CHAPTER 1

1326 Words
"Jan Jan sandali lang naman wag mo akong iwan." "Bagal mo kasi Ken ken, ang lamya mo." sabi nito sakin habang nag mamadaling sinusundan ang isang babaeng natipuhan niya sa school. Hindi ko na ito sinagot at dali dali akong sumunod dito. Ako pala si Kenny Madrigal at yung lalaking kausap ko ang kababata ko s***h crush ko na mahal ko. Pero secret lang natin yun. Wala kasi akong ibang kakilala dito sa school, bagong salta lang ako dito. Ang school nila ay exclusive para lamang sa mga mayayaman, swerte ko lang at naka pasok ako dahil sa scholarship exam na tinake ko. Ang school na ang bahala sa lahat ng kailangan ko. Allowance, dorm pati narin ang uniform ko, libre narin ang pag kain ko sa cafeteria kailangan ko lang ipakita ang Id ko. Ang school na ito ay may sariling dorm, dorm na mala hotel room at bawat mag aaral ay tig iisa ng kwarto. Ang swerte ko nga e, sa dinami dami ng nag take ng exam ay isa ako sa naka pasa, at take note ako pa ang nag rank 1, kaloka hindi naman ako nag mamayabang. Dalawa nalang kami sa buhay ni tatay, kaya gumawa ako ng paraan para matulungang mabawasan ang gastusin namin sa araw araw, sabi raw ni tatay matagal na kaming iniwan ni nanay, ng hindi man lang nag papa alam. Kaya mag isa niya akong tinaguyod hanggang ngayon, mahal na mahal ko ang tatay ko , kaya nag sisikap ako saking pag aaral. Kami ay taga Northern Samar at nang mabalitaan ko ang full scholarship offer ay hindi na ako nag patumpik tumpik pa na mag baka sakali upang mag exam dito. Kailangan kong iwan si tatay dahil ang school ay nasa maynila, walang namang tutol si tatay sa oportunidad na dumating sakin kaya ngayon ay nakikipag saparalan akong mag isa dito sa maynila. Isa din sa mga dahilan kung bakit ako nag baka sakali na makapasok sa paaralang ito ay dahil kay Jan Michael Montallana, si janjan. Mas lalong lumaki ang pangangatawan nito maging ang kanyang kagwapuhan ay mas lalong nadag dagan, kaya nga kilala siya dito sa school. Kung tatanungin niyo naman ang itsura ko ay simple lang ako, Maputi ako dahil nag mana daw ako kay nanay sabi ng tatay ko, maliit na matangos na ilong, maninipis na labi, may kasingkitang hugis ng mata at ang pinaka gusto ng mga kaibigan ko, ang mata kong hazel nut brown. Sa pangangatawan ko naman ay hindi ganun kalaki, sabi nga nila na ang hulma ng katawan ko ay hindi pang lalaki kundi pang babae, may napapansin rin akong pag laki ng dibdib ko maging ang balakang ko. Sa una ang akala ko ay abnormal ako, kaya naisipan namin ni tatay na ipatingin sa specialista ang lagay ko, isa ako sa mga tinatawag na hermaphrodite o sa madaling salita ay nag dedevelop ako ng pang babaeng katangian. Hindi na namin pinag sabi ni tatay ang lagay ko at hinayaan nalang ang pag babagong nagaganap sakin, hindi naman daw ito makaka sakit sakin sabi ng doctor. Isa narin itong biyaya sakin dahil pusong babae rin naman ako hahaha. Matapos akong iwan ni Janjan upang sundan ang babaeng natipuhan niya ay hindi ko na alam ang dapat kung puntahan. Unang araw ngayon ng pasok at sinadya ko talaga pumasok ng maaga para mahanap ko ang room ko, sakto rin namang nakita ko si Janjan kaya sinundan ko ito. Habang nag lalakad ako sa malawak na paaralan na ito ay may lumapit sakin na isang bakla. "Hi sis, pwede mag tanong?" sabi nito sakin "Ah bakit po? ano po yun?" takang tanong ko dito "Anong hormones mo?" sabi nito "Hormones? Malamang testosteron!" sabi ko naman dito "Gaga, what i mean kung anong pills or injectable gamit mo." "Ay wala naman po, bakit po?" "Ay wag mo akong echosen bakla, yang katawan na yan, wala. Wag mo akong lokohin sis" natatawa nitong saad sakin "Wala nga po talaga" "As in? kaloka ka Sige ikaw na ang biniyayaan. Atsaka parang bago kalang dito ah, transferee kaba?" tanong nito sakin "Ay opo, 3rd year na po ako ngayon." sagot ko dito "Oh same year level lang pala tayo. By the way Im kyle, but call me kyla" pag papakilala niya "Hi po ako pala si Kenny" pakilala ko dito "Saka wag mo na akong e po, for sure same age lang tayo, ilan taon kana ba?" "13 years old." "Seryoso? Dedma isang taon lang naman tanda ko sayo kaya keri nayan. Anong section kaba?" "Gold, ikaw?" "omg Gold din ako, tara gora na tayiss baka ma imbyerna ang teacher natin sa late" Agad kaming pumunta sa classroom, buti nalang at classmate ko si Kyle este Kyla kaya hindi na ako nahirapang hanapin ang room ko. Pag kapasok na pag ka pasok namin ay nakita ko agad ang mga babae na naka taas ang kilay sakin, at mga lalaki naman ay naka titig sakin, nahiya ako kaya napa yuko ako at pinamulahaan ng pisngi. Hindi nag tagal ay pumasok narin ang teacher namin, naupo ako katabi ni Kyle tutal besty naman kami kaya kailangan tabi kami. Hindi pa nga nakaka pag salita ang teacher ay may pumasok sa room. "Sorry Ma'am, I'm late." sabi nito Napa tulala ako sa nakita ko at inisip kung nananaginip ba ako o hindi. Classmate ko mismo si Janjan ang lalaking dahilan kung bakit ako nag baka sakali sa pag take ng exam Si Jan Michael Montallana, pansin kung nag si kislapan ang mata ng mga babae na tila naka kita ng mamahaling palamuti, ala tupa ang aamo ng kanilang mukha na nag papa cute kay Janjan, hindi naman ito pinansin ni janjan at umupo sa nag kukumpulang mga lalaki at nakipag apiran pa dito. Nag simula ng mag salita at mag pakilala ang aming adviser, at alam na alam ko ang susunod na mangyayare ay ako na ang mag papakilala. "We have a transferee, please come in front at mag pakilala." sabi ni Ma'am Olegario Naka yuko akong nag lakad papuntang unahan, at tiningnan ang aking mga kaklasi bago nag salita. "Hi, I'm Kenny Madrigal. I'm 13 years old. Sana maging kaibigan ko kayo lahat." At ngumiti ako sa kanila, nakita kung nag si taasan ng kilay ang mga babae kong ka klasi at ang mga lalaki naman ay mariing naka titig sakin, samantalang si Janjan ay walang reaksiyon. "Okay class If you have question with Ms - Mr. Madrigal now is the perfect time to ask" sabi pa ni ma'am Isa isang nag si taasan ng kamay ang mga kaklasi ko. "Are you a scholar?" tanong ng isang babae, maganda ito at halatang halata na mayaman "Opo" "Are you a girl or a boy?" takang tanong ng kaklasi kong lalaki "Boy po." "E bakit, mukha kang babae pati katawan mo pati boses mo." "Hindi ko din po alam." "Bakit ang bata mo pa? I mean like diba usually 14 years old dapat ang 3rd year highschool students?" maarteng tanong ng isa pa "Accelerated po ako"  sagot ko dito Napa woah ang mga kaklasi ko at ang mga lalaki ay nag hiyawan. "Are you gay?" tanong ni Janjan, nananadya talaga siya, alam na niya ang kasarian ko kaya bakit pa siya nag tatanong. "That's too personal Montallana" saway naman ni ma'am Ngumiti nalang ako sa mga kaklasi ko at kitang kita ko ang mga titig sakin ng mga kaklasi ko lalong lalo na ang mga lalaki, may halong pag tataka at pag ka aliw. Nag patuloy ang unang araw ng pasok namin at masaya naman ako dahil hindi ako nag iisa at kasama ko ang bagong kaibigan ko na si kyle. At nang nag uwian na sa kanya kanyang kwarto ay nalaman namin, mag kasing building kami yun nga lang ay nasa 4th floor ako at siya ay nasa 3rd floor, pero masaya parin kami dahil kahit papano ay mag kalapit lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD