CHAPTER 3

3539 Words
I started laughing, "Talaga? edi mag-handa na rin s'ya kung may binabalak s'yang kagagohan". Nag-usap lang kami ng saglit dahil uuwi na raw sya. May plano rin pala syang ihatid ako ano, akala ko kadi makikipag harutan pa sya kay Joseph. I was busy thinking on ano ang gagawin ko, tapos na ako mag book for may travel. Alas8 palang ng gabi, aalis nalang siguro ako makayang alas12 kasi paniguradong traffic nanaman baka ma-late pa ako sa flight ko. I sighed, pinag-iisapan ang sinabi nina Justine na mag transfer nalang dito. Mag-a-adjust nanaman ako kung gan'on at madadagdagan lang ang mga taong kaiinisan ko. Pero kung dito ako magtatapos ng law school at mag iintern maganda rin iyon dahil dito rin naman ako pagkatapos ko grumaduate para mamahala sa kompanya at sa board exam. Pinilig ko ang ulo ko, kakausapin ko sina mama pag-uwi ko. Busy ako sa pag scroll sa cellphone ko ng may kumatok, hysterical pa talaga pagkakatok akala mo naman may emergency. Ini-expect ko ng si Krystal iyon. Binuksan ko iyon ngunit si Tere ang andoon, "Ma'am, may naghahanap po sainyo sa baba. Di po kasi kayo sumasagot kaya akala namin ano nangyari sayo" saad nito at yumuko. "sge baba na ako, salamat". Habang pa baba ay iniisip ko naman kung sino ang pupunta dito ng ganitong oras? Impossibleng si Justine to, kasama n'ya boyfriend nya ngayon. Nasa gitna na ako ng hagdanan ng makita ko si Carl na nakaupo sa sofa sa living area. Kumunkt ang noo ko, nakakapagtaka naman talaga. He looked at me kaya naman nginitian ko nalang sya, he smiled too at tumayo. Lumapit ako sa kanya just to ask anong meron, "Uhm gusto lang kita bisitahin, uuwi ka na pala bukas?" tanong nya, tumango ako pinaupo muna sya. "Anyway, nag dinner ka na ba? o may gusto kang kainin?" Tanong ko sa kanya. "Ayos lang ako, uuwi ka na pala bukas? Si Justine nagsabi sakin" sabi nya habang nakangiti, tinitigan ko s'ya. This man right here isn't my close friend but the care in his eyes is evident, I remember someone. His eyes isn't like this, ni wala nga 'yong expression e. I smiled "Oo e, enrolment na namin sa susunod na week and need ko maghanda" I said. Tumango lamang sya, "Bakit ayaw mo mag transfer?" tanont nya, pare parehas lang sila ng suggestions kaya napapaisip ko may advantage rin naman kasi pag dito ako mag tatapos e. Nag-kwentuhan muna kami saglit bago nya napagpasyahang umuwi, hinatid ko sya sa sasakyan nya sa labas ng gate. Akala ko ay aalis na sya ngunit tinignan nya ako ng maigi at ngumiti, nginitian ko sya pabalik. "May sasabihin sana ako, kung ayos lang" saad niya, tinignan ko sya ng may pagtataka, "Uh oo naman ano yon?" I asked. He sighed, "Manliligaw sana ako, alam kong uhh kakakilala palang natin pero alam mo na" saad niya, I'm not expecting that from him so I was a bit shocked, evident siguro kaya he chuckled. "Don't worry, I don't wanna rush you. I know di ka pa ganun ka focus sa ganitong bagay pero I will wait. I can wait." saad nya at pumasok na sa sasakyan, hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. That guy. Hindi sya nag-tanong kung pwede ba, he just told me he will. I can't believe this I was still shocked kahit nasa kwarto na ako, it's almost 10PM. I've always thinking na pag manliligaw yung lalake, hindi nya hihingin ang permisyon mo kasi kung gusto ka nya, liligawan ka at susubukang makuha ang loob mo. Umayaw ka man sa kanya patuloy parin sya para maiparamdam sayo na gusto ka nya. I still can't believe na nangyayari ito ngayon. I sighed, but- My phone rang. Unknown Number Kumunot ang noo ko at tinitigan iyon, who the heck is this ba? Hindi ko iyon sinagot at hinayaang namatay, binasa ko lahat ng nag text sakin just to discover na dalawang magkaibang unknown number pala ang ang nag te-text sa akin. 3 sa una at dalawa naman sa pangalawa, the second one called me naman. Sa pagtataka ko diko namalayan nakatulog pala ako, I sighed. Hindi ako nakapag-pray, nagdasal muna ako bago maligo. Almost 1 AM na, inaantok parin naman ako pero mas pinili ko naman maligo at umalis na. Naabisuhan ko na rin naman si Manong Joel, he's probably outside na. Nag-impake na ako, kunti lang naman ang bitbit kong mga gamit. Hindi na rin ako ng make up, simple square pants, croptop and sneekers lang ang suot ko with my jacket. Bumaba na ako and I'm right nasa baba na nga si Manong Joel, enjoyong his morning coffee. Hinayaan ko munang matapos sya at umalis na kami. I recieved some texts. Justine: Ingat ka te, balitaan mo ako. Krystal: Hindi na kita naabutang gising, ingat ka and tell me agad kung anong gagawin nung isa. Carl: Ingat Athena and sa sinabi ko, I am serious about it. I sighed after reading those, some people really still cares about us. Yung iba hindi vocal, yung iba naman masyadong napaghahalataan sa galaw. Kumunot ang noo ko sa isa pang nag text. Tita: Ingat ka hija, nakausap ko ang mommy mo. We have plans and we need your approval. What is it this time? sa sobrang pag-iisip ko, natulog nalang ako sa byahe. Ginising ako ni Mang Joel, quarter to 3 na. I said my thank you at pumasok na sa loob. Umupo ako sa may bench at kumakain, ito lang ang makakapag-wala ng boredom ko. My books are inside the luggage kaya diko na lang kinuha kasi hassle naman. Nakalapag na kami sa Davao at exactly quarter to 8 AM. Ang alam ko nasa labas na ang pinadalang sasakyan ni mama kaya sa labas nalang rin ako nag-hihintay. Habang naghihintay ako, may lumapit sa akin na siguro schoolamate ko nung college base sa sinabi nya. "Athena? Hi, nabalitaan mo na bang umuwi na si Ashton? Balita ko kayo raw?" She said and she chuckled, I looked at her seriously naasiwa siguro sya kaya nanahimik sya at ngumiti na lang. "Really? Hindi ko alam e" I denied, "Is he that important para pagtuonan ko pa ng pansin?I guess no and hindi kami." I said and I chuckled. Tumango lamang ito at umalis na. Am I being rude again? I sighed. Well, whatever. Ilang minuto lang ay dumating ang sasakyan at bumyahe na kami papuntang bahay. Habang nasa byahe nag s-scroll ako sa newsfeed ko. "Ashton has a girlfriend pala na iniwan dito? sila parin saw until now" one post said, I rolled my eyes. Gano'n parin ang interest nila sa kanya after 4 years? really? Nagbabasa ako ng mga comments pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko, kumunot ang noo ko sa nabasa. "Sa naalala ko, naghiwalay sila ni K kasi sila pala ni A?" saad do'n at maraming nag reply such as; "Talaga?they are cousin diba?nakakahiya" "I don't think so, sinampal nga raw ni A si Ashton e" "Di natin alam, alam lang natin na baliw si Ashton kay A pero di naman impossible" and more. I rolled my eyes, wow nananahimik kami tas madadamay pangalan namin? Unknown number: Athena, nasa Davao ka na raw? I rolled my eyes, di ba talaga to titigil? Unknown Number: This is Ashton. Kumunot ang noo ko sa sunod nitong text, nababaliw na ba talaga ako or ano? habang tinititigan ay tumawag ito. I don't know why I fcking answer his call. "Athena?" panimula nito ngunit di ako nagsalita, papalapit na kami sa bahay. "This is Ashton, can we talk?" he said and before he can even start another word I answered him, "How dare you call me? and where the hell did you get my number?" Sunod sunod kong tanong. He sighed, "Kaya nga let's talk" I smirk, no way. "No thanks" saad ko at nag end call na. Blinock ko na rin ang number nya. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok ng bahay, si papa nag ta-trabaho raw. I don't know what's with him pero si napapakali si papa ng walang ginagawa sa buong araw nya kaya he choose to work again, si Mama naman nasa sala nagbabasa ng papers. Papa isn't into the company, even yung sa kanila kaya si mama ang namamahala. I hugged my mom. "Hija, magpahinga ka muna. May pag-uusapan tayo later."she said at tinuon ang atensyon sa mga kaharap nyang papel. Tumango lang ako at umakyat na. Mas malaki ang bahay namin sa Batangas at Manila kompara dito sa Davao kasi yung bahay namin dito ay amin lang while dun sa Manila at Batangas ay kasama namin sina tita and Krystal. Wala na ang daddy ni Krystal, naghiwalay sila ni Tita nung kakapanganak palang ni Krystal. May mga lalake talagang gan'on ano, mabuti nalang my father isn't one of those. Nag aayos ako ng gamit ng may nagbukas ng pintuan ko, my older brother. He is a policeman and obviously ayaw nya mamahala ng kompanya kaya di ko alam saan ibibigay ni mama yung kompanya ni papa after nya mag retire. "Nakauwi ka na pala?You didn't even text me"He said and ginulo ang buhok ko, tinignan ko sya ng nakakunot ang noo. "Stop that kuya" he just chuckled at nagpaalam ng may trabaho pa daw sya. Nasa bahay lang naman ako buong araw, wqlang calls or texts. Mas gusto ko talaga to e, tahimik lang at walang nang iisturbo. Nakipag dinner lang ako kasama si mama at papa, nagkamustahan lang naman at nagtanungan sa plano nila sa negosyo. Hindi ko parin alam anong plano nila kasi di ko naman naiintindihan san nang-galing usapan nila, ang alam ko lang nalilito sila. Kinabukasan, nag rereview ako pagkatapos ng mga ginagawa ko sa umaga. Busy ako kaka-review ng pumasok si mama sa kwarto ko, "Hi, are you busy uh? Can we talk?" saad nito ng nakangiti. Tumango lang ako, di naman mahilig ngumiti si mama e. I don't know kaming apat talaga hindi palangiti at hindi open-book, it runs in the blood ba? I laughed at that thought. "Your tita told me na kumbinsihin kang tapusin nalang ang law school mo sa Manila, you can buy a condo naman" saad nito, pinilig ko ang ulo ko at pinag-iisipian iyon. "Besides, dun ka rin naman pupunta after mo ng law diba? Alangan namang dito habang namamahala ka sa kompanya?" tinaasan ako ng kilay nito. "Pag-iisipan ko muna mommy, aalis ako mamayang lunch pala. Sa mall lang naman ako with my friend" tumango lang ito at pina-alahanan akong pag-isipan iyon. Wala pang 12PM umalis na ako ng bahay papuntang mall, I will meet my friend lang naman. Julie: Where are you? Nasa coffee shop ako, like before. Text nito at dumeritso na sa dati naming tambayan, kahit no'ng highschool palang kami. She's currently working. A policewoman. She's really obsessed with her profession, di nagbabago isip Pumasok na ako sa coffee shop at umupo sa tabi nya, she's busy scrolling something on her phone. Kinalabit ko ito. "Andyan ka na pala, have you seen this?" saad nito at may pinakita sa phone nya, kumunot ang noo ko. What the heck is this? "Confused? ako rin e, ang kapal naman ng mukha ni Ashton. Too full of himself" she said at nagkibit balikat. "Hayaan mo na, they don't deserve my explanations" saad ko at nag order nalang. What I saw is so funny, they are spreading rumors na kami raw ni Ashton? what a funny joke, kakausapin ko mamaya si Krystal about dito. Busy kami sa pag kkwentuhan about sa nagugustohan n'yang nag t-training palang para maging Pulis, natatawa ako minsan sa kanya kasi halatang hulog na hulog. "Kaedad ata natin iyon e, kaso nga lang nakapag stop sa pag-aaral para mag trabaho" saad nito at humigop muna sa kape bago tumili, "Omygash right nakaka sexy, inuuna nya family nya." saad nito at biglang nangisay. Natatawa nalang ako, ganito ba epekto pag masyado kang nattacu sa tao or wala pang gitna to? Nakikinig lang ako sa kanya ng may lumapit saamin, "Hi, uhm" she said naiilang ba ito o ano pero nakangiti kasi sya, "Yes?" tanong ni Julie. Tinignan ko naman s'ya mula ulo hanggang paa. She's beautiful with her corporate attire so. "Are you Athena Laia?" Nakangiting tanong nito, "Me, why?" tanong ko pabalik sa kanya. Tinignan n'ya ako na para bang gusto n'ya ako insultuhin. Umiling lang sya at umalis na. I rolled my eyes, "Sino nanaman yon?" tanong ni Julie, nagkibit balikat lang ako at kinain ang cheesecake. Pagka-uwi ko, agad-agad kong tinawagan si Krystal. Ang akala ko'y hindi nya pa alam pero alam na alam nya na pala. Oo nga naman, bat pa ako magtataka e updated nga ito halos sa lahat kahit saan pa to nakatira. "I know, Ashton is really asshole." she said, halata sa boses nya ang pagkaka-inis nya. "Tsaka bakit ba nag papa spread sya ng rumors? malala pa sya sa mga babaeng chismosa" saad nito saakin, I smirk. "'di ka na nagtaka sa lalakeng 'yon. hayaan mo nalang" she chuckled, "Hayaan? alam mo na ba?" tanong nito na kinakunot ng noo ko, anong alam? syempre kaka-kwento ko nga lang e. "What do you mean?" I asked her back, pa thrill pa. "Engaged na yan di Ashton, sabi ni Dessa sakin" she said confidently, halatang sigurado sa sinasabi. "What do you mean? He's spreading a rumor with other girl and then he has a fiancee pala? di talaga nagbago" saad ko, di maiwasang mainins. Out of all people that I hate, isa na dun ang pagihing cheater. I hate cheaters. "Chill, baka may plano ang loko. He doesn't like his fiancee daw e" saad nito, halos matawa ako. Aba'y gago pala sya. "What? baliw ba sya bakit dya nagpa engage dun?" I asked, sobrang curious at the same time natatangahan kay Ashton. "Marriage for convenience cous, uso na yun sa kanila kasi nalulugi na daw pamilya nila. Isipin mo ba naman araw araw pumupunta ng casino papa nya" kwento, andami talagang nasasaganap na balita nitong babaeng ito. "whatever, basta ako sayo kakausapin ko sya at isampal sa kanya ang katotohanan" After our call naisipan ko ngang kakausapin ko s'ya pag pupunta ako ng mall, brief lang para malaman n'yang di nakakatawa ang mga balitang na-lilink ako sa kanya. Hindi ba sya nahihiya? I mean, may magtanong pa sakin bukas baka masampal ko na rin kasama si Ashton. Kinabukasan, naligo agad ako at tumambay lang sa kwarto pero di mapag-kaila na papasok talaga si mama. "Darling, napag-isipan mo na ba?" tanong nito, "Opo, I'll consider your decision." saad ko at tinignan ito, sumilay ang malaking ngiti sa labi nya. "Good then, kasi dun na rin kami ng papa mo. Your brother will stay here kasi aside from his work, mag p-propose na raw sya sa girlfriend nya. He asked our permission kanina" I looked at her with a wide eye. Really? "ahh okay ma, tell me nalang when are we going" I said, di na nagtanong sa huli nyang sinabi. "Okay, maiwan na kita and oh, yung secretary ng tita mo ang mag eenrol sayo sa manila. Oky? pagdating natin do'n maghahanap tayo ng condo mo" she said her last statemeny bago lumabas. Paglabas ni mama, inunblock ko si Ashton at tinext s'ya na magkikita kami sa shawarma shop ng mall malapit dito. After a few minutes, sumagot rin naman sya. Ashton: Alright, be there in 15. 15 minutes? agad agad? I look at the clock. 9:10AM. I rolled my eyes, as if magmamadali ako for this bastard. Inantay ko muna mag 20 mins bago ako nagpalit ng damit, ni hindi ko manlang pinagisipan ang suot ko. He's not important after all kaya nevermind. Papunta palang ako ng mall when he keep on texting me nakanina pa raw sya, nasaan ako and he's willing to wait. I smirk, whatever bastard. Nakarating na ako sa shop ay nakita nya agad ako, tumayo agad sya para lapitan ako at umambang ibe-beso ako ng lumayo ako without a expression. "Oh uhm sorry, so ano pag uusapan natin? You wanna order?" he asked, di ko sya sinagot at lumabas na. " Ahh ayaw mo dito? Where do you wanna eat?" he asked smiling. "I want to tell you something" "Finally Athena" he said, sound so happy ha. "Ayoko na magpaliguy-goy pa. Stop spreading rumors about us Ashton, think about your fiancee or focus on your own company." I said, halatang naiinis. "Look Thena, I-I was just trying to avoid my fiancee, you kno-" I cut him off. " Stop explaning and do it. I don't care what's your plan about avoiding her just don't f*****g use my name again" I said na may halong pagba-banta. He chuckled, "You really ought me?" he asked, I almost laugh on his question. "What a good question, do you really want me to answer that?" I asked at tinaasan sya ng kilay, tinitigan nya ako bago yumupo. "Nagsisi naman ako dun, Athena" he said, I was looking at him ng maalala ko kung gaano kami ka-close before. Yung kakulitan nya at yung pagiging mabait nya, when he did that to my cousin. I feel like I was also betrayed by my only male friend, he's like a brother to me but what he did to my cousin will never be forgotten. I love my cousin and I will never risk anything just to lose her. I was about to utter a word ng bigla s'yang tumawa at hinawakan ang wrist, I startled. "What the heck are you doing?" I asked him. "Wala ka namang boyfriend Athena, just let me o baka gusto mo totohanin nalang natin?" he said and I almost didn't know who's infront of me talking. I was about to fireback when a hand snaked on my wrist at hinila ako galing kay Ashton, I was shocked. Kumunot ang noo ni Ashton at tumingin sa taong nasa gilid ko, I can't even look at him sa sobrang kaba at pagkabigla ko. "She has, it's me" he said with his baritone voice. Sounds familiar pero impossibleng andito sya isa pa masasapak ko itong lalakeng to, how dare him touch me. Suprisingly, binitawan ako ni Ashton. Kinalas ng lalake ang kamay nya sa gilid ko at hinawalan anv palapulsohan ko para hilain sa likod nya, Carl? what the heck anong ginagawa nya dito? "Any problem on my girlfriend?" he said as if naghahamon ng away, imbis na tanungin si Carl sumabat pa ako. "Get off Ashton, go away. Do something to stop it and get lost" I said. Gulat na gulat ito at bago ko pa marinig ang sinabi ni Ashton at nahila na ako ni Carl sa isang gilid ng mall. Kinalas ko ang kamay ko, "Carl? what are you doing here" paunang kong sinabi, he look at me as if babasaging bagay ako. "Are you okay?" he asked back, I rolled my eyes. "Yeah, bat ka andito?" I asked again. "Proposal, aalis rin naman ako agad bukas. Nadaanan kita kanina kaya ganun, nag tetext ako araw araw pero walang reply sayo" he said with a half smile, I felt guilty. Ayoko kasi ng kausap lagi. "Pasensya na, anyway, gusto mo mag brunch?" Anyaya ko sa kanya. "No, salamat ha. May meeting kasi ako ng lunch e and tell that guy na I'm not your boyfriend pero siguo lalayo yon" saad nito, tumango na lamabg ako. "Salamat pala ha" saad ko bago ako nagpaalam sa kanya, uuwi na lang ako wala namang akong gagawin dito. Ang busy naman ata ni Carl, saan ba ang CEO nila at parang s'ya ang umaasikaso? sabagay family business pero nakakapagtaka lang talaga. Kung itatanong ko pa sa kanya aay baka akalain niya nakiki-chismis lang ako. Pagdating ko sa bahay, tinawagan ako ni Justine para makopag chikahan sa akin. Andami n'yang kwento tungkol sa buhay nya doon. I also told here about mybplan on continuing my law study in manila and balak ko sana na mag condo ako or penthouse para naman magkasam kami sa iisang bubong si Krystak na rin pero I doubt Krystal, di yon papayagan ng mommy nya na tumira sa hindi sa bahay doon. Di naman yun mahigpit, gusto nya siguro nasa iisang bubong lang sila. "Ay bet ko yan, maghahanap na rin ako dito te para more choices tayo tsaka may naisip na rin ako e" saad niya, I wonder baka malapit lang sa boyfriend nya. Pinilig ko ang ulo ko, wag naman sana akong makakita ng araw araw na paglalandian. "Dun sa halos anak ng mga businessman ang nagaakopa. Mataas ang security and wala lang magaganda designs dun e. I heard" saad niya just to know na half of the designs of what she's talking about are from our company's great designers. "May chika ako te, nag pa engagement party na si Marie, desidido ang babaeng yun" she said and laughed, di ako makatawa. I smirk pero para akong nanlamig. "Kaso lang, may usap usapan e" dugtong niya. Kumunot ang noo ko, curious. "What?" I asked, she laughed so loudly. "Interesado ka bigla uh" tawang tawa sya sa sinasabi nya. "Just tell me" naiinis kong tamong sa kanya, napaka bitin e. "Hindi raw pumunta si Johnsen, he kinda like wanna disgaree or whatever?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD