Javier? Nagkulang ba ako sa paalala sa'yo?" At naalala ko nga ang tinuran niya nang sabihin niyang huwag akong magtitiwala sa kahit na sino sa pamilya nila. Humikbi ako at tila ba nakahanap ako ngayon ng kakampi. "Ms. Mathilde..." ang tangi ko lang nasambit. "Huwag kang umiyak. Hindi ko kailangan ng iyak mo. Huwag kang magpakita ng kahinaan sa kanila. Hindi mo dapat ipinapakita na mahina ka. Dahil kapag nakita nilang mahina ka ay madali ka na lang nilang tatapakan. Ayusin mo ang sarili mo at kailangan mong lumaban," mahina ang boses niya ngunit sapat na iyon upang marinig at maunawaan ko ang nais niyang sabihin sa akin. Sapat na rin ang mga paalala na iyon upang maalala ko ang tunay na pakay ko sa pamilyang ito. Kaya't kaagad kong pinunasan ang mga luhang pumatak at dumaloy sa aking pisngi at inayos ang aking sarili. Namutawi ang katahimikan sa loob ng kwarto ko hanggang sa magsalitang muli si Ms. Mathilde. "Kumain ka na ba?" Umiling lang ako bilang tugon. "Kumain na ang pamilyang iyan. Halika na at sumabay ka na sa akin. Kailangan mong kumain dahil lakas ang panlaban mo sa trabahong pinasukan mo." Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman wala na akong iba pang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya hanggang sa kusina. MATAPOS kong maghapunan ay nadama ko na rin kaagad ang pagod ko. Kaya naman matapos kong iligpit ang mga plato ay agad na rin akong umakyat upang maligo at makapagpahinga. Naisip kong hindi muna ako dapat magpadalos-dalos sa mga plano ko. Kailangan ko munang aralin ang bawat parte ng mansyon na ito, kailangan ko ring pag-aralan at alamin muna ang mga kahinaan ng mga myembro ng pamilya kaya't hahayaan ko lang muna na ganito ang aking magiging mukha sa kanila ---mahina, sunud-sunuran at inosente. KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nakaligo na ako at nakasuot na ng uniporme. Kailangan ko rin kasing gisingin ang aking alagang si Lyka at ihanda siya sa kanyang pagpasok. Ayon sa kanyang ina ay ako ang sasama sa kanya sa paghahatid papuntang school kaya naman kailangan kong patunayan na kaya ko. Bukas naman ang kwarto ng bata at hindi iyon naka-lock kaya't nang makapasok na ako ay agad ko na rin siyang ginising. Natural sa bata ang matagal gisingin ngunit naiinis ako sa mga batang makulit kaya't gumawa ako ng paraan para mapabangon siya kaagad. "Lyka, bumangon ka na," malumanay kong wika. "Yaya, I am still sleepy!" daing niya. "Gusto mo bang mag-sleep ka na lang forever, Lyka?" Malambing pa rin ang boses ko pero puno ng inis at galit ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya at nakaupo sa gilid ng kama. "Yaya! I told you that I am still sleepy," aniya. "So, do you want to sleep forever?" Bigla kong napataas ang boses ko dahilan para mapabikwas siya ng bangon. Nagulat siya sa sinabi ko. Kaya naman kasing bilis pa ng alas-kwatro ay tumayo na siya at kaagad pumasok sa CR. Kaya naman pinaliguan ko na rin siya. ----- "AKO na ang magmamaneho sa kanila papasok sa school. Alas nuwebe pa naman ako papasok sa opisina kaya't may oras pa." Ito ang wika ni Javier nang hindi pa dumarating ang family driver na maghahatid sana sa amin ni Lyka sa school. "Oh siya sige, daddy. Baka mahuli na si Lyka sa school niya. Mayroon pa naman siyang declamation ngayon," wika naman ng buntis niyang asawa. Ako nama'y nananatiling walang kibo habang hawak ang bag ng bata. "Maria, ikaw na ang bahala sa kanya ha? Sunduin mo na lang din siya mamayang hapon, medyo masama ang pakiramdam ko," ani Aurora na ngayon ay nakapantulog pa. Nakatayo kaming lahat sa malaking sala ng bahay habang hinihintay si Javier na ilabas ang sasakyan. Nang handa na ay humalik na ang bata sa kanyang ina at saka kami umalis. Pinasakay ko ang bata sa likod sa tabi ko at mula sa rear view ng salamin sa harapan ay nararamdaman kong nakatingin sa akin si Javier habang hindi pa kami umaalis. Nakasuot siya ng sunglasses kaya't hindi ko makita ang mga mata niya. Simpleng white fitted shirt ang suot niya at jogging shorts, hot pa rin tingnan. He has this poker expression kaya't hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. "Ready baby?" he asked his daughter. "Yes daddy!" Kaya't hinatid na namin ang anak niya sa school. Makalipas ang ilang sandali ay naihatid na namin ang bata sa gate ng school at humalik na rin ito sa ama bago tumakbo paalis. Wala akong kibong binuksan ang pintuan ng kotse sa likod ngunit agad namang hinawakan ni Javier ang kamay ko. "Who told you na diyan ka uupo? You should sit beside me," ma-autoridad niyang utos. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Hindi pa man kami nakakalayo sa daanan ngunit parang ang tagal ko nang nakasakay sa kotse niya. Kapwa kami walang imik. Ngunit bigla na lang huminto ang kotse sa isang walang katao-taong lugar at nagulat ako nang dahil doon. "Ano pong ginagawa natin dito, sir?" tanong ko sa kanya. Mayroong namimintong pagkabog sa dibdib ko ngunit ayaw kong iparamdam o ipakita man lang sa kanya dahil sa oras na mahalata niya iyon ay lagot ako. I can say that he can smell fear. Kaya't kailangan kong mag-ingat. "Nakalimutan mo na bang mayroon kang utang sa aking kagabi?" Malamig ang boses niya nang sabihin niya ito at nakatingin lang siya sa daanan habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Napakagat-labi ako at para bang hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa kanya. "Maria, you have to do what I said, iba ako kung magalit." "Sir...I...I can't do what you want me to do." "Maria!" Tumaas ang boses niya at napalo ng kanyang kamay ang manibela dahilan para magulat ako sa kanya. Nayakap ko ang sarili ko at ngayon ay tila ba nabuhay ang galit sa akin kumpara sa takot. Kung tinatawag niya akong Maria, ngayon naman ay nagising ang pagiging Lucia ko. Agad akong tumingin sa kanya at nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ay kaagad kong naisaulo ang plano kong manggulo ng pamilya. "Do you really want to see me naked?" nag-iba na ang tono ko. "Damn, yes!" he replied. "Then, you have to promise me one thing," I said with a dominant voice. "You can't make me do what you want, Maria. Ako ang dapat nasusunod." "You'll do what I want and I will do what you want. That's plain and simple, Sir," may diin ang pagkakasabi ko ng Sir sa kanya. "You're one tough woman, huh? Alright, what is it that you want me to do for you, Maria?" I bit my lower lip and then tiningnan ko siya ng mariin bago sabihin ang unang level ng plano ko upang mabaliw ko siya sa akin ng husto. "Have s*x with me, Javier." "Fvck!" Napamura pa siya. Ngayon, makikilala niya ang tunay na Maria...hindi ako mahina, pumapatay ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD